IX. Objection

192 7 1
                                    


"Okay ka lang?" Bungad ni Girl sa harapan ko.

Nagitla naman ako dahil sa ginawa nya.

"Huh?!" Sabi ko pa na napa-kurap ng two times.

"Mauubus mo na yang ballpen! Bitawan mo nga yan!" Sabay hila nito sa ballpen na kagat-kagat ko.

"At matutunaw na rin yang tinititigan mo oh!" Sabay nguso nya kay Kean na busy pa rin sa ginagawa nya.

Napa kunot ako nang noo. Kanina pa nga pala ako nakatitig sa kanya. Di ko napapansin. Eh kasi naman kanina ko pa sya binubug-bug at pinapatay sa utak ko. Kung ano-ano na rin yung mga nai-imagine kong klase ng pag ma-massacre sa kanya habang matalim yung mga tingin ko sa gawi nya.

"May gusto ka sa kanya noh?" Bulong pa ni Girl habang nakangiti at tumingin pa ito kay Kean.

"H-Huh?!Ano?!"Sagot ko naman. Medyo di ko naintindihan yung sinabi nya.

"Hay! Naku ewan ko sayo!" Palo nya sa ulo ko sabay alis.

"Aray ko naman!" Biglang sabi ko matapos nya akong hampasin sa ulo. Nasundan ko nalang sya ng tingin. Kumikendeng-kending pa yung lakad nya. At nag si sway-sway naman yung isang braso nito habang yung isa naman ay hawak hawak yung folder.
Di nya ako pinansin sa reklamo ko.

"Hi kean!" Rinig ko pang bati nya sa lalaking nilapitan.

Napabalik naman ako sa ginagawa ko habang napapailing. Sinamahan ko na ng pag-ismid.

"Cute sya noh?" Biglang bulong naman ni Elaine.Nagulat ako.

"Huh!?? Sino?! Tanong ko naman. Habang napatingin sa kanya tapos binalik ko ulit yung tingin sa ginagawa ko.

"Yun..." Nguso nito sa lalaking kausap ni Girl.

"Si Kean". Dugtong pa nito.

Biglang dumaplis yung ballpen sa papel na pinagsusulatan ko. Kaya tumabingi tuloy yung sulat ko pagkasabi sa pangalan nagng tinutukoy nyang cute.

Hah? Ano raw cute?? Yung mukhang manyak na yan cute? San banda!??? Maryosep!" Sabi ng kunsensya ko.

"Okay ka lang Elaine?" Sabi ko kay Elaine habang nilalagay ko yung palad sa mukha nya na parang tinitesting ko kung nakakakita ba sya.

"Oo naman!" Sabi pa nito. Inalis nya yung kamay ko sa harap nya.

"Tsura nyan cute?!! Hahahahaha!! Tawa ko.

"Grabeh ka naman makatawa."
"Seriously Marie, I really find him attractive nga oh sa porma nya. His gorgeous kaya!" Sabi nito na napagat labi pa then she grinned.

Napaubo naman ako sa mga tinuran nya. I stare at the guy with a blank face and I shrugged my shoulder nalang.

"Nasasaniban ata itong babaeng ito."
"Pano naging attractive yan eh tsura palang mukhang addict na". Sabi pa ng isang konsensya ko, the ego one.

"Sorry ha! Di ko kasi makita yung sinasabi mong attractive or gorgeous or whatever...." Sagot ko kay Elaine. Balik na ulit ako sa pagsusulat.

"Single kaya sya?Ano sa tingin mo??
Tanong nya sa akin, nakatingin na ito sa ginagawa ko.

"Malay, wa pakels". Bulong ko. Patuloy parin ako sa pagsusulat.

"Alam mo kung single lang ako.....
ako na mismo manliligaw sa kanya." Hirit pa nya na parang kinikilig, inilagay pa yung kamay sa dibdib nito na parang hinahawakan yung kanyang puso.

Napapailing ako.

"At alam mo Marie......." Nangalumbaba ito.

"Kung single yan...BAGAY kayo!" Sabi nya na pinagdiinan yung salitang "bagay" sabay tapik nya sa akin.

Twenty Fifth and ForeverWhere stories live. Discover now