TBPW-15

18.7K 365 14
                                    

"How to kill someone? Fill them with so much love then leave."

TBPW-15

#UNEDITED!!

Nicole's POV

"SO, sa tagal mong nagtrabaho sa bar ko bilang isang singer ni hindi mo manlang naisipang sabihin sakin na asawa ka pala ng kapatid ko?" Nakataas ang kilay na tanong sakin ni Boss Blaine.

I looked at him at binigyan siya ng alanganing ngiti.

Yes, nagtatrabaho ako sa bar na pag aari niya, singer ako don. Doon bigla ay naisip ko, yung huling pagpe-perform ko sa bar niya ay hindi pa kami ni Blithe. Biglaan lang ang lahat at halos dalawang linggo na akong hindi bumabalik sa pagkanta kaya hindi ko rin nasabi sakanya. Shaka diba secret lang din ang nangyari sa amin ni Blithe? Kaya paano kong sabihin sakanya na kasal kami ng kapatid niya? Paano kong sasabihin na nagsimula ang lahat sa isang deal? Sa deal na nagdala sa amin ng kapatid niya para mahulog sa isa't isa?

But then reality hit me. The deal. Yes nagkaaminan na kaming mahal namin ang isa't isa pero hindi pa rin namin napag uusapan yung tungkol sa deal.

"Hey? Are you still with me?" Sabay pilantik ni Boss Blaine ng daliri niya sa harap ng mukha ko. Napaigtad naman ako at napakurap.

"Ah, huh?" Kinunutan niya ako ng noo. "Ano na nga po ulit yung sinasabi niyo?"  Tanong ko.

He shook his head while smiling. Hinawakan niya yung ulo ko at ginulo yung buhok ko.

"Lumilipad na naman yang utak mo Castro." Natatawang wika nito na ikinasimangot ko.

"Si Boss pamwisit pa rin e no?" Busangot na wika ko na ikinatawa niya ng bahagya.

Napatitig ako sakanya. Boss Blaine is most likely my husband Blithe. Yes, magkamukha sila, walang pagkakaiba sa mukha nila pero kahit minsan hindi ako nalito kung sino ang asawa ko at sino ang boss ko sa kanilang dalawa. Magkamukha sila, masayahin, ang tanging ipinagkaiba nga lang ay pag ngumiti ang asawa ko ay umaabot yon sa mga mata niya pero pag si Sir Blaine na ang ngumiti ay kapansin pansin na puno ng lungkot ang mga mata nito. And me being curious, napaisip ako kung ano ang dahilan ng lungkot sa likod ng maganda niyang ngiti sa mga labi.

Bali balita kasi na sa kanilang tatlong magkakapatid ay si Sir Blaine ang pinaka masayahin pero sa nakikita ko ay parang hindi naman.

"What's funny? At bakit ka tumatawa kasama ang ASAWA ko?" Napalingon ako at nakita ko ang naka kunot na noo ng gwapong asawa ko.

Naglakad siya palapit at ng tumapat sa akin ay agad sinakop ng mga labi niya ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko! Gad! Nasa harap kaya namin ang kakambal niya!

Tinulak ko siya at agad naman siyang umungol at hinigit ako sa baywang.

"Ikaw ang landi mo talaga. Hindi mo ba nakikitang nandito si Boss Blaine? Hindi ka na nahiya." Sita ko sakanya.

Bumaling ang namumula kong mukha kay Sir Blaine na nagpipigil ng tawa.

"Stop laughing Bro. It's not even funny." Pikon at busangot na ang mukhang wika ni Blithe.

Doon tuluyang natawa si Boss Blaine. Mas sumimangot naman ang asawa ko.

"Stop laughing Bro. You are pissing me off." Malamig na wika ni Blithe kaya naman nakurot ko siya sa tagiliran na agad niyang ininda.

Iniharap niya ako sakanya at hinapit sa baywang.

"Why did you do that huh? Don't tell me kinakampihan mo pa ang kakambal ko kesa sa akin na asawa mo?" Kunot ang noong wika nito.

The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now