TBPW-10

18.6K 403 15
                                    

"Ito ang kwento ng buhay ko, kung paano kita minahal ng higit pa sa sarili ko."

TBPW-10

#UNEDITED!

Blithe's POV

"Are you done?" Tanong ko kay Nicole na ngayon ay nakaharap pa sa salamin.

Sasama na kasi siya sa office dahil ngayon siya mag is-start bilang secretary ko.

"Almost done. Sandali nalang." Wika nito na inaayos ang lipstick sa mga labi.

Nilapitan ko naman siya at sinipat ang kanyang mukha.

Beautiful of course. Light make up. Pero napakunot ang noo ko ng makitang masyadong mapula ang labi niya.

Tumayo na siya at nagtama ang mga mata namin.

Inayos niya ang neck tie ko at nginitian ako.

"I'm done. Tara na?" Tanong niya pero di ako kumibo. Napakunot ang noo niya.

"What's with the face Montero?" Takang tanong niya.

Tinitigan ko ang mga labi niya.

"Your lips. Masyadong mapula. Bawasan mo." Wika ko pero sinimangutan niya lang ako.

"Ayoko." Wika pa nito at agad akong tinalikuran.

Nagderetso siya sa kama at kinuha yung bag niya. Akma na siyang lalabas ng higitin ko yung braso niya at sabay higit sa baywang niya.

"Ano?" Nakataas ang kilay na wika nito.

"I said bawasan mo." Giit ko.

She rolled her eyes on me at pilit akong tinutulak pero di ako tuminag.

Ramdam kong inis na siya.

"Ayoko. Ako Montero wag mong sagarin kung ayaw mo--" Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng halik.

Ramdam kong nagulat siya at pumalag pero mas lalo ko lang siyang hinigit palapit.

I kissed her passionately and she eventually kissed me back. Tumagal iyon ng ilang minuto at parehas kaming hinihingal ng matapos.

Tinitigan ko ang mukha niya at nakita kong namumula ito.

I smirked at her.

"There. Done." I told her then I kissed her forehead. "I'll give you a minute to fix yourself sweetheart. Especially your lips." Then I winked at her.

Nanlaki ang mga mata niya sabay ng pagtakbo papuntang salamin.

Agad naman akong lumabas ng kwarto at wala pang isang minuto ay narinig ko na ang tili niya.

"Walanghiya ka talaga Montero! Sinira mo yung lipstick kooo!!"

Natawa nalang ako. Ang gandang umaga para simulan.

---

"What?" Tanong ko sa nakasimangot na asawa ko. Papunta na kami sa office.

The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat