Chapter 30

57K 1.3K 98
                                    

Lukot ang mukha na napatitig siya sa paparating na si kapre. Sinungaling na lalaki! May pa make love -make love pa itong nalalaman. Walang kwenta! Naghintay lang naman pala siya sa wala.

"Are you okay, bubwit?"

"Hindi. Ikaw? Okay kaba?" Puno ng sarkasmong saad niya.

"May problema ba tayo? Galit ka sa akin?"

"Hindi ah! Feeling mo lang yun!" Aniya sabay irap at talikod dito. Dire-diretso lang siyang naglakad papasok sa bahay nila.

"Hoy, bubwit!"

Natigil siya sa paglalakad. Binalingan niya ito ng masamang tingin.

"Huwag mo akong mahoy-hoy, kapre! Bubwit karin ng bubwit! Kabadtrip ka! Tadyakan kita diyan eh!"

"You're really mad at me." Pahayag nito at lumapit sa pwesto niya. "Anong ginawa kong masama?"

"Matalino ka naman. Tanungin mo ang sarili mo."



Napapakamot sa pisnging sinundan niya ng tingin ang papalayong si Luna. Hindi niya ito maintindihan. Bakit ito nagagalit? Wala naman siyang naalala na ginawa niyang masama. Akmang hahakbang na siya papasok ng bahay ng mga ito nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. It was his father calling.

"Pa?"

Asan ka? Have you forgotten about the board meeting, son? Ngayon na yun. Hurry up! Don't make us wait.

He heaved a deep sigh as his father dropped the call. Kailangan niyang dumalo doon. Hindi niya pwedeng biguin ang Mama at Papa niya. Pinadalhan niya nalang ng mensahe si Luna. Maiintindihan naman siguro nito iyon. Para naman sa future nilang dalawa ang gagawin niya.




"I'm sorry I'm late." Pambungad niya at agad umupo sa nakalaang upuan para sa kanya.

"It's becoming of a habit already, Mr. Corpuz. Hindi magandang ugali para sa isang CEO ng isang napakalaking kompanya." Mr. Chi, one of the board members said.

Kibit-balikat na ngumisi lang siya at hindi pinansin ang patutsada nito. Wala siyang panahon para sa mga katulad nito. Eversince he started managing the company, he's been so against him already. Kasa-kasama nito ang mga alipores nitong mga walang kwenta. He owned 35% of the shares while his father owned 25% of it. The remaining 40% are the combined shares of the other board members. Kahit anong gawin ng mga ito, hinding-hindi siya mapapatalsik ng mga ito sa kanyang pwesto.

"You can start the presentation, Mr. Consolacion." Tawag niya sa pansin ng lalaking nakatayo na sa harapan. He's one of Mr. Chi's representative.

"Good morning, ladies and gentlemen! I'm going to present about the propose ten-billion project with one of the...."

Hindi naman siya nakikinig. He's not interested anyway. At walang kwenta naman ang proyektong isinusulong ng mga ito. Busy siya sa kakatingin sa cellphone niyang kanina pa nananahimik. Nasa mahigit dalawampu na ang ipinasa niyang mensahe ngunit hanggang ngayon ay hindi parin sumasagot si bubwit. She must be really mad at him. Kanina niya pa iniisip kung anong kasalanan niya pero wala talaga. Wala siyang maalalang naging kasalanan niya.

"Are you listening, Mr. Corpuz?"

"Of course, Mr. Ruiz." Itinaas niya ang isang kamay sa ere. Pinatitigil ang pagsasalita ng lalaki sa harapan.

"You're done for today, Mr. Consolacion. Thank you! But I won't approve that proposal. It's rubbish. Make a better one and present it to me next time. Meeting adjourned."

Agad siyang tumayo at hindi pinansin ang pagrereklamo ng mga ito. Sasakit lang ang ulo niya. He really hated board meetings. But what he hated the most is that bunch of idiots. Patatalsikin niya talaga ang mga ito sa kompanya niya. They're useless. Dada lang ng dada wala namang ginagawa.

One Last Shot (Billionaire Bachelor Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon