TBPW-19

16.1K 296 9
                                    

"She gave up everything for him to see,
But he gave her nothing but an eye full of tears."

Pretty Author's Note;

Owkay. Sorry sa napakatagal na UD. I know gasgas na ang salitang BUSY pero iyon pa rin ang gagamitin kong rason kung bakit late ang UD ko. You see Nurickians, Graduating Student ako at kasalukuyan akong nag aayos ng mga requirements kaya hindi ko maharap si Watty. So sana maintindihan. Salamats! :*

Enjoy Reading!

19.

#UNEDITED. Maraming TYPOS at WRONG GRAMMARS.

Blithe's POV

KUYOM ANG MGA KAMAONG tumalikod ako.

Fvck. Nasaan ang babaing iyon at sino ba talaga siya?

Katulad noong isang linggo muli ay nagpadala na naman ito ng sulat at may kasama na namang ultrasound picture.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sumasabay pa ang babaing iyon sa problema ko sa kompanya kaya mas lalo akong nai-stress at nawawalan ng oras sa asawa ko.

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha.

Wala na si Nicole sa kompanya. Hindi ko na siya pinagtrabaho na talaga namang pinag awayan naming dalawa dahilan ng isang linggo na rin naming hindi pagpapansinan.

Don't get me wrong okay? Ayoko na siyang mapagod at gusto ko sa bahay nalang siya. Gusto ko magpahinga lang siya at ako na ang magtatrabaho para sa aming dalawa. I just want her to enjoy and relax herself. Pero mukhang hindi niya yata iyon maintindihan kaya eto at isang linggo na niya akong hindi iniimik.

Napasabunot ako sa sarili ko.

May problema ako sa kompanya, may tampuhan kaming mag asawa at ngayon nakikisabay pa ang babaing ito na ni magpakilala ay hindi magawa!

Bakit hindi siya magpakilala kung ako talaga ang ama ng batang sinasabi niya? Tiyak namang mamumukhaan ko siya kung sakaling nagalaw ko nga siya.

I closed my eyes tightly.

I don't know what to do anymore. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

Nahahapo akong napaupo sa swivel chair ko.

That's when my phone vibrated.

Tinitigan ko iyon at parang nawalang bula ang inis ko ng makitang ang asawa ko ang nag text.

From: Sweetheart!<3

Ako ang magluluto ng dinner mamaya. Umuwi ka ng maaga and let's talk.

Parang nawala lahat ng badtrip ko sa araw ko. Nag reply ako.

To: Sweetheart!<3

I'll be going home early then. We will going to eat dinner together. Wait for me. I love you.

Sent!

At ganoon na lamang ang tuwa ko ng magreply siyang muli.

The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now