VII. U.T.M. II

183 7 7
                                    

"Bakla ka ba?"
"Bading lang pumapatol sa babae pre!" Sabi ni unknown stranger na kamukha ni Jon Snow, na maka porma eh katulad ni Rico Blanco at ngayon nandito sa harapan ko at ewan ko kung ano ang ginagawa  nito dito.

"Di ka naman siguro bading!"
"Kaya bitawan mo na sya!"Dagdag pa nito.

"Wala kang paki-alam!" Sabi ni bakulaw na inilapit pa yung mukha dun kay stranger. Parang Manny Pacquiao at mayweather lang ang eksena.

Takang taka naman akong nakatingin kay stranger. And itong si demonyita sapo sapo ang bibig at gulat na gulat nung dumating tong si stranger.

"Hey!Stay out of this!"
Biglang singit ko.Napalingon yung dalawa.

"And you!!Let me go this instance!! Pagpupumiglas ko sa pagkakahawak ni bakulaw.

"Cathy!??" Napalingon kami sa tumawag pati na rin si demonyita, nanlaki pa ang mga mata nito.

"What are you doing here?!!"
And what's goin on??!! Sunod sunod na tanong ni Justin habang tumatakbo papalapit sa amin

"Somethings Fishy......." sabi naman ni Elaine na kasunod ni Justin. Napatingin ito sa akin. I only shrugged my shoulder as a respond.

"Come on babe, let's go!"
"Hayaan mo na yung babaeng yan!" Hila nung Cathy ata ang name dito sa bakulaw.

"What? Hahayaan mo lang yung nang yari?"

"I said let's go!!!" Sigaw ni Cathy kay bakulaw. Binitawan naman ako nito at humarap sa stranger.

"Di pa tayo tapos". Duro nito sa kanya, saka mabilisang umalis kasama si Cathy. Napabuntong hininga nalang si stranger na sinusundan sila ng tingin palayo.

"Cathy!" Tawag pa ni Justin. Di sya pinansin nito.

"Enough na Justin! Di mo ba nakikita kasama yung bf?!" Bulyaw naman ni Elaine dito. Napakamot naman ito ng ulo.

"Ano ba kasing nangyari?" Lingon ni Justin sa akin.

"At sino naman ito?" Turo pa nya kay stranger.

"Are you okay?!" Tanong ni stranger sa akin na di pinansin si Justin. Napataas naman ng kilay si Elaine.

"I don't need your help!" Sabi ko na tinitignan sya ng masama.

Napasipol ito at luminga linga sabay balik ng tingin sa akin.

"Ha- haaayyy, mga babae talaga!" Bumuntong hininga sya. Saka inilagay yung mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito.

"I guess....you're okay!"

"So got to go.....see ya!" Paalam nito na ipinatong yung isang kamay sa ulo ko at ginulo pa ang buhok ko na para akong bata. Di pa ito nakuntento itinulak nya ito kaya napa backwards ang ulo ko. Saka ito lumakad na parang walang nangyari.

"Aba't! Grrr!" Di ko na sya hinabol. Masyado nang maraming nangyari kaya napaisip nalang ako. ito na ba yung tinutuloy nyang pagkikita naming muli? Pero para saan? Bakit? Tanong na naman ng isipan ko.

"Marie!!"
Napapitlag ako sa nag salita. Andito na nga pala si Justin at Elaine. At ito ako natulala sa mga isipin, di ko sila namamalayan.

"Anong nangyari ba?"

"Sino ba yun?"

"Anong ginagawa ni Cathy dito?"

"Bakit hawak nung bf nun yung braso mo na parang babaliin pa mga buto mo?"

Mga salitang tanong nina Justin at Elaine.

"Kasalanan to ng ex mo eh!" Duro ko kay Justin.

"Si Cathy? Bakit ano ginawa nya?"
Kunot noong tanong nito.

"Sinampal lang naman ako ng pinakamamahal mong ex.!! Pinandilatan ko sya ng mata.

"Ano?!!!" Sabay na sabi nila Justin at Elaine.

"Bakit naman nya ginawa yun??!" Si Justin.

"Ewan ko! Sinabihan ba naman ako na lumayo sayo!"

"Akala ko ba break na kayo, bakit parang nagseselos sya??!"

"Grrrr! Pinagtataka ko lang ano ang kinalaman ko sainyong dalawa?! Magsama nga kayo!!!" Sunod sunod kong paliwanag na galit na galit.

"Ahahahahahahaha!!!!!"
"Eh loka loka pala yang ex mo eh!"
Sambit ni Elaine na makatawa eh wagas. Tiningnan sya ni Justin ng masama.

"Cathy Did that?"Justin asked again and tumango ako na niirita. Paulit Ulit kasi.

"At seriously Justin? Yung bakulaw na yun ang ipinalit sayo?? Sabagay...bagay naman sila eh..Isang bakulaw at isang demonyita! Nasira araw ko dahil sa kanila!!!! Haaay!!" Sabi ko pa.

"Pasensya ka na Marie. Napagkamalan ka pa ni Cathy..Di na mauulit!" Dispensa ni Justin habang nakatungo.

"Dapat lang!" Singit ni Elaine.

"Eh ikaw naman kasi Justin. Let go mo na yang si Cathy.. bakit mo ba kasi hinahabol habol pa yun.
Eh masama naman pala ugali nun... Look what she did to Marie.. namumula pa yung pisngi oh! Grabeh!"
"Kalimutan mo na nga sya!" Nagpapakatanga ka lang eh!"Dagdag pa nito.

"Okay!"
"Okay!"
"Fine! Kalimutan!"
Taas kamay na sabi ni Justin.

"Di ako mananalo sa inyo eh."

"Pero si Cathy, nag-siselos? " Biglang bulong ni Justin.
"So that means.... mahal pa nya ako?" Dagdag pa nito.

"Ump!!! Batok ni Elaine.

"Aray! Nakakarami ka na ah!" Hawak naman sa ulo nito.

"Pataas taas ka pa ng kamay di mo naman gagawin!"
"Anong mahal? Pinagpalit ka na nga oh!Bulag ka ba?" Ani ni Elaine na nakakunot yung noo.

"Ano kakalimutan o Hindi!!?." Sabay sabi naming dalawa ni Elaine na naka pamewang pa.

"Oo nga! Oo na!!!!" napipilitang bangit ni Justin.

"Good!" Sabay ulit kami ni Elaine.

"Subukan nya lang akong sampalin ulit..." Tumitig ako ng masama kay Justin, napa  tungo ulit ito.

" Sakit din yun ha!" Sabi ko na hinihimas ko pa yung pisngi ko.

Nasa loob na kami ng cafe noon. Matapos ang escandalo na iilan lang ang mga nakakita. Working area kasi kaya walang pakialam mga tao sa mga nangyayari sa iba.

"Sino pala yung guy kanina?" Tanong ni Elaine.

"Boyfriend mo?" Singit naman ni Justin.

Nabilaokan ako sa iniinum kong shake sa sinabi ni Justin.

"Aray!!" Sabi nito.. binatukan ko kasi sya.

"Habit nyo ba talaga yung mambatok ha?!" Sabi pa nya na hinihimas yung ulo. Tawa lang si Elaine.

"Ano bang sinasabi mo dyan?"
"Di ko nga kilala yun eh!" Irap ko sa kanya.

Nagkatinginan naman yung dalawa at tumango nalang. Di na sila nagtanong pa ulit sa akin.

"Di ko sya kilala at wala akong balak kilalanin sya...."
Sabi ko sa isip ko. Di ko maitatanging isipin na yung ginawa nya kanina ay pagtatangol lang sa akin.

"Quits na tayo." Sabi ko ulit sa sarili ko. Napatingin nalang ako sa bintana.
At hinayaan ko nalamang lumipad ang utak ko habang pinapalipas ang oras.

At yug dalawa ay hinayaan ko nalang magkwentuhan.

------------------------------------------------------

This part is dedicated to my Followers:

sherifatabares7
HanMae024
AnicaG
rosanesnytzirkmiden
balbydee
Kerrixx12
_MinnyMe
midnightmvelvet

🌹Love:Angelmisa05













Twenty Fifth and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon