TBPW-21

16.8K 311 12
                                    

"He: What do you want me to do?
She: Stay."

UNEDITED!

21.

Blithe's POV

PARA AKONG NAUUPOS na kandila na dagling napaupo sa swivel chair ko.

Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi itong hawak ko. 99.9%. Positive.

Hindi ko alam pero wala akong maramdamang kahit ano kundi sakit at galit para sa sarili.

Paano ko sasabihin sa pamilya ko ito? Lalong lalo na sa asawa ko?

I breathe hard. Sa buong buhay ko ginawa ko ang lahat para maging proud lahat ng tao sa paligid ko. Sa buong buhay ko lahat gusto ko organisado dahil mula ng magkaisip ako sinabi ko na sa sarili kong magiging mabuti at responsableng anak ako.

Akala ko kaya kong panindigan lahat ng iyon. Akala ko kaya kong maging Blithe na itinatak ko sa utak ko mula noon. Akala ko kaya ko panindigan lahat. Pero ngayon, napatunayan kong hindi. Dahil ngayon palang lahat na ng mga gustong kong gawin ay unti unti ng nagugunaw.

I smiled bitterly.

Okay lang sana kung ako lang yung masasaktan. Pero hindi. Hindi lang ang pamilya ko kundi higit sa lahat ay ang asawa ko.

I can't believe this. Gago ako at kailangan kong akuin ang responsibilidad. Pero parang hindi ko kayang dalhin ang magiging kapalit.

Kasi ngayon isa lang ang iniisip kong paraan para hindi ko masaktan ang asawa ko ng sobra.

Iniisip kong itigil na ang deal at...

Tuluyan ng lumayo sakanya.

Damn. Ngayon palang parang pinapatay na ako sa sakit!

---

One (1) Week Later

Nicole's POV

"HEY." Bati ko sakanya.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya ng makita ako.

I pouted. Isang linggo na kaming hindi nagkikita dahil palagi siyang out of town tas ngayon nakauwi na pala siya pero hindi manlang niya ako tinawagan? Nakakatampo na siya.


"You're not happy to see me." Pabulong at busangot na wika ko.

Akmang tatalikod na ako ng marinig ko ang paglangitngit ng swivel chair tanda na tumayo siya.

"Hey Sweetheart.." Malumanay na wika niya sabay hablot ng marahan sa braso ko.

Iniharap niya ako sakanya. Nakasimangot naman akong sinalubong ang mga mata niya.

Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Where are you going? You just came and now you're leaving?"  He said softly.

I sighed. May mali. May mali kay Blithe at hindi ko alam kung ano iyon. At aminin ko man o hindi pero natatakot ako.

Natatakot na ako. Ilang linggo na kaming ganito. Bihira na siyang umuwi at kung umuuwi naman siya ay madaling araw na at pag gising ko naman sa umaga ay malalaman kong nasa opisina na siya.

The Billionaire's Pretend Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now