XI. Nausea

173 7 4
                                    

"Unwell by Matchbox 20" Yun yung melody na ini-request kong patugtugin nung gitarista.
Kung bakit naman iyun? Wala trip ko lang kantahin, mag pi-feeling rakista lang ako ngayon. Feeling ko din ako ang may ari ng stage, kaya naman wala akong paki-alam sa mga taong nakatingin sa akin.

🎶🎵🎸"All day staring at the ceiling...."🎵🎶
Panimulang buka ng bibig ko noong magsimula na yung tugtug.

🎶🎵Making friends with shadows on my wall...🎶🎵
Naghiyawan  yung mga tao.

"Witwiiiwwww" Sipol nung isang lalaki. Nakipag apir naman sa kanya yung mga kasama nito.

🎵🎶"All night hearing voices telling me...
That I should get some sleep
Because tomorrow might be good for something...".🎵🎶
Patuloy ko pa sa pag sambit sa lyrics nang kanta habang winawasiwas ko yung kamay ko sa ere.

🎶🎵Hold on..🎵🎶
Nag stop ako sa part na iyun at uminom sa hawak kong alak. Sigawan pa rin yung mga tao. Feeling ko nasa concert ako.

🎵🎶"Feeling like I'm headed for a breakdown
And I don't know why"🎵🎶
Pagpapatuloy ko ulit, habang feel na feel ko yung lyrics.

"Go Marie!Taray!!!!" Rinig kong sigaw ni Girl. Napatingin ako sa gawi nya at nakita kong todo palakpak ito.

Napatingin din ako sa gawi ni Mr. D, seryoso parin itong nakatitig sa akin. Di ko sya pinansin. Tumingin ako sa microphone at pagtapos kinuha ko yung bote ng beer, tinunga lahat nang laman nito at saka inilapag ko sa tabi.

🎶🎵"But I'm not crazy, I'm just a little unwell"🎶🎵

🎶🎵"I know right now you can't tell
But stay awhile and maybe then you'll see"🎶🎵

🎶🎵"A different side of me"🎵🎶

🎶🎵"I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me🎶🎵

🎵🎶"And how I used to be...me"🎵🎶
Birit ko sa chorus. Lalo naman nagsigawan yung mga tao. Mukhang gandang ganda sa boses ko.Eh kasi naman feeling ko maganda talaga yung boses ko dahil noong nasa age of fifteen  ako lagi akong nasa choir ng simbahan namin. Yung ibang kapit bahay pa nga namin, ay pinapasali pa ako ng kantahan tuwing fiesta sa lugar namin, ako lang yung umaayaw eh.Di naman kasi ganun kalakas yung loob ko dati.
Dati yun! pero ngayon... siguro lasing na ako. Haha! Kaya nagagawa ko ito. Pero nag i-enjoy naman sila kaya pinagpatuloy ko pa yung pag kanta.

May mga nagsasayawan na sa harapan ng stage, siguro  mga lasing na. Yung iba naman ay pumapalak-pak lang.Habang yung mga bossing naman ay nagi-enjoy sa mga kaguluhang nakikita. Sila Elaine, Justin at Gian, hayun todo supporta sa akin.

Nung kakantahin ko na ulit yung bahagi ng chorus biglang may umagaw nung microphone ko. Napatingin ako sa nang-agaw at nanlaki yung mga mata ko dahil napakabilis nang paglapit sa akin ni Mr. D. Oo sya nga.
Hindi ko nga sya nakitang umakyat ng stage eh. Pa-paano nya ginawa iyun? Nagteleport? Kanina lang nasa gilid sya, ngayon nasa tabi ko na? Amazing!

Dahil dun kumunot na naman yung noo ko sa kanya. Di na naghiwalay yung mga kilay ko sa tuwing nakikita ko itong kupal na ito.

"Ano na naman kaya yung gagawin nito? sa isip-isip ko.
Syempre napatigil yung tumutug-tug nang drum, bass at gitara pati narin yung mga tao. It was so sudden lang naman at nung sinimulan nyang ikumpas yung kamay nya as the sign para i-continue yung song eh naghiyawan na naman ulit yung mga tao. Mas malakas at mas maingay pa.

Twenty Fifth and ForeverWhere stories live. Discover now