Chapter 36

59.7K 1.3K 32
                                    

Kinawayan niya ang paparating na si Antonia. Nakasimangot ito habang palinga-linga na parang may hinahanap.

"I miss you,baks!" Salubong niya at niyakap ito ng mahigpit. "Saan kaba nanggaling, Antonia? Ang tagal mong nawala."

"Nagbakasyon."

"Nagbakasyon? Bakit hindi mo ako isinama?" Nakangusong saad niya. Noon kasi ay palagi siya nitong inaaya kapag nagbabakasyon ito. Siguro nagtitipid ito kaya hindi siya inaya. Magastos kasi siya. Takot siguro itong mamulubi ng dahil sa kanya.

"Gusto mong matigok ako ng maaga?" Sarkastikong saad nito. "Diyos ko, Luna! Alam mo bang tinutukan ako ng baril nung jowa mo? Siyempre, sa sobrang takot ko nagpakalayo-layo ako sayo."

Nanlalaki ang matang napailing siya at hindi makapaniwala sa sinabi nito. Ginawa iyon ni Kapre? Seryoso?

"Tinutukan ka niya ng baril? Ba-bakit?"

"Galit sa akin yun eh! Sana sinabi mo kasing bakla ako! Hay naku!"

Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na humilig siya sa balikat nito ngunit agad din itong tumayo at tarantang nagtago sa likod niya. As if naman maitatago niya ito. Sa pandak niyang ito? Patawa talaga tong si Antonia!

Hinayon ng tingin niya ang paparating na si Kapre. Napangiti siya. Ang gwapo-gwapo nito! Hindi niya pinansin ang pagdilim ng mukha nito. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap at mariin na halik. Halatang nabigla ito sa ginawa niya ngunit agad din itong tumugon sa halik niya. Napahigpit ang kapit niya sa damit nito nang lumalim ang paghahalikan nilang dalawa. Kung hindi pa dahil sa sunod-sunod na pagtikhim ay hindi pa sila kakalas mula sa isa't isa.

"Pasensya na sa istorbo pero kasi nakaharang kayo sa daan,Ate Luna."

Halos mapapikit siya sa hiya nang makita ang kanyang inay,papa,at dalawang nakababatang kapatid na nakatitig sa kanilang dalawa.

"Huwag niyong gawing motel ang daan, Luna. Pumasok kayo sa loob." Anang inay niya at dinaanan na sila.

"Masarap, ate?" Nakakaloko ang ngisi ni Lala sa kanya.

Kinaltukan niya ito at pinandilatan ng mga mata.

"Pasok na!" Nakasinghal na saad niya dito.

"Asus! Uulit pa yan. Hoy, Kuya Drake!" Anito at binalingan ng tingin ang kanyang nobyo na mahigpit ang pagkakahapit sa beywang niya.

"What is it, Lala?"

"Huwag mong patulan ang panlalandi ni ate. Mamaya baka mapikot ka na niya." Natatawang saad nito at binelatan pa talaga siya bago ito nagtatakbo papasok ng bahay nila.

"Lala!" Abot hanggang Amerika na sigaw niya. Lagi nalang tumataas ang dugo niya dahil sa kapatid niya.

"Ang laki ng bunganga mo, ate. Kung ako ang boyfriend mo,kanina pa kita nilayasan." Dagdag na saad ng kapatid niyang si Linus at sumunod sa pagpasok sa bahay nila.

Naiwan siyang nakanganga. Ang hagikgik ni Antonia at ang pinipigil na tawa ni Drake ang tanging naririnig niya. Feeling niya nangangapal na ang mukha niya dahil sa hiya. Asan ang hustisya? Bakit palagi nalang siyang pinapahiya ng mga kapatid niya? Mga pisti! Wala man lang ang mga itong karespe-respeto sa kanya.

"Paano, bes? Mauuna narin akong umuwi." Anang Antonia.

"Dapat lang. Bilis! Umuwi kana!"

Tinampal niya ang bunganga ni kapre. Bastos eh! Palagi nalang nitong inaaway ang bestfriend niya.

"Why did you do that, Luna?" Magkasalubong ang kilay na saad nito. "I just want him gone. I hate his face!" He hissed.

"Bestfriend ko siya! Huwag mo nga siyang inaaway! At saka, bakla yan noh! Hindi kami talo!"

One Last Shot (Billionaire Bachelor Series 5)Where stories live. Discover now