VI. Understand The Misunderstanding

177 7 5
                                    

Reports.

Deadlines.

Plan Revisions.

Estimate costs.

Site Inspections. Etc. etc. etc. Fully loaded ang buong month ko. Meeting dito at meeting doon. Pero okay lang nagi-enjoy naman kasi ako at ngayon ko lang naramdaman na gustong gusto ko yung mga ginagawa ko despite of all the stress na binibigay ng mga tambak na papers, folders, at envelope sa  table ko.

Sa buong araw ko sa opisina only Justin and Elaine lang yung lagi kong nakaka sama. Marami din naman akong ka officemate na nakakausap, kagaya ni "Girl" pero boy talaga sya inshort gay. Girl  kasi yun yung gusto nyang itawag sa kanya. Okay naman sya jolly kung minsan.
Kabonding din namin nila Elaine at Justin yun nga lang may sariling lakad at kung ano ano ang mga pinagkaka abalahan kaya bibihira lang namin sya makasama.

"Oh bakla! halfday ako ngayon ha bahala ka na sa papel ko." Sabi ni Girl na inaabot yung folder na punong puno ng mga paper works nya.

"Okay Girl, ako na bahala kay ma'am Carmela." Sabi ko naman na kumindat pa.

"Iwan na kita dito, wait mo nalang yung dalawa." Sabi nito na tinutukoy sina Justin at Elaine. Naroroon pa kasi ang mga ito sa board meeting kaya nauna na kaming lumabas ni Girl.
Lunch break kasi at nakakalokang iiwan pala ako nito para makipag date sa jowa-wa nya.

"Babush!"
"Ingat sila sayo". Beso nya sa akin saka umalis at nagpabebe wave pa.

"Okay, Ingat ka rin sa kanila!" Sabi ko naman habang naka ngiti.

Dito ako ngayon sa isang cafe.
Nasa outside part yung table na pinili ko para makita agad ako nila Justin and saka ko nalang isusugest na lumipat sa loob pagkadating nila. Malapit lang ito sa office mga ten blocks lang, at lagi kami dito dahil masarap ang food sa menu nila. Bukod sa everyday iba-iba, naging paborito ko pa yung pasta na ginagawa nila.

Almost seven minutes na akong nagaantay. Palinga linga at pinapanood yung mga taong naglalakad.
May dumating na  waiter at nag offer ng tubig. Nag pasalamat naman ako at umalis na ito.

"You must be Marie, right?". Sabi ng isang babae na lumapit sa akin.

"Y-Yes? Do I know you?"Sabi ko naman na napatingala sa kanya. Dahil bukod sa naka upo ako, eh matangkad talaga eto, mga five four ang tansya ko.Di ko naiwasang tingnan sya mula ulo hangang paa.  Balingkinitan ang katawan. Short  at curly ang hair  na hangang balikat. Naka color ash brown contact lense. At parang matatapilok ka kapag ikaw ang nagsuot ng sapatos nya,sobrang  taas kasi ng takong nang sapatos nito.
Kamukha ni Jennilyn Mercado ang facial feature nito. So it means maganda sya, pero syempre...lamang naman si Jennilyn dito noh! Dahil mas matangos pa ilong nun kesa dito na mukang 3 cm lang ata ang itinangos.

"No! You don't know me,but you...." turo nya sa akin.
"You will know me!" Sabi nya na nakataas ang kilay.

PAK!

Isang malakas na sampal ang dumampi sa kaliwang pisngi ko, kaya napapihit yung mukha ko sa kanan.
Nagulat ako syempre at napatayo habang hawak hawak yung pisngi ko na sinampal ng demonyitang babaeng to.

"What's that for!!??" Pasigaw kong sabi.

"It's for Justin, Bitch!"
"Stay away from him kung hindi, di lang yan yung matitikman mo!" Ani nito na ngumisi pa.

"Justin? You mean Justin Salvacion?" Nakakuyom na ang mga palad ko.

"Kaano ano ka ba nya?!!"
"Sino ka ba?!!"
"How dare you!!  touch my beautiful and precious face at may pa bitch bitch ka pang nalalaman!!!!! Sabi ko na ibinulong yung huling salita sa isip ko.

"Well, bitch! Isa lang naman akong special girl ni Justin! So stay away from him!" Ani nito na dinuro duro pa ako.

Sa pangalawang pagkasabi nya ng   bitch eh nagpantig na ang tenga ko. At feeling ko eh mag su-super "saiyan" (yung sa dragon ball) na ako sa sobrang galiiti ko sa kanya.

"Di ka naman kagandahan, kaya wag kang feeli---".

"PAK!".

Oo, di ko na pinatapos yung pagsasalita nya dahil sinampal ko din sya. Yung mas malakas sa ginawa nya kanina sa akin. Lapat na lapat yung palad ko sa kanya, pano kasi ay pulang pula ang pisngi nito.

"Ouch!!! Oh may God!!!!"tili nito na hawak yung pisngi nya.

"Dapat lang sayo yan!" Bulong ko.
"Ano masakit ba?" Pang-aasar ko  pa sa kanya while  crossing my arms at nakataas ang kilay.

"Hey Babe! What happened?!" Sabi naman nung lalaki na bigla bigla nalang sumulpot.

"At sino naman ito?" Napataas ang kilay ko dun sa lalaki.  "It seems random strangers are coming on my way these days." Sabi pa ng brain ko.

"T-that lady slapped me!" Sabi nung demonyita habang tinuturo ako. Paawa effect ito at parang batang nagsumbong sa lalaking lumapit.

"What? Who?" Sabi naman nung lalaki na nakakunot yung noo. Lumilipat yung tingin nito sa demonyita at sa akin.

"Hey! Miss what did you do to my girlfriend?" Lapit nito sa akin na hinawakan yung isang braso ko.

Tanga ata ito. Kakasabi lang na sinampal ko sya. Magtanong ba ulit? Paulit-ulit lang?  Bulong ko naman.

"Let me go! Ask your "BIATCH  girlfriend, para malaman mo!!!" Sabi ko sa kanya na pinagdidiinan ko yung salitang biatch para makabawi man lang ako.

Totoo naman, eh kasi may boyfriend na pala itong demonyitang ito at hinahabol parin si Justin.

Ito siguro yung tinutukoy ni Elaine na  EX ni Justin at eto naman na mukang palakang ito... yung boyfriend nitong girl na kung saan si Justin eh bitter na bitter.

"Seriously? Dito ipinagpalit si Justin?
And seriously dito sa mukang bakulaw na ito nai-insecure si Justin??" Tawa ng isipan ko sa lalaki. Hawak parin nya ng mahigpit yung braso ko at nasasaktan ako dahil super higpit yung pagkakahawak nya.

"Eh ba't ba ako napasama sa gulong to?"Tanong ko sa sarili habang palipat lipat yung mga tingin ko sa dalawa.

"Hey miss! Wag na wag mong tatawaging Biatch itong girlfriend ko kung ayaw mong baliin ko tong braso mo! Pumapatol ako sa babae baka kala mo! So watch your dirty mouth!" Mahabang sabi nito na nanlilisik yung mga mata. At dinuro duro din ako.

Yung demonyita naman nakangisi lang, yung ngiting demonyo at parang tuwang tuwa pa dahil pinagtatangol sya nitong mukang palaka at bakulaw na boyfriend.

"Let her go!" Sabi nung lalaki na pamilyar na pamilyar sa akin yung boses. Kaya napalingon ako, nagulat at sinundan ko sya ng tingin. Papalapit ito sa amin.

Slow motion yung pag pasuk nya sa eksena. Alam nyo yung dahan dahan na paglakad? Tapos hinahangin pa yung buhok. Parang mister swabe lang dun sa palabas ni Vhong Navarro? Ganun, pero ewan ganun lang siguro yung pakiramdam ko.

Maya maya'y hawak na nya yung braso nung mukang bakulaw na lalaki. 

"And who the hell are you?" Maangas na tanong ni bakulaw. Nakatingala ito dito sa lalaking biglang sulpot.  Mas matangkad ito sa kanya. Si bakulaw kasi eh mukang nasa 5'3" lang matangkad pa si demonyita.

--------------------------------------------------------

Dedicated to: Lucille V. Mercales
🌹Love: Angelmisa05

Twenty Fifth and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon