XVIII: Out of the Blue

46 4 4
                                    


Click!

"Ano yun!?"
Lingon ko sa paligid.
Bigla kasing dumilim at yung monitor ko nalang yung nakailaw sa malaking kwartong iyun.

"Sira-ulo pinatay yung ilaw may tao pa nga eh."

Pero di ko nalang pinansin yung ginawa ni mokong, nag focus nalang ako sa ginagawa ko.

Tumahimik.

Yung parang maririnig mo yung paghulog ng karayom sa sobrang katahamikan.


"Di ka pa ba? Uuwi?"


"Ay Palakang bwesit!!!"

Sigaw ko sabay tayo at sapo-sapo ang dibdib ko. Kumalabog kasi yung puso ko, para itong tambol sa pagka-gulat ko.

Nanlisik ang mata ko sa nagsalita.
At pinaghahampas ko ng papel.


"Kainis! Kainis! Kainis ka talaga!!!

"A-aray!"


"Aray!"

"Inano ba kita?" Tugon nito na isinasalag yung braso.


"Walang hiya ka! Ba't bigla-bigla kang lumilitaw sa tabi ko?!!"
Inis kong sabi.


"Di ko alam na matatakutin ka pala."


"Haha!"


Mapang-asar na tawa pa nito.
Sinamaan ko naman sya ng tingin.


"Hindi ako matatakutin!" Pagdidiin kong sabi.

"Nagulat ako!!"

"Leche ka kasi!".
"Ano ba kasi kailangan mo!!?"
Sunod sunod kong sambit.


"Tinatanong kita kung di ka pa ba uuwi?
Kasi uuwi na ako."


"Eh di umuwi ka! Bakit di ka umuwi?!"

"Kailangan ba ihatid pa kita?"

Irap kong sabi sabay balik ko sa pagkaka-upo.

Galit ako.

Galit na galit ako sa mga sandaling yun. Ayaw ko kasi yung ginugulat ako. Lalo na sa madidilim na katulad nang kinalalagyan namin ngayon.
Natrauma kasi ako sa mga horror movie na pinapanood ko noon. Pero secret lang yun.


"Sabi ko nga uuwi na ako eh!"

Kamot nito sa ulo at humakbang papalayo sa akin. Dala nito yung body bag na mukhang wala namang laman.


"Sure ka di ka pa uuwi?"

Tahimik lang ako di ko sya pinansin.


"Ikaw bahala, sabi nila may nagpaparamdam daw dito."
Pananakot pa nya.


"Awoooo!!!"



"Seriously Kean?!!!"
Saad ko habang padabog kong inilapag ang aking dalawang kamay sa lamesa.

"Hahaha!!

Bah-bye!

Tawa lang itong kumaway patalikod habang palabas ng pinto. Kita ko pa sya ng ganung ayus dahil sa liwanag ng ilaw doon sa hallway.

Hangang sa mai-sara na nito ang pinto.
Inis naman akong napatingin sa wristwatch.

"Buset na yun!"
Bulong ko pa sa sarili ko.

"Shocks! Eight Thirty na pala....."

Balik ako sa ginagawa ko at nagmamadali akong i-type lahat ng mga letra para sa sulat na kailangan sa meeting.

Twenty Fifth and ForeverWhere stories live. Discover now