Karylle: Sorry. I'm sorry. *tinakpan ang mukha dahil naluluha na naman* Sorry. Hindi ko sinasadya.

Vice: Karylle. huwag mong sisihin ang sarili mo.

Karylle: Nasaktan ko ng sobra si Yael. Hindi ko sinasadya. *humagulgol na naman*

Vice: K... please... *niyakap ulit si Karylle*

Karylle: Siya ang pinili ko... Di pa ba sapat 'yon? Bakit hindi niya ko kinausap? *tuloy pa rin ang pag-iyak ni K*

Kahit na nasasaktan din si Vice sa mga naririnig niya, mas mahalaga pa rin ang pinagdaraanan ni K. Magdamag niya itong sinamahan. Nilutuan pa niya ito ng simple dinner kaso walang gana si Karylle kaya nagluto na lang si Vice ulit ng soup. Pinilit siya ni Vice kaya sumubo na rin ito ng kaunti.

Magdamag silang magkasama. Sinubukan ni Vice na patawanin si K. Hindi naman siya nabigo kahit papaano. Kailangan madaldal si Vice para kahit sandali ay makalimot ito sa nangyari sa kasal. Hanggang sa mapansin ni Vice na tahimik na si K, nakatulog na pala ito. Nag-uusap sa Chatroom ang mga Showtime hosts at nakikibalita. Wala masyadong sinasabing impormasyon si Vice bukod lang sa magkasama sila. Lahat sila nagulat sa ginawa ni Yael at hindi makapaniwala. Si Vice man ay nabigla sa sakripisyong ginawa nito. Mag-uumaga na ng salubungin din ng antok si Vice.

Sumikat na ang araw ng magising si Karylle. Nakatingin lang siya sa bintana ng kwarto niya. Hindi siya sigurado sa mangyayari sa kanya sa buong araw pero ang sigurado lang niya ay kailangan niya ring harapin ang pamilya ni Yael. Paglingon niya, nakita niya sa may sahig na nakatulog si Vice at unan lamang nito ang bag ni K. Bumangon siya bigla at ginising ito.

Karylle: Vice.. Vice..

Vice: Hmmm..

Karylle: Vice, ba't diyan ka natulog?

Uminat si Vice at halos hindi pa makadilat.

Vice: Anong oras na?

Karylle: Ahmm *tinignan ang orasan* 7:30.

Vice: *nag-iba lang ng pwesto* Maaga pa, K. Tulog pa tayo.

Karylle: Ba't dito ka natulog? Dapat tumabi ka na lang sa 'kin kagabi.

Vice: Eh komportable naman 'tong carpet mo. *tinakpan ang mata* Antok pa ko, K. Wag ka muna makulit.

Karylle: Vice *naluluha na naman* Wag mo kong iiwan ha.

Vice: *napadilat ang isang mata at pinilit tignan si K* Oh nagsesenti ka na naman. *bumangon* Sige na lilipat na 'ko.

Karylle: *napayakap* Siguro kung wala ka, mas mahirap para sa 'kin malampasan 'yong kagabi.

Vice: Sasamahan kita, K. Hahanapin natin siya.

Karylle: Bakit mo gagawin 'yon? Hindi ka ba natatakot na siya ulit ang piliin ko?

Vice: Okay lang. Di ko kinakaya 'yang aura mo ngayon. Mabigat sa dibdib na makita kang ganyan na umiiyak.

Karylle: *napangiti... hinahatak niya si Vice paakyat* Akyat ka na sa kama.

Vice: *humiga ulit* Mas bet ko 'tong carpet mo.

Deciphered -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon