“Oh eh bakit, pake mo? Ikaw tatawag? Laway mo? Dila mo?”

Napairap na lang ako sa bwisit na baklang ito at tumawa naman si Weng. Wala akong kakampi rito pero gusto ko na rin mailabas ang saloobin ko, baka sakaling makahinga ng maluwag at makapagtrabaho ng maayos.

“Ituloy mo na, ‘wag mo pansinin ‘yan.” Sabi naman ni Weng.

Kaya kay Weng na lang ako humarap. “Nakita niyo naman si blonde ‘di ba, nung birthday ni Geoff? Eh so ayon nga… ano… may gusto siya kay Casimir, eh magkaibigan sila, as in sobrang close nila sa isa’t isa kaya ‘di ako natutuwa.”

“Ay gusto mo kulayan natin ang buhok ‘te? Pink o red? O green gusto mo? O gupitan na lang kaya natin? Much better, right?” Finally, may nasabi ring maganda sa pandinig ko si Dyosa. I nodded with a huge grin in my face.

“Tignan mo ‘tong mga siraulong ‘to. Oh ano ba nangyari kay blonde?” tanong ni Weng.

“Eh ayon, nung nag-uusap kami bigla na lang kumulo ang dugo ko. Nagkasagutan kami.” Minsan talaga kasi kahit anong pilit mong maging mabait darating at darating ka sa puntong gusto mo na ilabas lahat ng inis at galit mo sa kinagagalitan mong tao. “Ang problema ko eh… nasampal ko siya.”

“Oh tapos ‘yon na?”

Sumimangot ako. “Eh baka magsumbong kay Casimir…”

“Eh sumbungera pala ‘yon eh!” sabi ni Dyosa.

Binatukan siya ni Weng. “Baka, baka raw ‘wag kang tanga.” She sighed. “Alex, ‘wag ka ngang paranoid. Pwede mo namang sabihin kay Casimir na hindi mo napigilan sarili mo kasi naiinis ka. You have a reason naman eh.”

Umiling ako. “Si Casimir, iba na siya. Hindi na siya tulad ng dati. Pinagtatanggol niya lagi si blonde, ayaw niyang inaaway ‘yon. He cares a lot for her because he likes her.”

Parehong nanlaki ang mga mata nila. “Siya? May ibang gusto?” ‘Di makapaniwalang tanong ni Dyosa. I nodded. “Weh? ‘Di ko na-imagine ‘yon ah. ‘Di ba, patay na patay sa’yo ‘yon?”

“Pa’no mo naman nalaman na gusto siya ni Fafabe-… ibig ko sabihin, ni Casimir?”

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon