TBPW-7

19.1K 457 25
                                    

"Stop looking for happiness in the same place you lost it."


Author's Note:

Ang eksenang ito ay naglalaman ng ka-kornihan. Kaya kung ayaw ng OA, skip this chapter. Thankyou!

UNEDITED!

TBPW-7

Nicole's POV

I ROLLED my eyes on him then I placed my card in front of the table kung saan kami naglalaro.

He looked at me amused, then he smirked.

"Really Wife? It's already okay with you? Don't you want to get another card? You know for more chances of winning." Nalangising wika niya sakin.

I just raised an eyebrow on him. Naglalaro kami ng Lucky 9. Yes, lucky 9. Yun lang kasi ang alam ko at niyang laruin sa baraha.

Oh by the way, ayun nga. Ibinaba ko na yung card ko kasi 7 naman na yung result. Nakakatakot na kasing kumuha ulit at baka mas bumaba pa at matalo pa ako. Duh! Ayoko. Ayokong mahalikan ng bwisit na bastos na manyak na lalaking ito no!

Yes. You read it right. Pag siya ang nanalo, ang premyo ay quick kiss sa pisngi. At pag naman ako? Smirked. Sampal.

"Ayoko na. Mahirap sumugal no. Baka mamaya matalo pa ko." Wika ko.

I saw him shook his head.

"You know Wife, sometimes you need to take the risk." Napakunot noo ako sa sinabi niya. Aba't dumadaldal na ang loko ah?

"Tss. Hindi lahat dapat sinusubukan. Example nalang sa Love. Ikaw ba isusugal mo pa rin yung sarili mong puso kung sa umpisa palang naman alam mo ng talo ka?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

He looked at me straigth on the eye.

"Yes." Napakunot noo ako.

"Yes?" He nodded. "And why yes?"

Umayos siya ng upo.

"Susugal ako kasi hindi naman ako nagmahal para mahalin pabalik." Kaswal na sagot niya. I got confused.

"Huh? E diba kaya nga tayo nagmamahal kasi gusto natin mahalin din tayo pabalik?" Naguguluhang tanong ko. Eh kasi diba? Ganoon naman dapat?

He shrugged his shoulder.

"Maybe. May kanya kanya naman tayong rason, paniniwala at opinyon pagdating doon." Balewalang sagot nito.

Tumango tango naman ako. May point siya.

"Pero ikaw? Anong paniniwala mo sa love?" Bigla ay tanong ko.

Again, his gray eyes met mine. At sa di malamang dahilan, my heart beats faster than the usual.

"Well I do believed in Love. Kasi nakikita ko iyon sa parents ko. Everytime I looked at them I saw how happy they are. I saw how my Mom smiled when he saw my Dad got home from work. And when my Mom smiled, I always saw  how my Dad's eyes sparkled with joy. Alam mo iyon? When you looked at them the only thing you will going to feel is love, happiness and contentment." Kwento niya habang nakangiti.

I smiled at him too. Pero di ko maiwasang hindi mainggit. Kasi wala naman akong kinalakihang totoong pamilya. Yes I was adopted pero malaki na ko ng may umampon saki kaya hindi ko na rin naramdaman yung mga ganoong uri ng pakiramdam.

"And for myself?" I suddenly looked at him. "I believed in such things when it comes to love. Naniniwala ako na lahat ng tao deserving magmahal pero naniniwala rin ako na may mga taong hindi deserve mahalin ng mga taong nagmamahal sakanila." Then pinaglaruan niya yung hawak niyang cards. "Kasi minsan mali na yung masyadong magmahal. Yung wala ka ng itinira para sa sarili mo? Hindi na tama iyon. Hindi na pagmamahal ang tawag don." Then tinignan niya ako. "You know what it is called?

Napaisip ako.

"Ah? Tanga?" Di siguradong sagot ko na nakapag patawa sakanya ng mahina.

"Hindi. It's called selfless. Yun yung pinabayaan mo na yung sarili mo at inilayo mo na yung pagkatao mo sa salitang maging masaya. It's like, pina-ikot mo yung mundo mo sa isang taong paiikutin ka lang din pala. It's a bad habit to keep. Kasi kahit kailan hindi tayo sasaya sa taong kahit minsan hindi tayo tinratong tama."

Napa angat ang sulok ng mga labi ko. Si Blithe Ezekiel ba talaga ang kausap ko? Kasi sa pagkaka alam ko, Blithe is a serious type of person. Tahimik. Hindi ngumingiti. Mas lalong hindi madalas tumawa. He just talked a lot when it comes to business lang. Kaya nagtataka ako kung bakit pinagta-tiyagaan niyang sagutin ang mga tanong ko.

"Paano pag dumating ka sa point na nagmahal ka ng taong di ka kayang mahalin pabalik?" I asked out of nowhere.

Napataas ang sulok ang mga labi niya at sumandal sa sofa at tinignan ako.

"Magmamahal pa rin ako. Kasi hindi naman ako nagmahal para hilingin na mahalin din ako pabalik. You know Wife, may mga bagay na madaling sang ayunan pero mahirap panindigan. Madaling umalis pero mahirap manatili. May mga bagay na madaling iwanan pero mahirap ng balikan. May mga daan na hihilahin tayo para umabante at may mga daanan na hihilahin tayo paatras. May mga desisyong tama pero nagagawa sa maling panahon kaya nasisira at may mga maling desisyon na nagagawa sa tamang oras kaya nagiging tama. May up's may down. It's just a life cycle. Love is like a cycle. Magmamahal ka, masasaktan ka. Because that's life. Hindi naman kasi pweding pag mahal natin pilitin din natin silang mahalin tayo diba? It would be unfair. Kasi kahit kailan wala namang nagmahal ng taong tama na nasa tamang pahanon. Minsan kung kailan akala natin nasa mali tayo yun pa yung nagiging tama. Alam mo kung bakit?" I shook my head. "Kasi naghintay tayo. Kasi natanggap natin na di pa panahon. Kasi natanggap natin na kung maghihintay pala tayo, darating at darating yung tamang tao para mahalin tayo sa paraang pangarap nating mahalin tayo." Then he gave me a small smile.

Di naman na ako nakakibo. Nakakabikib siya. Di ko akalaing may ganoon pala siyang pananaw. Akala ko pa naman puro kabastusan at kamanyakan lang ang laman ng isip niya.

"Ikaw?" Napatitig ako sakanya. "Paano pag nagmahal ka ng taong may mahal ng iba? What will you do?" Seryosong tanong niya.

Nagkibit balikat ako.

"I'll let him go." Napakunot ang noo niya. "Kasi minsan sa kakapilit natin ng sarili natin sa iba doon pa tayo mas nasisira at nasasaktan. It's better to let go lalo na kung alam mong ang magpapasaya sakanya ay iba. Kasi ang hirap na ngang ipinaglaban nong taong hindi tayo kayang mahalin diba? What if pa kung ipagsisiksikan mo yung sarili mo kahit nagmumukha ka ng tanga. So, better to let him go. Lumayas nalang siya. Tutal doon naman kayong mga lalaki magaling e, magaling kayong magpa-fall pero ang dali lang para sainyo ang mang iwan." Then I rolled my eyes on him.

He just shook his head.

"Ayaw mo na talagang bumunot?" Tukoy niya sa cards. Umiling ako.

Then ibinaba na niya yung sakanya at

SHIT.

9 ang result.

He smirked, I pouted.

Lumapit na siya sa akin kaya ipiniling ko na yung pisngi kong hahalikan niya.

Lumapit na yung mukha niya. Pero ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla niyang iniharap yung mukha ko sa mukha niya at tinitigan ako sa mga mata.

"Wag mong lahatin lahat ng lalaki Wife. Kasi nasisiguro ko sayong magmamahal ka ng lalaking mamahalin ka rin pabalik."

Napaawang ang labi ko para sana sumagot ng bigla ay lumapat ang labi niya sa akin.

Damn Montero! Duma-damoves na naman!

---

Pretty Author's Note:

Nagloloko si Watty. -.-

Owkay..

Back to reality my Dear Readers! May pasok na naman ang Atii niyo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Haha. Lah e, mai-stress na naman ako. Hayyy! But anyways konting push nalang naman!

Okay PLEASE READ:

UD? Pag di ako busy. Hihi. Labyou! :*

Pag putol yung UD. Remove then add ulit!

JLY! :*
DDCA💕

The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now