XIX: Last Digit

20 3 0
                                    

Nakatitig ako sa kanya habang
pinag-mamasdan ko ang papalapit nyang pigura.

Unti-unti ko naman naramdaman ang mainit niyang hininga.

Then he extend his right arm next to my ear then itinukod nito sa pader ng elevator ang kanyang palad.Dahilan upang mapasandal ako sa malamig na steel wall.

And he suddenly wispher.
" Kunin ko number mo."

Gulat naman akong napalingon
sa gawi niya. Sinamahan ko iyon ng pagtataka at pag-kunot ng noo.

He grinned. That annoying grinned made me realised how his teeth really looks beautiful and how his lips looks tempting. Nakakainis pero nakaka-wili itong tignan.

"Okay ka lang?"Takang tanong nito na naka-ngiti at naka-tutok ang paningin sa akin. Tapos yung tingin pa nito ay tagos hangang pader na kinasasandalan ko.

Malamlim...

Makahulugan....

Napapitlag ako.
Naramdaman ko ang saglit na pag-init ng aking mukha.

"Lumayo ka nga!" Nasabi ko nalang.
Kasabay nito ang pag tabig sa kanya palayo.

"Kukunin mo lang number ko kailangan mo pang lumapit ..."

"At yung sobrang lapit pa ha."
dugtong ko tapos irap.

Napakamot ito ng ulo.
Umalis ito sa harap ko at sumandal malapit sa akin.

" Bakit nai-ilang ka ba sa presence ko?"

Ngiti parin nyang sabi na nag-cross arm. Habit na nya ata'ng gawin iyun.

"Huh!!?" Pang-iinsulto kong tanong.

"Ako mai-ilang!!?
Sabi ko ng may pag-ismid.

"Why should I!!?"Pagsisinungaling ko pa habang hinigpitan ko ang hawak sa bag na dala-dala ko dahil baka ma-ipalo ko lang sa kanya sa sobrang irita.

Wala itong tugon. He just continue grinning while standing beside me.

Isang-daang beses ko na ata ginawa ang pag-irap sa kanya dahil sa totoo lang di ko mabasa yung gusto nyang mangyari which is lalong nagpa-irita sa akin.

At sa totoo lang ilang na ilang ako sa mga pinag-gagawa nya. Di ko need iyun ipahalata lalo na sa sitwasyun namin ngayon.

Yung kami lamang dalawa sa elevator.

Yung may "awkward momen" na presensya.

Yung kasama mo pa ang taong kiniìnisan mo..

Di ba nakaka-irita?

Ano ba'ng merun sa lalaking ito?
Ibang-iba kasi ito kapag ako ang kaharap, lalong-lalo na kapag kaming dalawa lang.

"So your number?"
Putol nya ulit sa katahimikan na pumagitan sa amin. Kasabay nun ang paglahad nya ng cellphone na kinuha sa kanyang bulsa.

"Bakit ba gusto mo makuha number ko?"

"Ayaw kitang ka-text or ka-call, DI TAYO CLOSE"! pagdi-diin ko sa salitang "di tayo close."

"Okay! I'll just tell mam Nancy na incase may need ako ipagawa sa assistant ko pero wala sya at di ko ma-contact dahil ayaw ibigay yung number, kasi ayaw ako ka-text or ka-call and....."

"Okay! Okay!" Putol ko sa sabihin nya matapos ma-gets yung ibigsabihin ng mga sinasabi nito. Sabay hablot naman sa cellphone na ina-abot sa akin.

Matapos kong i-type yung number ko padabog ko namang ibinalik yung cellphon sa kanya.Nakangiti naman sya nang makuha ito.

Napa-taas ang aking kilay nang mapansin ko ang matagal na pagtitig nya sa numero na inilagay ko.

"Don't worry, I won't bother you." Walang ano-anoý sabi niya sabay pasuk ng cellphone sa bulsa nito.

"Ting, Ground Floor".

Sabi ng digital operator ng elevator.

Sa wakas at nasa ground floor na kami. Dali- dali naman akong lumabas pero nakaka-dalawang hakbang palang ako ay may pumigil na sa braso ko.

"Wait."Ani niya.

"Ano na naman?!" Baling ko naman sa kanya. Mabilis ko namang tinang-gal sa pagkakahawak nya yung braso ko. Para kasi akong naku-kuryente sa tuwing naglalapat yung balat naming dalawa.

"Diba sabi ko sabay tayo?"

"May sinabi ka ba?" Tanung ko na may panunuya.

Imbes na sagutin na nya ako ay hinawakan  nya ulit yung braso ko. Para bang matagal na kaming magkakaibigan at close na close sa isa't isa.

"Ano ba?!"Pigil ko ulit. Mukha kaming nag-aaway na magkasintahan sa posisyon na yun.

"Bilisan mo andyan na yung Bus na sasakyan natin oh!"

Bigla naman akong napa-madali sa pag takbo nang makita ko yung bus na huminto sa Bus Stop.

Gayun din ang ginawa ng asungot.
Sa pagkakataong iyun, halos puno na yung laman ng bus. Kaya laking ngiti ko at magka hiwalay kami ng mauupuan nitong asungot na kasama ko.

Nakakita ako ng bakanteng upuan sa bandang unahan kaya umupo agad ako dito.

Napailing nalang si Kean dahil sa pag-irap ko sa kanya. Tuloy-tuloy nalang ito sa pag punta dun sa likuran ng bus. At di ko na pinasin.

"Haha! Nauna ako sayo.. Bahala ka mangawit forever sa kakatayo."

Pangungutya ng isip ko. Habang inaayus ko sa kumportableng posisyun ang katawan ko sa upuan ng bus na iyun.

Maya- Maya'y malayo layo na ang narating ng bus na sinasakyan namin.

Dumadami na rin ang sakay, at halos nakatayo na ang iba. Ang iba naman ay kulang nalang magpalitan ang mukha sa sobrang sikip.

Pinupuno kasi ng conduktor ang bus. May qouta kasi silang tinatawag. Pag di nila na achieve yun eh luging-lugi ang kita nila sa isang araw. Which is nakaka-irita dahil super overload na ang bus.. bukod sa delikado pa ay mabaho na ang loob.
Sari-sari kasi ang mga taong sumasakay makauwi lang ng bahay.

Paidlip na ako nang makarinig ako ng
ringtone na nagmumula sa cellphone ko.

"May tumatawag"
Sambit ko nang madungaw ko ang cellphone. Pero napa-kunot ako ng noo matapos malaman na yung number ay hindi nakarehistro.

"Sino naman kaya ito?" Tanong ko.

577 ang last 3 digits na number nito at di ko talaga maalala kung kanino itong numero na ito.

"Tot" Pindot ko sa answer button.

"He-Hello?"
"Sino po ito?" Tanong ko sa kabilang linya.

" Hi! Kumusta ka dyan? Okay ka lang ba dyan?"

"Kilala ko ang boses na yun."

Napabuntong hininga ako nang malaman ko na si Kean pala ang tumawag.

" Anong kailangan mo?"
Sarkastikong sambit ko.

"Well, Obviously,
I'm just checking you out, if you're okay..."

"I'm okay, I'm pertfectly okay until you called, kala ko ba hindi mo ako guguluhin, so ano to?

"Alright!
"Alright!"
"I just want to let you know that this is my number.."

"Fine, Ngayon alam ko na, okay bye!"

"Tot"
Pagpatay ko sa phone call button ng phone ko.

"Ang kulit talaga nang taong iyun."

Iritang sabi ko pa. Matapos nun ay nagsimula na akomg umidlip kahit napakaingay ng paligid.

"Need ko mag beauty rest kahit 1 hour."

Oo sa haba ba naman ng byahe at sabayan mo pa ng traffic, isang oras talaga ang nakalaan para sa pag tulog ko na yun habang umaandar ang bus na sinasakyan ko.

Twenty Fifth and ForeverWhere stories live. Discover now