Chapter 25

58.1K 1.3K 56
                                    

Hindi siya mapakali habang naghihintay sa paglabas nito sa banyo. Kanina pa nga siya pabalik-balik sa paglalakad.

"Are you excited, hijo?" Pukaw ng kanyang tiyo sa kanya.

"More like scared, uncle. I don't know if I'm gonna be a good father."

Tinapik nito ang balikat niya. He gave him a small smile.

"You will be. I know you will be."

Isang maliit na ngiti ang iginawad niya dito. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Daig pa niya ang nakipagkarera sa sobrang bilis niyon. Sampung minuto. Sampung minuto na ang lumilipas ngunit hindi parin ito lumalabas ng banyo.

What's taking her so long?

Palms sweaty, he took a stride towards the bathroom when it opened. Luna emerged from it with a knotted browse.
He inched closer. His heartbeat almost stopped when she handed the small white stick to him.






Ilang beses na nagpakawala siya ng hininga habang mahigpit na hawak ang tester. Napahawak siya sa doorknob at dahan-dahan iyong pinihit pabukas. One, two, three steps. Tatlong hakbang at nasa labas na siya ng banyo. Agad na nagtama ang mata nilang dalawa ni kapre. Kumunot ang kanyang noo nang mapansin ang pawisan at namumutla nitong mukha. Inilang hakbang nito ang distansya nilang dalawa. Inabot niya ang stick dito.

"Ikaw kasi eh! Sinabi na ngang hindi ako buntis." Aniya habang nakanguso sa harapan nito.

Bumaba ang tingin nito sa hawak nitong bagay. Lumamlam ang mga mata nito at sumilay sa labi nito ang isang malungkot na ngiti.

"Is-is this accurate? Baka naman -

"Hindi nga kasi ako buntis! Pagod lang talaga ako, kapre. PAGOD!"

"I just wanna make sure, Luna. I've read somewhere that this thing is not really accurate."

"Gosh! Mas may alam kapa eh katawan ko to? Wala akong maramdaman na kakaiba. Hindi ako buntis!"

"But -

"Drake, hijo." Sansala ng doktor dito. "It's okay. You can always try if you really want to have a child with her. She seemed young. You can have as many kids as you want."

Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa narinig na sinabi ng doktor. Have as many kids as he wants? Ay grabe! Siya ba hindi nito tatanungin?

"Aalis na ako. Mag-usap kayong dalawa." Anang doktor at iniwan na silang dalawa.

Nakahalukipkip na tinaasan niya ito ng kilay. Kunot na kunot ang noo nito.

"How come you're not pregnant?"

"Excuse me?"

"Nevermind." Umupo ito sa sofa at tinapik ang bakanteng pwesto sa tabi nito. "Sit here, bubwit."

"Ayoko."

Tumigas ang ekspresyon ng mukha nito.

"Just do what I say, Luna. You're still sick, aren't you?"

Padabog na naupo siya ngunit sinigurado niyang may space sa pagitan nila. It's better safe than sorry. Mahina pa naman siya sa tukso. Baka this time mabuntis na talaga siya.

"Natauhan kana ba?"

"What?"

"Wala!" Ang bingi. Ang lapit-lapit lang nilang dalawa sa isa't isa eh.

"Are you mad at me?" Hinarap siya nito kaya napaayos siya sa kanyang pagkakaupo. Napalunok siya sa sobrang lapit ng mukha nilang dalawa. Umiinit ang pisngi niya. Mukhang lumala ang trangkaso niya.

One Last Shot (Billionaire Bachelor Series 5)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant