Chapter 2 - Part 6

35 2 1
                                    

Ayoko ko na...

Ayoko na makita si Orange ganoon ulit...

Kaya..

Kaya gagawin ko na kahit ano para matigil sila.

Tumakbo ako sa harapan nila at binuka ng malaki ang arms ko na parang sinasabi bawal sila dumaan. Tapos nito sumigaw ako ng malakas.

"Hindi niyo na pwede asarin si Orange!!!"

Alam ko na mabubugbog ata ako tapos nito, pero hindi ako natakot. Mas lalo akong takot na bumalik si Orange sa pagiging malungkot.

Mukang nagulat sila sa sinabi ko. Parang si Orange rin nagulat sa ginawa ko.

Tapos nito may sinabi yung isang lalaki.

"Ma-mag sosorry sana kami sa kanya..."

Eh?

Ehhh!?!?

Bigla ko na lang napansin kung gaano nakakahiya yung ginawa ko at tumayo lang ako doon ng matagal.

Napansin ko si Orange lumapit na sa akin.

"Mag sosorry daw?" Sinabi ni Orange.

Yung isang babae lumapit at sinabi

"Oo dinala ko sila dito para mag sorry, Nung narinig ko ginawa nila sayo hindi ko mapigilan sarili ko kundi dalhin sila dito para mag sorry ng personal."

"So-sorry Orange.." Mukang takot yung isang lalaki habang sinasabi ito. Takot kanino? Sa babae?

Tapos nito nag sorry rin yung isang lalaki.

"Orange sino sila?" Tinanong ko ng pabulong.

"Yung dalawang lalaki, sila nagsimula ng pag aasar sa akin. Pero hindi ko kilala yung babae." Sinabi niya rin sa akin ng pabulong.

"Sandali..." Sinabi ng babae. Tinuloy niya

"Jon Eve? Ikaw ba yan?" 

Bigla ako niyakap ng babae.

Si Orange tumingin sa akin ng may gulat pero biglang napalitan ito ng galit.

Dead KidDonde viven las historias. Descúbrelo ahora