Chapter 1

104K 1.6K 31
                                    

"Luna! Luna!"

Dagling nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang malakas na pagtawag ng nanay niya. Dali-daling tumakbo siya papasok ng kanilang bahay. Nadatnan niya itong umuusok ang ilong habang nakapameywang at halatang hinihintay siya.

"A-ano po iyon, inay?" hinihingal na saad niya. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil sa sobrang lakas ng pagtibok niyon.

Sumingasing ito na parang leon na ikinaatras niya. Nakakatakot talagang magalit ang inay niya. Bungangera pa.

"Saan ka na naman nagpuntang bata ka ha?!"

"Hindi na po ako bata, nay," mas malakas lang sa bulong na saad niya. Ngunit sadyang malakas ang pandinig nito at narinig ang isinagot niya.

"Anong sabi mo?! Ginagalit mo ba ako, Luna? Diyos ko! Aatakehin ako sayong bata ka."

"Hindi po," mas maamo pa sa pusa na sagot niya. Napangiwi siya nang kurutin siya nito sa pwetan.

"Nay! Bakit niyo ginawa yun?"

"Bakit? Saan mo gustong kurutin kita? Sa singit?" Mahaderang napasapo pa ito sa noo habang nagsimula ng magmisa sa harapan niya. Pati kautangan nito naidetalye narin nga nito sa kanya. Napahikab siya nang mamataan ang nakababata niyang kapatid na halatang kagigising lang. Nakangiting kinawayan niya ito bago pasimpleng umalis sa harapan ng ina niya.

"Wala kang pasok, bunso?" aniya sa nakababata niyang kapatid na lalaki. Nasa huling taon na ito sa high school kaya doble-kayod na naman siya para sa pagpapaaral niya dito sa kolehiyo.

"Wala po, ate. Nag-aaway na naman kayo ni nanay?" kunot na kunot ang noong saad nito.

Natatawang tinampal niya ang pisngi nito. Napakagwapo talaga ng kapatid niya. Napakatangkad pa.

"Ay hindi, Linus! Si nanay lang ang umaaway sa akin."

Kibit-balikat na umupo ito sa hapag at nagsandok ng kanin at ulam.

"Kaya ka nananatiling bansot, sinungaling ka kasi, ate."

Awang ang labi at nanlalaki ang matang piningot niya ang tenga nito.

"A-aray, ate! Ano ba?"

"Anong sabi mo? Bansot ako? Bawiin mo yun, Linus!"

"Bakit ko babawiin? Totoo naman ah! Mas matangkad pa nga si Ate Lala sayo noh!"

"Ah, ganun? Hindi mo babawiin? Eh di wala kang allowance sa akin."

Napangiwi ito nang bitiwan niya ang tenga nito. Namumula na iyon sa pagkakapingot niya.

"Eto naman. Ikaw naman ang pinakamaganda ate kahit bansot ka."

Tinaasan niya ito ng kilay at tinalikuran.

Neknek mo! Hindi mo ako mauuto.

Nilagpasan niya lang ang kanyang inang binubungaan din ang pobreng tatay niya. Useless naman dahil hindi ito nakakaintindi ng Tagalog. Porendyer kasi ang tatay niya. Diyan nga siya nagmana ng hitsura. Maputla ang mukha. Napagkakamalan nga siyang white lady minsan kapag naglalakad siyang mag-isa sa kadiliman ng gabi.






























"O Luna! Anong atin?" agad na salubong ni Pepitong negro nang makarating siya sa palengke.

Inirapan niya ito ng bonggang-bongga.

"Walang atin noh!" aniya sabay hagalpakan ng mga tindera at tinderong nakarinig sa sinabi niya. Sanay na naman ang mga itong makarinig ng bangayan nilang dalawa ni Pepito. Ito kasing si Pepito ay masugid niyang manliligaw. Masugid talaga. Ilang taon na kaya itong nagpapahayag ng pagsinta sa kanya. Tss. Malas lang nito dahil hinding-hindi niya ito magugustuhan. Kung anong sobrang puti niya ay siyang sobrang itim din nito. Kung siya white lady, ito naman kapre. Bakit? May narinig ba kayong nagkatuluyan ang white lady at kapre? Siyempre wala. Napakaimposible. Magpapakamatay nalang siya kung ito ang ipapakasal sa kanya. Never in her wildest dreams na makikita niya ang sariling maging kahalikan niya ito. Mahirap nga siya pero may taste naman siya noh!

"Asus! Crush mo lang ako eh!" tawang-tawa na saad nito.

"Ang tanong, ka crush-crush ka ba?" ismid niya pabalik dito sabay ayos ng paninda niyang mga gulay.

"Sagutin mo na kasi,Luna! Halatang patay na patay sayo si Pepito oh!" Natatawang kantiyaw ng isang tindero ng prutas na nakapwesto hindi kalayuan sa kanya.

"Hayaan niyo siyang mamatay," nakasimangot na sagot naman niya. Ang aga-aga nabubwisit na siya. Gosh!
Madadagdagan na naman ang wrinkles niya. Napaghahalataan na tuloy na tumatanda na siya. Ni hindi pa nga siya nagkakaboyfriend. Gusto na rin niyang makatikim ng luto ng Diyos noh!

"Ang ganda mo naman, miss!" anang isang boses na pumukaw sa pag-iisip niya.

"Ha? Salamat," aniya sa lalaking mamimili. Nginitian niya ito para dagdagan nito ang binili nito. Siyempre, diska-diskarte lang yan noh!

"Pwede bang -"

"Hoy! May boyfriend na yan! Huwag mo yang kausapin!" anang Pepito sa malakas na boses. Tinitigan niya ito ng masakit at pinandilatan ng kanyang mga mata ngunit hindi ata siya nito nagets dahil lumapit pa talaga ito sa pwesto niya.

"Shoo! Chupi! Ang pangit mo naman!"

Halos hindi siya makapaniwala sa binitiwan nitong mga salita. Seryoso? Nilait pa talaga nito ang lalaki? Hindi ata nito alam na mas kalait-lait ang hitsura nito.

"Boyfriend mo?" Napapakamot sa ulong tanong ng lalaki.

"Of course not!" nakasigaw na sagot niya. Napapangiwing napatitig naman siya kay Pepito na nagpapacute pa talaga sa harapan niya. Nakakawalang-gana tuloy ang magtinda. Sinutsutan niya ang kasama niyang binatilyo sa pwesto. Agad naman siya nitong nilapitan.

"Bakit Ate Luna?"

"Ikaw muna ang magbantay, Kiko. May pupuntahan lang ako."

"Okay po, ate."

Inismiran niya si Pepito at tinalikuran. Uuwi nalang siya kaysa mahighblood pa siya ng ganito kaaga. Hindi niya pinansin ang malakas na pagtawag nito sa pangalan niya. Nahihiyang napatakip nalang siya sa mukha at dali-daling nilisan ang palengke.


















"Ang aga mo ata, ate? Naubos na ba ang paninda mo?" salubong sa kanya ni Lala. Si Lala ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo sa kursong BS Accountancy. Magaling ito sa numero. Aminado naman siyang mas matalino ito sa kanya. Siya kasi ay basic algebra lang ang alam. At least may alam diba? Ang iba nga basic math lang hindi pa alam.

"Sumakit ang mata ko," nakangusong sagot niya at dumiretso na sa loob ng bahay nila. Nagpalinga-linga pa siya. Agad siyang nakahinga ng maluwag. Mukhang wala ang nanay niya.

"Talaga? Bakit, ate? Nandoon na naman ba si Kuya Pepito?" humahagikgik na saad nito.

"Huwag mo nga siyang tawaging kuya!" singhal niya sa kapatid.

"Bakit hindi? Mas matanda naman siya sa akin. Gumagalang lang naman ako, ate. Hindi ako kagaya mo noh!"

"Naaalibadbaran ako, Lala! Gosh! Ang pangit-pangit talaga ng lalaking iyon!"

"Aysus! Grabe siya oh! Hindi ka nga rin kagandahan, Ate," natatawang saad nito na ikinainit ng ulo niya. Ayaw na ayaw niya talagang tinatawag siyang bansot at pangit. Kumukulo agad ang dugo niya.

"Hindi ako kagandahan? Talaga?" nanlilisik ang matang tanong niya. Natatawang umatras lang ito at akmang tatakbuhan siya nang mahablot niya ang mahabang buhok nito. Yan kasi ayaw pang magpagupit.

"Bitaw Ate! Isusumbong kita kay inay!"

"Subukan mo lang. Papaluin kita sa pwet."

"Oo na! Maganda kana!" sigaw nito kaya agad niyang binitawan ang buhok nitong hila-hila niya. A satisfied grin crossed her face. That's more like it. Kaya mahal na mahal niya ang mga kapatid niya. Hindi pumapalag.



















~~

This is Corpuz's story! I hope you'll like it! 😊

One Last Shot (Billionaire Bachelor Series 5)Where stories live. Discover now