Chapter 5

6K 134 4
                                    

Kim's POV

For one second ay natigilan kami lahat. Armie's standing with her luggage, and she's looking at us so innocently. I felt something inside but I ignored it, I know it's not right to make her feel not welcome.

Ang alam ko, tinawagan siya ni mommy. Pero ang sabi daw niya ay baka may gagawin siya. Nag-assume kaming hindi siya makakarating, but she's here.

Huminga ako ng malalim para mapigilan ang pagkasira ng mood ko. Oo, aaminin kong ayaw kong nandito siya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Dahil ba nag-sacrifice ako para sa kaniya o dahil naiinggit ako sa kaniya.

Hindi ako galit. Bakit ako magagalit kung in the first place ay ako naman ang nakasira ng relationship nila. Ang sakin lang, yung awkwardness baka hindi ko kayanin. Almost one week palang ang lumipas, imposibleng nakalimutan na nila lahat ang nangyari. Tapos ngayon heto kami at nagsasaya na parang wala lang?

Si mommy na ang sumira sa tensyong namumuo. Wala na kasing nakapagsalita, nakatitig lang yung iba kay Armie, sila Naomi at Cuttie naman ay sa akin nakatingin. They're throwing me concern expressions pero tinanguan ko nalang sila. Ayokong masira ang araw na ito, this is for us.

"Hi Armie! I thought you can't come?" Nilapitan siya ni mommy.

Alanganing ngumiti si Armie at sumulyap sa amin, sa akin. "I'm sorry tita, change of plans." She smiled.

Tumango si mommy. Kinuha ni daddy ang bag na dala niya at siya na ang nagpasok nito sa loob. Pinaupo naman siya ni mommy sa bakanteng upuan sa tabi ni Dylan.

"Hindi na natin uulitin. Idadagdag ko nalang yung pangalan ni Armie dito."

Isinulat ni mommy ang pangalan ni Armie sa isang papel at isinama iyon sa palabunutan.

Kinabahan ako bigla. Hindi pa nabubunot ang pangalan ni Xian. Paano kung maging sila pang dalawa ni Arm ang magka-partner? Paano kung magkabalikan sila?

Wait, yun naman talaga ang dapat diba? Kaya nga hindi ko itinuloy yung kasal kasi gusto kong magkabalikan sila. Bakit ganito ako mag-isip ngayon? Ugh! Ano ba naman 'to, nakakapraning!

I was brought back to my feet when I heard the third pair.

"Tent #3: Armie and Dylan."

Para akong nabunutan ng tinik. Hindi si Armie at Xian ang partners.

Walang nagreact sa dalawa, tumango lang si Dylan. Kinagat ko ang labi ko nang bumunot ulit si mommy. Supposed to be, yung tatlong matitira ang magiging magkasama sa tent pero dahil nadagdagan kami ng isa, naging pairs na ulit.

Hindi pa ako nabubunot at umaasa ako, kahit ngayon lang, sana naman suwertehin ako.

"Next, tent #4: Xian and .." Napapikit ako. Sana ako..sana ako.


Pero mukhang malas yata talaga ako, "Larry."

Si Larry ang partner niya. Hindi ako.

"And for tent #5, Ken and Kim."

I sighed. Tinignan ko si Xian at nakita kong nakatingin ito sa kawalan. Iniisip niya ba si Armie? Gusto niya bang magka-partner sila ni Armie?

"Hi Kim!" Napaigtad ako nang biglang sumulpot si Ken sa harapan ko.

Tumawa ito sa reaksyon ko, "Sorry, nagulat ba kita?"

Sumimangot ako, "M-medyo.." Napangiwi ako.

"Sorry. By the way, tara na? Set up na natin yung tent."

My Runaway Bride [Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon