Chapter 14

56.3K 1.3K 42
                                    

"What is it, father? I didn't hear you." Aniya sabay lapit sa kanyang ama na nasa mahigit singkwenta na ang edad. Agad niyang pinunasan ang pawis na nagsimulang gumiti sa kanyang noo habang hinihintay ang kung anuman ang sasabihin nito.

Diyos ko! Araw-araw nalang ba siyang ganito? Ang hirap mag englis! Bakit ba kasi nahilig sa porendyer ang ina niya? Siya tuloy ang nahihirapan.

"Your mother said you have a boyfriend. Where is he? I want to meet him." Kahit inatake ito ng stroke ay kababakasan parin ng awtoridad ang mukha at boses nito. It's just a mild stroke ngunit ayaw na ng nanay niya na pagtrabahuhin pa ito. Patay na patay kasi ito sa ama niya kaya ganun. Siya tuloy ang kawawa. Doble kayod ang palaging ginagawa niya matustusan lamang ang pangangailangan nila sa buhay.

"No boyfriend. I'm planning to but not yet, father. I'm busy earning money."

"You're not lying, Luna?"

Napailing-iling siya sabay ngiti dito. Ang gwapo ng ama niya. Ang tangkad pa. Hindi na siya nagtaka kung bakit nainlove ang nanay niya dito. Magkamukha nga silang dalawa ng ama niya. Ang tangkad lang ata nito ang hindi niya namana.

"I'm not lying. So, can I go now? Antonia is waiting for me, father."

Tumango ito at pasimpleng tinaboy siya paalis. She heaved a sigh of relief when she's out of their house. My gad! Akala niya matutuyuan na siya ng utak sa kakausap sa ama niya. Dapat talaga kumuha siya ng kurso na nagtuturo para gumaling sa Ingles. Paano nalang kung makapag-asawa siya ng English speaking? Eh di nganga siya all the time. Oh! Action speaks louder than words naman. Dadaanin niya nalang ito sa landian.













Todo-kapit siya sa braso ni Antonia habang nagliliwaliw sila sa loob ng mall. Taas-noo pa siya habang iniismiran ang mga babaeng nakakasalubong niya na napapatitig sa kanila. Sino ba naman kasing mag-aakala na bakla itong katabi niya? Lalaking-lalaki ito pumorma, gwapo, matangkad at maganda ang pangangatawan. Actually, crush nga niya ang baklitang ito. Ay naku! Kung hindi lang talaga ito bakla, ito na sana ang gusto niyang mapangasawa.

"Ano kaba, Luna? Huwag ka ngang masyadong dumikit sa akin." Anito sa mahinang boses. Nahihimigan niya pa ang pandidiri sa boses nito na ikinataas ng kilay niya. Ang arte ng bakla!

"Bakit? Masama bang dumikit sayo? Ang gwapo mo kaya!" Ngisi niya pabalik na ikinalaki ng mga mata nito.

"Maganda ako, Luna! Magandang-maganda! Mas maganda pa nga ako sayong babaita ka." Pinilit nitong kalasin ang mga kamay niyang nakakapit dito ngunit mas lalo lamang niyang hinigpitan iyon lalo na nang may mapansin siyang isang pamilyar na pigura na papalapit sa gawi nila.

Is that kapre? Sino naman ang kasama nito?

May nakakapit kasing matangkad na babae sa napakagandang braso nito. Few more steps at magkakasalubong na sila. Napatitig siya babaeng katabi nito. Nanlaki ang kanyang bilugang mga mata.

Oh no! Who's that Pokemon?

Oops! Sorry. Nagbibiro lang siya. Bakit ba ang hilig ng mga lalaki sa matatangkad na babae? What's the catch ba? You know, isa kasi siyang dakilang pandak at hindi niya talaga maintindihan ang rason kung bakit mas gusto ng mga ito ang mga long-legged kaysa short-legged na gaya niya.

Come on, guys! It's 2017! She deserves a freaking explanation! An acceptable reason. Dahil kung hindi ay baka mabaliw na siya sa kakaisip ng dahilan. At ayaw niya iyong mangyari. Ayaw niyang maging kauna-unahang baliw sa pamilya niya. Siguradong sa basurahan siya pupulutin pag nagkataon.

"Pwede bang makisama ka muna, baks? Maging gentleman ka muna ngayong araw." Nakangiting anas niya at pasimpleng idinikit pa ang labi sa leeg nito. Siyempre, hindi naman kasi niya abot ang pisngi nito.

One Last Shot (Billionaire Bachelor Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon