Chapter 41

61.6K 1.4K 91
                                    

"What did you just say, doc?"

Hindi niya alam kung nabibingi ba siya dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya o sadyang huminto ang mga nerves
niya kaya hindi pa nadadala ang mensahe sa utak niya.

The lady doctor smiled. May inabot itong isang litrato na may imahe na hindi naman niya maintindihan. But it seemed familiar. Saan nga ba niya nakita iyon?

"What the f*ck?!" Hindi niya napigilang ibulalas nang may maalala. It was the same picture Helena showed when she told him that she's pregnant.

Pinkatitigan niya ang larawan. Hindi makapaniwala.

"Is this true? Hindi kaba nagbibiro, doktora?"

Umiling ito at ngumiti sa kanya.

"Congratulations, Mister! Your wife's four weeks pregnant!"

Parang huminto ang pagtibok ng kanyang puso nang makompirma ang hinala niya.

Luna's pregnant? Four weeks?

"Damn it! I'm gonna be a daddy! F*ck!" Sunod-sunod na mura ang pinakawalan niya at hindi pinansin ang pagngiwi ng doktora sa kanya. Kahit ang mga nasa hallway ay mukhang nabigla at naranta sa sigaw at pagmumura niya.

Hindi na niya hinintay ang kung anupaman ang sasabihin nito. Agad siyang pumasok at nadatnan niya si Luna na maganang kumakain ng inorder niyang pizza na may maraming cheese. His heart swelled because of too much happiness. Damn! She made him feel alive again!

"Hi, kapre! Salamat sa papizza!"

Napakurap-kurap siya nang marinig ang boses nito. He inched closer. A single tear fell from his eye. Na sinundan ng iilang patak na ng luha.

"Hala! Bakit ka umiiyak, kapre? Dahil ba inilibre mo ako ng pizza? Mahal ba ito? Bakit kasi ang dami ng ibinili mo? Ang sabi ko lang naman limang boxes, diba?"

He chuckled as he dropped a chaste kiss on her lips. She's so cute. Sana maging kamukha nito ang maging baby nila. He wants a mini Luna. Maraming mini Luna.

"Nanghahalik ka hindi mo pa nga ako sinasagot." Nakangusong saad nito.

"I'm so happy, Luna! Thank you so much, bubwit!"

"Ha? Bakit? Anong ginawa ko?"

Inabot niya ang sonogram dito. Kumunot naman ang noo nito habang tinititigan iyon.

"Ano to? Sinong nagbigay nito sayo, kapre?" Anito sa naiiyak na boses. "Nakabuntis ka?! Sinong nabuntis mo ha?!"

Halos malaglag ang panga niya nang marinig ang huli nitong sinabi.

What the hell?! Yes! Nakabuntis talaga siya! Pero ito lang naman ang nabuntis niya. At wala na siyang planong mambuntis pa ng iba.

"It's yours, bubwit. Can't you read? Your name's written on the upper part of it."

"Ha?" Naguguluhan nitong saad. Pinakatitigan nitong muli ang sonogram. Maya-maya lang ay napuno na ng iyak nito ang buong kwarto.

"Hey! Stop crying already, bubwit. Hindi yan makabubuti sayo at sa anak natin."

"Bun-buntis talaga ako, kapre? Hindi ito fake news? Seryoso?"

"Nope. You really are pregnant, Luna. Four weeks. The doctor confirmed it to me." Hinawakan niya ang kamay ng nobya. Inangat niya iyon at dinampian ng masuyong halik ang palasinsingan nito.

"Akala ko gutom lang ako, kapre. Yun pala may laman na itong tiyan ko." Anito habang hinihimas ang impis pang tiyan.
"Magiging butete din ba ako kapag lumaki na ang tiyan ko, kapre?"

One Last Shot (Billionaire Bachelor Series 5)Where stories live. Discover now