TBPW-11

17K 378 11
                                    

"Darling just hold my hand. Be my Girl, I'll be your Man."

Pretty Author's Note;

Ako ay INIS na INIS kay WATTY! Nabura ang original copy ng Chapter 11 na dapat ay kahapon pa tapos! -.- Napakadiwara ni Wattpad. Nakakainis. Ang hirap hirap mag isip ng Ud tapos mabubura lang? 😭 Kainis siya!

But anyways, Enjoy reading.

#AND IMPORTANT NOTE:

Magiging MABILIS na tayo. And another WARNING: Harsh and MURAHAN words ay madami sa chapter na ituuu. It's not your TYPICAL KAKILIG Chapter. Ilabas na natin ang konting TWIST. 😊 Salamats.

This chapter is Dedicated to;

Marifedelmus, brattieeee, LaiCamba, and iceprincess16mj Thankyou sa pagbabasa at paghihintay ng UD. 😙

#UNEDITED.

11.

Nicole's POV

EXCITED akong naglalakad papasok ng opisina. Its been three months mula ng ikasal ako kay Blithe at kahit deal lang ang mayroon sa amin ay hindi ko naman naramdaman na deal lang ang pagiging mag asawa namin.

Kainis. I know I should'nt feel like this. Like this na masyado akong masaya. Masyado akong nagpapadala sa mga efforts niyang nakakakilig, yung mga sweet gestures niyang talaga namang patok, yung mga malanding ways niya na nakakapag pangiti sa akin. I know na dapay hindi ko iyon masyadong sineseryoso dahil alam kong may katapusan lahat pero damn! I can't. Dahil kung may nagbabago sa bawat araw naming magkasama ay iyon lang ang mga bagay na mas lalo siyang nagiging maalaga, sweet at malandi.

I shook my head while smiling.

I don't know pero alam kong may iba na sa akin. Alam kong iba na yung nararamdaman ko towards him pero ayokong aminin. Natatakot kasi akong dumating ako sa point na mahalin ko na siya ng sobra at pagkatapos ng isang taon ay iwan na niya ako dahil iyon ang usapan namin.

Doon bigla akong nakaramdam ng sakit. Everytime na maiisip kong matatapos ang lahat ng mayroon kami ay kumikirot ang dibdib ko. Feeling ko hindi ko na kayang mahiwalay sakanya. Feeling ko hindi ko na alam ulit kung paano ako magsisimula once na matapos ang deal na mayroon kami.

I sighed. Bigla ay napalitan ng hindi magagandang thoughts ang kanina lang ay masayang mood ko.

I shook my head. Maybe I should not think about those thoughts. May seven months pa ako para makasama siya. Para maging ako. Para maramdamang hindi ako nag iisa. Para maramdamang may nag aalaga at magpaparamdam na hindi man ako perpekto ay maari pa rin akong maging masaya. I smiled. Seven months. May seven months pa ako para manatili sa tabi niya.

"Good Morning Maam." Bati ng mga nadadaanan ko na nginitian ko at binati pabalik.

Pretty ni Maam no?

Yes.

Rinig kong bulong ng iba pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

Narating ko na ang tapat ng opisina ni Blithe kung saan doon din ako nag oopisina.

I composed myself. Inayos ko yung damit ko at buhok.

Inaamin kong namimiss ko na ang asawa ko. Ilang araw na kasi siyang wala dahil sa dami ng trabahong hindi niya natapos kaya halos sa loob na ng kwarto niya sa opisina siya natutulog.

I sighed. I know he's tired. Gustuhin ko man siyang tulungan ngunit hindi pa kasi ako ganoon kapamilyar sa mga trabaho sa opisina. Lalo pa at mga basics lang ang pinapagawa niya sa akin.

Anyways, umayos na ako ng tayo at ngumiti ng malaki. Binuksan ko na yung pintuan at agad pumasok sa loob.

Ngunit ang kaninang ngiti na nakapaskil sa mga labi ko ay nawala. Bigla ay nanginig ang buo kong katawan. Nangilid yung mga luha ko at nalaglag yung mga folder na dala ko sanhi para mapunta sa akin ang tingin nilang dalawa.

I saw him. My husband, sitting on his swivel chair while the woman is sitting on his lap at magkayakap pa sila.

I saw how Blithe's face paled. Agad niyang ibinaba ng maingat ang babaeng nakakandong sakanya at namumutlang tumayo at akmang lalapitan ako ng umatras ako.

I saw how his face paled more.

Napatingin ako sa gawi ng babae. Indeed, she's beautiful. Sophisticated at alam kong galing sa alta syudad na kinabibilangan din ni Blithe.

Again insecurities filled me. Ano lang ba ako kumpara sa babaing to na kaharap ko?

I saw the woman's confused face. Pero may sinusupil na ngiti sa mga labi habang nakatingin samin ni Blithe ng pabalik balik.

Bigla ay nanliit ako. Siguro iniisip niyang sino lang ba ako.

"Sweetheart it's not what you think." Malumanay pero halata sa boses ang takot na wika sakin ni Blithe.

I looked at him using my blank expression.

Masakit yung dibdib ko. Oo nagseselos ako. Halo halong emosyon ang bigla kong naramdaman.

Akmang tatalikod ako ngunit hinigit niya yung braso ko.

I looked at him and gave him a death glare.

"Let go." Madiin ang boses na wika ko.

Mas lalo pa siyang namutla.

"No. Le--"

"Bitiw." Alam kong wala akong karapatang mag inarte pero nasasaktan ako kahit hindi naman dapat.

I know wala akong karapatang masaktan pero nasasaktan pa rin ako.

"I won't. I told you hindi kita bibitiwan." Madiin na ang boses na wika niya.

Mas nangilid yung mga luha ko pero kasabay non ang galit na naramdaman ko.

Pilit kong kinuha yung kamay kong hawak niya at tinitigan siya ng masama.

Nakakainis siya. Gago! Pa fall! Malandi! Parang noong isang linggo lang napaka sweet pa niya sa akin at halos ayaw akong mahiwalay sakanya tapos ngayon aabutan ko siyang ganito? Na may kasamang babae at nakakandong pa sakanya? Iyon ba ang busy? Ganoon ba ka busy sa babaing to?

"Then ako ang gagawa ng paraan para bumitiw ka." Mariing wika ko at tumalikod na at iniwan siyang napatulala.

Lumakad na ako papunta sa pintuan ng opisina niya. Pero bago pa ako tuluyang lumabas ay puno ng galit ko siyang muling nilingon at.

"Putangina mo Montero! Gago ka!" Gigil kong wika na nakapag pasinghap sa babaeng katabi nito at tuluyan na akong lumabas ng opisina.

Nagderetso ako palabas at sumakay ng taxi. Doon tuluyan na akong naiyak.

Damn! Ang sakit. Bakit ako nasasaktan?

And then reality hit me hard.

Mahal ko na siya.

Alam kong hindi dapat pero mahal ko na siya.

Mahal na mahal ko na si Blithe.

At doon napahagulgol na ako.

What to do now? Paano ako makakaalis lalo pa't hulog na hulog na ako sakanya?

To be continued...

---

BITIN?

Akoy natuwa sa nag comment sa chapter 10 kaya ako nag UD haha!

Anyways, please do Vote and Comment. :*

JLY! :*
DDCA. 💕

The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now