Chapter 10

13.6K 233 0
                                    


"CONGRATULATIONS," masayang bati ng mga opisyal ng kompanya nina Jasmin kay Allen.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay naguguluhan pa rin si Jasmine sa pagkatao ni Allen. Katatapos lang ng naganap na bidding sa mga architectural firm na magha-handle ng new project nila sa Cavite. Kung nagulat siya kanina sa biglang pagsulpot ni Allen sa harap niya, mas nagulat siya nang malamang isa ito sa mga magpe-present sa bidding. Halos hindi siya nakapagsalita. Hindi rin halos nag-function ang utak niya. Sa buong oras ng presentation nito, nanatili lang siyang nakatitig dito. Mas guwapo ito ngayon kompara sa unang beses silang nagkita.

Napakurap siya nang tumingin ito sa kanya. Napatuwid siya ng upo, saka ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. Tumikhim siya nang malakas para mapawi ang pagkapahiya niya. Bumilis ang pagpintig ng puso niya nang mula sa pheriperal vision niya ay nakita niyang iniwan nito ang mga kumakausap dito, pagkatapos ay naglakad palapit sa kanya. Biglang nataranta ang puso niya. Gusto niyang iwasan ito sa hindi malamang dahilan ngunit parang itinulos siya sa kinatatayuan niya.

"Miss Del Valle," sabi ni Allen nang tuluyang makalapit sa kanya.

Sa kabila ng malakas na kaba niya, nakuha pa rin niyang ngitian ito. "Oh, hi, congratulations!" bati niya rito.

"Thank you," sagot nito. "It's been a while, Jasmine. I'm so glad to see you again," dagdag nito.

Hindi agad siya nakaimik. Kung tutuusin ay simple lang ang sinabi nito ngunit iba ang dating niyon sa pandinig niya dahil tumagos iyon sa puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kabilis ang pagpintig ng puso niya. "I'm glad to see you too, Allen," sagot niya. Finally, we meet again. Hindi mo alam kung gaano ko hinintay ang sandaling ito, dugtong niya sa isip.

Ngumiti ito. "Do you have some free time?"

"H-ha?"

Sa halip na sumagot ay inilapit nito ang mukha sa kanya.

Napaatras siya. "A-ano ba'ng g-ginagawa mo?" nauutal na tanong niya.

"Okay ka lang ba?" balik-tanong nito.

"H-ha? Ah, Oo naman!" sagot niya.

"Sigurado ka?"

"Yes, why?"

Nagkibit-balikat ito, saka tumuwid ng tayo. "Wala naman. Kanina ko pa kasi napapansin na parang tulala ka at wala sa sarili," sagot nito.

"Ah, ganoon ba?" Tumawa siya para itago ang pagkapahiya. "Napansin mo rin pala? Pasensiya ka na, napuyat kasi ako kagabi," pagdadahilan niya.

"Are you sure you're okay?"

"Yes. I'm fine."

"By the way, I haven't formally introduced myself," sabi nito.

"Pero magkakilala na tayo," natatawang sagot niya.

"Ibang Allen ang nakilala mo noon," anito.

Tumango siya. "Okay," pagpayag niya.

Inayos nito ang pagkakabutones ng coat nito, saka inilahad ang kamay sa kanya. "Miss Jasmine Del Valle, I'm Allen San Diego, Vice President of Gallardo Royal Architecture Firm. I hope we get along together," pormal na pagpapakilala nito sa sarili. Nakapaskil sa mukha nito ang ngiti na umabot sa mga tainga nito.

Malugod na tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. May kakaibang init na hatid ang mga kamay nito. Nang magtama ang mga mata nila ay biglang napayapa ang kanyang puso. Ang dalawang taon na pangungulila niya rito ay agad na napawi nang mga sandaling iyon. "Hi, Allen," tanging nasabi niya. Hindi pa rin sila nagbibitiw ng kamay.

Kung puwede lang ay huwag nang matapos ang sandaling iyon. Kung sana ay kaya niyang pigilan ang pagtakbo ng oras. Naramdaman niya ang bahagyang pagpisil nito sa kamay niya.

"Would you like to have lunch with me?" titig na titig na tanong nito sa kanya.

"Sure," nakangiting sagot niya.

Nasa ganoon silang ayos nang biglang sumulpot si Ramoncito. Napalingon dito si Allen. Kitang-kita niya kung paano tumalim ang tingin ni Allen kay Ramoncito. Alam niyang malaki ang atraso ni Ramoncito kay Allen.

"Jasmine, let's go. I'm having lunch with your father and my dad. Join us," yaya sa kanya ni Ramoncito.

"Thanks. Pero napaunlakan ko na ang alok ni Mr. San Diego. Hindi magandang asal kung babawiin ko ang sinabi ko," sabi niya.

Tumingin ito kay Allen. "Ganoon ba?" usal nito. "Hey, congratulations. Kayo ang nanalo sa bidding, saka maganda ang presentation mo."

"Maraming salamat," sagot ni Allen.

"Mr. San Diego, hindi ako sigurado, but, have we met before? I mean, you look very familiar," nakakunot-noong tanong nito.

Lihim siyang natawa. Mukhang hindi kasi nito natatandaan si Allen.

Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Allen. "Really? Well, maybe we've met somewhere before," makahulugang sabi nito.

Lalong kumunot ang noo ni Ramoncito.

Bumaling sa kanya si Allen. "Let's go, Jasmine?"

Tango lang ang isinagot niya. Iyon na yata ang pinakamasayang araw sa buhay niya bukod sa araw na nakilala niya si Allen. Ang gusto sana niya ay palagi nang nasa tabi nito.

g tanong nitoLU(

A Moment With You COMPLETED ( Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon