TBPW-2

22.4K 548 15
                                    

"Stop begging someone to love you. Remember love is not all about begging, it is all about loving someone with the intention of just loving them, without asking them to love us back."

TBPW-2

Warning! #UNEDITED! May TYPOS at WRONG GRAMMARS!

Nicole's POV

NAKANGUSONG pinag lalaruan ko yung maganda kong kuko sa aking magandang daliri.

Kanina pa ako nagmumuni muni dito sa loob ng apartment ko.

Aba bakit hindi? Eh isang linggo na ang nakakaraan mula ng makausap ko ang CEO ng kompanyang yon kung saan tinanggap nga ako sa trabaho pero may kondisyon namang kailangan kong magpakasal.

I rolled by beautiful eyes. Hindi naman sa choosy ako aber, kasi kung tutuusin sino ba ang aayaw sa napaka gwapong Blithe Ezekiel Montero na pinag papantasyahan at pinag aagawan ng mga babae sa halos buong bansa para maging asawa diba? He is popular, hindi lang dahil sa kagwapuhan niya kundi dahil din sa mga achievements niya sa buhay at the age of 28. He is a very successful businessman at lahat ng hawakan niyang negosyo ay talaga namang lumalago.

I sighed. Anong gagawin ko? Papayag ba ako? Eh kasi naman. 25 palang ako at ayoko pang mag asawa. At isa pa bakit ako naman ang natipuhan ni Soon to be boss Blithe diba? Ang daming nag gagandahang babae sa mundong ginagalawan niya na mayaman din katulad niya. Pero bakit ako diba? Di naman sa pangit ako no, maganda ko swear! Di ako bias pero marami talagang nagsasabing maganda ako. Pero kasi, sapat na ba iyon para tanggapin ko yung offer niya? Kasi.. kasi.. argh! Kasi naman eh! Wala naman akong habol sa 30 Million na ino-offer niya. Basta ang gusto ko lang magkaroon ng simpleng trabaho na tutustos sa mga gastusin ko buwan buwan.

Napahiga ako sa sofa. What to do? I sighed.

Isang linggo nalang yung itatagal ng stocks ko, kailangan ko na ring magbayad ng upa ng apartment ko. Shit naman talaga! Wala naman akong mahanap na ibang trabaho, paano na ko?

Napanguso ako. Aist! Ayoko ng mag isip.

Tumagilid nalang ako sa sofa at ipinikit yung mga mata.

Mamaya na ako magdedisisyon. Matutulog nalang muna ako.

---

Blithe's POV

"Where?" I asked coldly.

Napalunok naman yung inutusan ko.

"Ahm, sa isang apartment ilang metro po ang layo mula rito." Kinakabang sagot nito.

"Tell me the exact location."

"Number 25 Everlasting Street po." Diretsong wika nito.

I just nodded at kinuha ko yung envelop na naglalaman ng perang pambayad ko sakanya.

"Here. Good job." I said as a matter of fact.

Tipid naman itong ngumiti at iniabot yung bayad.

"Thankyou Sir. It's a pleasure to rendered some services to you." Wika nito at tuluyan ng lumabas ng opisina ko matapos kong tumango.

The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now