I. Past and Fate

416 15 58
                                    

"Hoy!"

"Hoy panget!"

Sigaw ng batang babae.
Na maaring nasa edad anim na taon lamang.Braided ang mahaba nitong buhok na hangang balikat.

Napalingon naman yung nagiisang batang lalaki na naroroon sa gilid ng isang malinis na Ilog,  concrete ang mga gilid nito at may mga kakaunting damo  doon.

May dala dalang patpat na mahaba na ultimo niyari para maging isang pamingwit itong bata.

Halos magkasing edad lamang sila noong batang babae.
Kung titingnan mo'y mataba ito na parang si majimbo ng "Dragon Ball Z".
Kulay chocolate ngunit makinis ang balat, halatang alaga ng kanyang nanay.
Napa sulyap ito sa batang babae matapos syang tawagin nitong panget. Pero di nya ito pinansin at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Para syang namimingwit ng isda.

"Hoy sabi eh!"
"Bingi ka ba?"

"Hindi ako bingi." Walang lingon lingong bangit ng batang lalaki.

"Ano ba yang ginagawa mo?"

"Anong pakialam mo?"

"Wala kang makukuhang isda dyan.
Tanga ka ba?"

"Wala kang pakialam."

"Ah wala pala ha."

Lapit ng batang babae dun sa batang lalaki. Sabay hablot sa pamingwit na gawa nito.

"Akin na yan!!"

"Nye! Nye! Habulin mo ko matabang panget!" Sabay takbo palayo sa batang lalake nitong batang babae.

"Hindi ako panget! Mas panget ka!!
Akin na sabi yan eh!
Sino ka ba?
Bakit ka ba nangaaway? Di naman kita inaano ah!"

Hingal na sabi ng batang lalaki. Habol habol kasi nya yung batang babae at paikot ikot sila dun sa puno malapit roon.

"Aha!"
"Ikaw pala!
Kayo pala!
Kayo pala yung bagong lipat dyan sa tabi ng bahay namin! Hahaha!"

"Eh ano sayo ngayon?
Ibigay mo na yan!
Salbahe ka!
Isusumbong kita sa mama ko."

"Sumbongero!
Panget na nga sumbongero pa! Haha!
Baboy!" Pang aasar pa ng batang babae.

Napahinto sa pagtakbo yung batang lalaki na hawak hawak ang kanyang dibdib. Parang hindi ito makahinga at ultimo hinihika. Pinahid nito ang malagkit na pawis sa kanyang noo. Sabay tingin ng masama sa batang babae.

Napahinto naman ang batang babae sa ginawa nito. Iniisip kasi nitong galit na galit na ito sa ginawa nya. At di nya alam kung matutuwa sya o matatakot dito.

Lumapit ito sa kanya at nanlilisik ang mga mata. At sa sobrang bilis ng pangyayari nahablot nito yung suot suot na kwintas ng batang babae. Umiwas kasi ito palayo sa kanya sa pagaakalang sasaktan sya nito.

"Akin na yan! Hoy!"

"Hoy panget!"

"Akin na sabi yan eh!"

"Hahaha!"
"Akin na to!"

"Hindi sayo yan!"
"Oh eto na!"
Hinagis yung patpat na animo'y pamingwit.

Sayo na yang pamingwit ko. Makakagawa pa naman ako ng marami nyan. Hahaha!
Pang aasar ng batang lalaki na ngayon ay nagkapalit sila ng sitwasyun. Kung saan sya naman ngayon ang nangaasar.

Dumukot itong batang lalaki sa kanyang bulsa at may kinuhang kung ano dito. Hinagis nya ito sa kaharap nya.

"Oh ayan! Bayad ko!" Sabay takbo ng mabilis palayo sa batang babae.

Twenty Fifth and ForeverWhere stories live. Discover now