Chapter 3

8.3K 154 5
                                    

Kim's POV


"Oh my gosh! Oh my gulay! Oh my God! Oh my ..teka ano pa bang OMG?" Saka siya tumingin kay Cuttie at biglang ngumiti.

"Oh my gay!" Sigaw niya, nakahawak pa ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi.

Sinamaan siya ng tingin ni Cuttie at bigla nalang hinampas sa braso.

"Aray ha!"

"Agaw eksena ka, ano? Kulang ka sa pansin? Si Kim ang dapat nagsasalita ngayon hindi ikaw." Inirapan niya ito, ganun din ang ginawa ni Naomi.

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Medyo harsh talaga silang dalawa sa isa't-isa.

Bumaling si Cuttie sa akin at nagtaas ng kilay, "You were saying?"

Huminga ako ng malalim, "Yun nga yun, magkasama lang naman kami sa isang bahay."

Nandito kaming tatlo sa condo ni Cuttie. Tinawagan ko sila kaninang umaga kasi pakiramdam ko mababaliw ako kapag sa bahay lang ako. Sinabi ko sa kanila lahat, as in lahat.

"But wait Kimmy, diba sabi mo he's here to study kasi nga settled na lahat bago pa man yung kasal niyo?"

Tumango ako, "Iyon ang sabi nila mom at dad." Ngumuso ako.

Tumaas ang kilay ni Naomi habang nakalagay sa baba ang kamay niya, nag-iisip ng malalim. Tinitigan namin siya ni Cuttie.

"And what are you doing?" Masungit na tanong ni Cuttie sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin sa amin, "Bakasyon palang kasi. Kung plano niyang mag-aral dito, dapat mga May palang siya babalik diba? April palang ngayon, alam naman niyang June ang pasukan sa Pilipinas diba? Bakit nandito na siya agad?"

Habang sinasabi niya iyon ay unti-unti ring sumisilay ang ngiti sa mga labi niya. Tinignan ko si Cuttie at nakangiti na rin ito ng makahulugan na parang naintindihan na nito ang ibig sabihin ni Naomi.

"Akalain mong may utak ka din pala Naomi, akala ko isinama na rin nung ex mo eh."

Nanliit ang mga mata ni Naomi sa kaniya, "Are we talking about Dylan again?"

"What? I'm just saying the truth. Nung nakipagbreak si Dylan sayo, kulang nalang ibigay mo pati pagkatao mo wag ka lang niyang iwan. Napakatanga mo kasi."


Nagsamaan silang dalawa ng tingin. Itong dalawang 'to wala ng ginawa kundi pagtalunan ang katangahan ni Naomi sa lalaki. Lalo na ang issue nila ni Dylan.

Dylan's also part of our circle, pinsan siya ni Sam, and he's an ultimate casanova. Although pinagbawalan namin siyang ligawan si Naomi noon, wala pa rin kaming nagawa nung naging sila. At ngayon, break na sila, halos kaka-break lang and it's because it's a natural thing for Dylan. Natural na sa kaniyang makipagbreak ng walang dahilan sa mga babae, normal na yun at masasabi kong wala na talaga siyang pag-asang magbago.

"Ano ba naman kayong dalawa." Napakamot nalang ako sa ulo nang mag-irapan silang dalawa. Palagi akong naiipit sa mga ginagawa nilang ganiyan. Hindi ko naman kasi ugaling makipag-away.

"Basta Kimmy, I'm sure may reason yang pagdating ni Xian ng maaga. Anong malay natin kung hindi na pala sila nagkabalikan ni Armie?" Pumalakpak ito na parang naeexcite. "Gosh! Itutuloy natin ang kasal kapag ganun!"

Napasimangot ako sa sinabi nito, "Paanong hindi sila magkakabalikan ni Armie? Ako lang naman ang naging problema nila."

Nung tinawagan ko si Armie, nasasaktan siya, kung nasasaktan siya, ibig sabihin mahal niya. Ganun din naman si Xian diba? Mahal niya si Armie. Sigurado ako doon kasi ako mismo ang nakarinig.

My Runaway Bride [Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon