Chapter 7

59K 1.3K 39
                                    

Ilang araw na siyang umaalis para maghanap ng trabaho ngunit wala talaga! Walang trabaho para sa kanya! Naubos na nga ang pera niya kagagastos sa pamasahe at pagkain ngunit wala parin. Ano ba namang kamalasan itong nangyayari sa buhay niya? Tanging lukot na isang daang piso, picture niya at picture ng Hollywood crush niya ang laman ng wallet niya. Kumakalam na rin ang tiyan niya dahil sa pagtitipid na ginagawa niya.

Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na umupo siya sa isang upuang semento nang mamataan niya si Kapre sa kabilang kalsada. May nakakapit na maganda at matangkad na babae sa braso nito. Napangiwi siya nang bumaba ang paningin niya sa nakahantad na dibdib ng babae. Mukhang sobrang laki naman niyon. Halatang peke. Napasilip siya sa kanyang medyo nakalabas na dibdib. Hindi nga lang kalakihan at least natural. Umirap siya at tumayo na. Uuwi nalang nga siya. Ang hapdi na ng balat niya dahil sa kakabilad sa init ng araw.

Natigil ang paghakbang niya nang may humablot ng bag niya. Napasigaw siya. Oh no! Ang isang daan niya!

"Magnanakaw! Tulong! Tulong!" Aniya sabay habol sa lalaki. Halos maubusan na siya ng boses sa kakasigaw nang may pumatid sa lalaking kawatan. Plakda itong bumagsak sa mainit na semento. Habol-habol niya ang kanyang hininga nang makalapit doon. Umangat ang tingin niya sa lalaking tumulong sa kanya.

"Maraming salamat, mis -

Naputol ang kanyang sasabihin nang makilala ang matangkad na lalaking may hawak ng bag niya.

"Ikaw? Paanong? Nandoon ka diba?" Aniya sabay turo sa di-kalayuang restaurant.

"Nakakabingi ang sigaw mo, bubwit. Seriously? Hinabol mo talaga ang bag mo? Ilang milyon ba ang laman niyan ha?" Walang kangiti-ngiti ang mukha nito habang sinisipat ang kabuuan niya. Napatikhim siya sabay flash ng kanyang nakabibighaning ngiti. Lalong kumunot lang ang noo nito habang nakatitig sa kanya.

"Isang daan." Wala sa sariling sagot niya.

"Ano? Isang daan ang laman ng bag mo? Bakit mo pa hinabol kung ganun?" Puno na ng pagkairita ang mukha nito.

"Bakit naman hindi ko hahabulin?" Balik-tanong niya dito. "Yun na nga lang ang pera ko." Bubulong-bulong na dagdag niya ngunit sinigurado niyang maririnig nito. Baka maawa sa kanya at ihatid siya pauwi o kaya naman ayain siyang kumain. Nagugutom pa naman siya. Maaga pa siyang umalis ng bahay nila at tanging skyflakes at tubig lang ang baon niya.

"Umuwi kana." Anito maya-maya.

"Ha?"

"Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan lang?"

"None of the above?" Nakangiwing saad niya.

"Tss. Just go home." Anito at tinalikuran na siya. Nakangusong hinabol niya ito at ikinawit ang kanyang kamay sa braso nito sabay hilig doon. Ang hirap kasing abutin ng balikat nito. Sobrang tangkad nito. Ideal height ng lalaking gusto niyang mapangasawa. Siyempre, para naman may tsansang tumangkad ang magiging anak niya in the near future.

"What are you doing? Umuwi ka na!"

"Hindi ba ako pwedeng sumama sayo?" Nakanguso at pagpapacute pa niya dito.

"I'm on a date." He hissed as he tried to untangle their arms. Tinitigan niya ito ng masakit dahil bumakat ang kamay nito sa braso niya.

"Edi isama mo ako! Sabihin mo nalang na magkapatid tayo!"

"Wala akong kapatid,bubwit."

"Pinsan. Sabihin mo magpinsan tayo! Sige na!"

Nainis ata ito sa pangungulit niya kaya isinama nalang siya nito. Inayos niya ang sarili at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan. Hindi naman siya mukhang pulubi. Pasalamat siya sa maputla niyang balat. Okay na iyon. Ngiting-ngiti pa siya nang makapasok at makalapit sila sa babaeng kadate daw nito. Agad niyang kinalas ang braso kay kapre at nauna ng maupo.

One Last Shot (Billionaire Bachelor Series 5)Where stories live. Discover now