Chapter 4

15.2K 250 1
                                    


"TANDAAN mo, Jasmine. Huwag na huwag mong tatakasan si Ramoncito. May mga pinasamang bodyguards sa inyo si Ramoncito para makasigurong hindi ka makakatakas at para sa safety n'yo na rin."

Iyon ang mahigpit na ibinilin ng daddy ni Jasmine sa kanya. Nagi-guilty siya pero kailangan niyang gawin iyon. Ayaw niya itong bigyan ng maling pag-asa. Kanina habang nasa sasakyan sila papunta sa Antipolo, pinrangka niya ito tungkol sa kasunduan ng mga magulang nila. Sinabi niyang wala siyang planong sundin ang kagustuhan ng dalawa, maging ang ituloy ang date na iyon ay ayaw niya. Inaasahan niyang pareho sila ni Ramoncito ng opinyon. Iyon lang ang paraan para hindi na niya ituloy ang planong takasan ito sa date na iyon. Pero inamin nito sa kanya na gusto siya nito. Hindi na siya nakakibo. Napabuntong-hininga na lang siya.

"Ano pala ang ginagawa natin dito sa Antipolo?" tanong niya.

"Gusto kong ipakita sa 'yo ang bagong lupain na nabili ko. Pagkatapos ng kasal natin, dito ko ipapatayo ang bahay natin," puno ng kumpiyansang sabi nito.

Napangiwi siya. Kasal natin? Hindi niya akalain na sa kabila ng nerdy look nito, malakas din pala ang bilib nito sa sarili. Parang hindi ito tinablan sa sinabi niya na hindi niya ito gusto. Isa pa, tila hindi niya ito kayang pagkatiwalaan. "Ramoncito, I thought I had made myself clear about the arrangement."

"Yes, I'm aware of your objections to it. Didn't I make myself clear as well? Sinabi ko na sa 'yo na gusto kita at handa akong pakasalan ka as soon as possible," sagot nito.

Patay tayo riyan!

Hindi na siya nakakibo. Pasimple siyang nag-palinga-linga sa paligid. Kailangan na niyang mag-isip kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon. Nasa loob sila ng isang restaurant. Ilan sa mga bodyguard nito ay nakaupo sa mesa di-kalayuan sa kanila habang ang iba ay nasa labas.

"Ahm, Ramoncito, magsi-CR lang ako, ha?" paalam niya.

"Sure," pagpayag nito.

Agad siyang tumayo at pumunta sa CR. Doon ay mabilis siyang nagbihis.

xt-autospace:nLպR8

A Moment With You COMPLETED ( Published by PHR)Where stories live. Discover now