Chapter 4

6.8K 132 3
                                    

Kim's POV


"A-anong pag-uusapan natin?" Kinabahan ako bigla kasi napaka-seryoso nanaman niya. Sanay ako sa seryosong Xian but not this way, this is way different.

Tinignan nito ang mga nakakalat na gamit sa sahig, maging ang magulong kwarto ko. Sa akin huling naglanding ang mga mata nito.

"You are so stupid. What are you thinking? You let him stay, you talked to him and even gave him your belongings? Are you even thinking Kim?"

"H-hindi mo ba narinig yung sinabi niya? Nagawa niya 'yon kasi nasa ospital ang anak niya."

Napailing ito, "You even believed it's real? What if he just said that for you to pity him? What if it's not real?"

Nalukot ang kilay ko sa sinasabi niya. Bakit ba siya nagagalit? Anong masama sa ginawa ko?

"I'm just trying to help. Isa pa, hindi pa ba halata? He took my stuff toys to give it to his daughter. Aanhin niya yung mga yun kung nagsisinungaling siya?"

Naihilamos nito ang sariling kamay sa mukha niya, parang siyang frustrated na hindi ko maintindihan.

"Hindi niya naman ako sinaktan, wala siyang ginawang mali. Naniniwala ako sa kaniya."

"Whatever Kim, you are such a babo." Saka ito nagwalk-out.

Sumimangot nalang ako nang maiwan akong mag-isa sa kwarto ko. Bahala siya kung anong gusto niyang itawag sa akin. Basta ang mahalaga, natulungan ko iyong bata. Alam kong matutuwa din iyon sa mga stuff toys na ibinigay ko. Hayy, sana lang naitanong ko kung saang ospital ito naroroon para sana mapuntahan ko at madalhan ng prutas.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ganito bigla ang naramdaman ko nung malaman kong may leukemia ang isang inosenteng bata. Pakiramdam ko kasi hindi deserve ng isang seven years old na bata ang magkasakit ng ganun kalala at kahirap gamutin na disease.

Hayy, bahala na nga. I'll just pray for her.

*

Pareho kaming sumimangot ni Naomi sa paghalakhak ni Cuttie matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari sa kwarto ko kahapon. As usual, magkakasama nanaman kami but this time ay dito naman kami sa bahay.

"Ano bang nakakatawa? Hindi ka ba naaawa doon sa bata?" Nakasimangot ko pa ring tanong.

"Ofcourse naaawa! Pero hindi naman iyon ang tinatawanan ko." Humalakhak nanaman ito. Lumalabas tuloy ang pagiging lalaki niya dahil ang laki ng boses niya.

Natigil lang siya nang batuhin siya ng unan ni Naomi.

"What the fvck?" Sinamaan niya ito ng tingin.

"Pwede bang tumigil kana? You're not even funny. Bakit mo ba tinatawanan si Kim?"

Tinaasan siya nito ng kilay, hindi naman nagpahuli si Naomi at nagtaas din ng kilay. Ayan nanaman sila, magsisimula nanaman sila.

"Teka nga, wag nga kayong mag-away!" Pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"I am not laughing because of the case. Ang sakin lang, napakatanga ng ginawa mo Kim."

Kumunot ang kilay ko. "Ha?"

"Tama si Xian, paano kung nagsisinungaling lang yung lalaki? Edi naloko ka niya? Ang problema sayo mabilis kang nagtitiwala eh."

"Pero kasi.."

"Hindi niya naman kasalanan maging tanga Cuttie, atleast may sense naman. Unlike you, nagiging tanga ka rin naman minsan ah? Sinusumbatan ka ba namin kapag nagpapakatanga ka sa mga lalaking inuuto ka lang para sa pera mo?"


"Hey hey hey. So ano nanamang pinaghuhugutan mo De Vera?"

My Runaway Bride [Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon