Chapter 22

11.5K 165 0
                                    


AWTOMATIKONG napangiti si Jasmine nang pumasok sa pribadong opisina niya si Allen. Agad siyang tumayo at sinalubong ito. Hinayaan niya ang sarili na makulong sa mga bisig nito.

She had missed him so much. Mahigit isang linggo din silang hindi nagkita dahil may isa pang project itong inaasikaso sa Ilocos Norte kaya namalagi ito roon kasama ang ilang staff nito.

"I missed you," bulong nito habang nakayakap sa kanya.

"Me, too," sagot niya.

Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap sa isa't isa, naupo ito sa isang bakanteng silya sa harap ng mesa niya. "Kumusta ka na?" tanong nito.

"I'm okay. Heto maraming problema ngayon dito sa opisina," sagot niya.

"Is it about the missing funds?" tanong nito.

Tumango siya. "Pinaimbestigahan ni Dad si Ramoncito at ang daddy niya secretly. May hinala kasi siya na sila ang nagnanakaw sa funds ng kompanya. Nang isang beses kasing pumunta si Lea sa finance department para kausapin sana si Ramoncito, wala ito pagdating niya roon. Dahil kilala naman si Lea ng secretary ni Ramoncito, pinapasok na siya sa loob ng private office ni Ramoncito. Nakita niya mismo sa ibabaw ng table nito ang ilang papeles, naka-state doon ang personal financial assets ni Ramoncito at ng daddy nito. Naghinala si Lea dahil milyon ang halaga ng perang pumapasok sa bank account nito halos linggo-linggo. Right at that very moment, agad niyang kinuha ang mga papeles at siya mismo ang nagpa-photocopy. Before Ramoncito came back to his office, naibalik na ni Lea ang mga papeles kaya walang nakaalam. Nang i-report ito ni Lea kay Dad, he immediately had Ramoncito investigated secretly. Nag-aalala kasi si Dad na baka biglang umalis ng Pilipinas ang mag-ama sakaling malaman ng mga ito na under investigation sila, if ever na totoo nga ang hinala namin," mahabang paliwanag niya.

Napaisip siya. "Really? Sinasabi ko na nga ba't maitim ang bituka ng dalawang iyon," komento nito. "Pero paano 'yon? Hindi ba si Ramoncito din ang nag-iimbestiga sa missing funds?"

Tumango siya. "Oo, hinahayaan lang ni Dad na gawin niya iyon. Baka kasi kapag ipinatigil ito at ibigay sa iba ang imbestigasyon, baka maghinala siya na may alam na kami," sagot niya.

"So, ngayon ang hinihintay na lang ay ang confirmation kung sila nga ang gumawa o hindi?" sabi niya.

"You should be careful, Jasmine. Siguro naman, alam mo na kung anong klaseng tao si Ramoncito. Tingnan mo na lang 'yong ginawa niya sa akin, hindi malayong saktan ka rin niya," nag-aalalang bilin nito.

Hinaplos niya ang isang pisngi nito. "You don't have to worry. I'll be fine. And I'm sure hindi mo naman hahayaan na may mangyari sa akin, you will protect me, right?" sabi niya.

"Of course I will," anito.

Muli niya itong niyakap para mawala ang pag-aalala nito sa kanya.

"Jasmine, I have something to tell you," bulong nito.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. "Ano 'yon?" tanong niya. Napakunot-noo siya nang mapansin niya ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Are you okay?" tanong niya rito.

"You need to listen to this. Kailangan kong sabihin ito sa 'yo. I just hope that after this, maintindihan mo ang lahat," sagot nito.

"Allen, hindi kita maintindihan," sabi niya.

Ngunit naputol ang pag-uusap nila nang biglang pumasok si Lea at tila nagmamadali. "Jasmine, I'm really sorry. But you have to see this, it's very important," natatarantang wika nito.

A Moment With You COMPLETED ( Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon