Chapter 37

62.1K 1.5K 103
                                    

R18/SPG

"What the f*ck are you wearing?!"

Umalingawngaw ang sigaw nito sa dalampasigan. Napatingin tuloy sa kanila ang ibang tao na kasalukuyang naglulunoy sa tubig.

"Uhm.. Bikining pula?" Nakangiwing sagot niya.

Galit na nagmartsa ito palapit sa kanya. Dagling hinubad nito ang suot na puting t-shirt at isinuot sa kanya. Tumambad tuloy sa mukha niya ang malapad nitong dibdib at ang walo nitong pandesal sa tiyan. Napalunok siya. Hindi pa siya naliligo pero feeling niya basa na siya. Nakakawet ang katawan nito. Yummy. Delicious. Ang sarap papakin kahit walang sauce.

"Damn it! I should have brought you to a private beach resort, bubwit."

"Bakit? May pera ka ba para sa isang private beach resort?" Nakataas ang kilay na saad niya.

"F*ck! Are you insulting me, Luna? I'm a fucking billionaire! Kayang-kaya nga kitang bilhan ng isang isla!" Galit na singhal nito sa kanya. Pulang-pula ang buong mukha nito. Ewan niya lang kung dahil sa init na dala ni Haring araw o dahil sa galit ito sa kanya.

"Edi bilhan mo ako!" Inirapan niya ito at iniwan sa kinatatayuan nito. Ang hambog lang ni kapre. Kailangan ba talaga nitong ipagsigawan na mayaman ito? Mamaya makidnap pa silang dalawa dahil sa kahambugan nito. Mabuti ito at may pang ransom sa sarili nito. Eh siya? Walang-wala.

"Luna! Damn it! Where are you going?!"

Naririnig niya ang sigaw nito ngunit nagbibingi-bingihan lang na dumiretso siya sa paglalakad. Kinawayan niya pabalik ang mga porendyer na kumakaway sa kanya.

"Aren't you going to stop walking?!"

"Luna! F*ck!"

Napafacepalm nalang siya. Diyos ko! Nakakahiyang kasama si kapre. Ang babastos ng lumalabas sa bunganga nito. Pumihit siya at naglakad pabalik dito.

"Shit! What the fuck is your problem, Luna?"

"Isang fuck pa iiwan na talaga kita dito, kapre." Aniya sa seryosong boses. Kanina pa sila pinagpipiyestahan ng mga tao dahil sa pagmumura nito. Nakakahiya!

He heaved a deep sigh as he inched closer towards her. Niyakap siya nito ng pagkahigpit-higpit.

"I'm so sorry, bubwit. I just lost my temper after seeing you wearing almost nothing."

"Anong almost nothing? Two-piece naman ito, kapre."

"It's too revealing, bubwit. You're attracting too much attention." Igting ang panga na saad nito.

Napasinghap tuloy ito nang bigla niyang hinubad ang t-shirt na ipinasuot nito sa kanya. Napatitig siya sa kanyang sarili. Ang ganda at sexy kaya niya sa pulang bikini.

"Gusto ko nga yun, kapre. Feeling ko ang ganda-ganda ko ngayon." Ngiting-ngiti na nagpose pa siya sabay kindat dito. Napahagikgik siya nang mapansin ang paglunok nito. Pasimpleng idinikit niya ang katawan dito. Napangisi siya nang maramdamang buhay na buhay na ang pagkalalaki nito.

"Damn, bubwit! You're making me horny." He hissed near the base of her ear. Humigpit ang pagkakahapit nito sa kanyang beywang. Napatili siya nang bigla siya nitong binuhat at dinala sa dagat.

"No! Kapre! No! Ibaba mo ako!"

"You're such a pain in the ass, Luna. Pasalamat ka at mahal na mahal kita." Ibinaba siya nito sa tubig. Nahihintakutang napakapit siya ng mahigpit sa leeg nito.

"I hate you! I hate you!" Mangiyak-ngiyak na pinagsasampal niya ito sa pisngi. Naiinis siya dito. Tinakot siya nito.

"I'm sorry, okay? Calm down,bubwit." Mahinahon ang boses na saad nito habang sinasalag ng isang kamay nito ang pananampal niya. "Just hold me tight, bubwit. I won't let you go."

One Last Shot (Billionaire Bachelor Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon