Pagtawid

1.8K 77 3
                                    

"At maging ang asawa mong si Kyle, kaya nakikita ka na niyang muli ay dahil patay na din sya."

"Hindi! Hindi totoo yan! Ginagago niyo lang ako! Masamang biro yan! Para ano? Para mailigpit ninyo ako at nang makapagsama na si Kyle at ang kulasisi nya!"

"Naalala mo na na may ibang babae ang asawa mo. Babalik na sa alaala mo ang lahat. Mag hintay ka lang."

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

F L A S H B A C K

"Kyle! Wag mo akong iwanan! Kyle! Papaano na kami ng mga anak mo?!"

"Ayoko na! Hihiwalayan na kita! Ipapa annul ko ang kasal natin for your psychological incapacity to cope with the responsibilities of a married life. This marriage was a mistake to begin with. Hindi ka na magbabago Joy! You are a compulsive liar and a compulsive gambler! You need medical help!"

Walang tigil ang pag agos ng luha ko habang pinapanood mag empake ang asawa ko. Tahasang sinabi nya sa akin na makikisama na siya sa babae nya. Inaamin ko, pinilit nyang subukang pakisamahan akong muli at talikuran ang babae nya after the last time na nagawa ko ang ganito. Humingi ako ng tawad at isa pa at huling chance sa kanya to make our marriage work. Sa una ay nagtagumpay kami. Sa una lamang. Binalikan ko ang masama at nakakasira ng pamilya kong bisyo. Na nadiskubre ulit ni Kyle ng magkasakit ang bunso naming si Shin. Dadalhin namin siya sa ospital at nang mag balance inquiry si Kyle sa joint account namin ay ganun nalang ang gulat nya nang makitang seven hundred pesos na lang ang laman ng bank account namin. Nalustay kong muli sa Casino ang humigit kumulang na 11 million na impok ng asawa ko. Halos mapatay nya ako mg gabing iyon. Sinampal, sinuntok at pinagmumura nya ako. Pero bigla siyang tumigil. Kesa daw mapatay nya ako sa bugbog, iiwanan na lamang niya kaming mag iina. At heto nga sinasara na nya ang zipper ng maleta nya.

"Kyle please? One more chance! Let me make this work! Plea-"

"Shut up Joy! Just shut up! No more lies! I'm fed up with your gambling, with your lying. I am fed up with you!"

"Kyle mahal kita! Hindi ko kayang wala ka!!!"

Tumitig si Kyle ng malalim sa akin. Paghahalo ng galit, lungkot at awa ang nabakas ko sa mukha nya. Nabuhayan ako ng loob. Baka maawa sya sa akin at...

"You make me sick, Joy. You make me sick." Ang mahinang sinabi nya bago niya ako tinalikuran at walang lingon lingon na lumabas ng bahay patungo sa kotse nya. Narinig ko ang iyak at paghabol ng dalawa kong anak sa ama nila. Ang mahinahon at malungkot na pahayag ni Kyle na babalikan silang dalawang magkapatid at kukunin para isama na niya. Wala akong maramdaman. Wala. Wala...

Marahan akong tumayo. Tinungo ko ang banyo. Tinanggal ko ang pinaka sinturon ng suot kong silk robe. Kumuha ako ng bangko, itinali ko ang isang dulo ng sinturon ng robe ko sa curtain rod at ang kabilang dulo naman ay pabuhol kong ipinulupot sa leeg ko. Wala parin akong maramdaman. Wala.

Pasipa sa bangkong tumalon ako mula dito. Bumagsak ang bangko ng patagilid sa marmol na sahig ng banyo.

Wala akong maramdaman. Wala.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Aling Dorotea. Naalala ko na! Nagbigti ako ng araw na iwanan ako ni Kyle! Totoo ba? Totoo kayang patay- patay na nga ba ako?

Marahan ang pagtango ni Aling Dorotea. Pero si Kyle! Paanong...?

Tila nabasa naman ni Aling Dorotea ang isipan ko.

"Si Kyle ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Nakatawid na ako sa liwanag dalawang araw matapos akong mabangga. Nung araw na kusa ding sumuko ang nagmamaneho ng van na kumitil sa buhay ko, sinundo na ako ng nauna ng yumaong asawa ko. May kaniya kaniya ng pamilya mga anak ko at wala na akong maituturing na unfinished business dito sa mundo ng tao. At bago tuluyang nalagot ang hininga ko, malinaw ang isipan ko at nagsumamo ako at humingi ng tawad sa ating Maykapal. Mapalad ako at nakatawid ako sa liwanag. Ako ang sundo ni Kyle. Makakatawid din sya. Bago siya umakyat pabiyaheng Baguio, dumaan muna sya sa Katedral at kusang nakapag kumpisal. Matagal na niyang hiniwalayan ang babae nya. Matapos kang magpakamatay. Ako ang aakay sa kanya sa pagtawid. Ang mga anak ninyo ay kasalukyang nakalagak sa DSWD at inaantay ang kapatid ni Kyle upang kupkupin sila. Minalas lang na nahulog sa bangin ang company bus na lulan ang asawa mo."

Maliwanag ang salita ni Aling Dorotea. Kahit paano may kukupkop na mabubuting tao sa mga anak ko. At kadugo pa ng asawa ko. Teka...kung si Aling Dorotea ang sundo at aakay kay Kyle sa pagtawid, sino ang sa akin? Kasama ba nila ako? Bigla akong kinabahan at napasulyap sa babaeng naka itim na tila yelong nanigas sa kinaroroonan nya. Nabalutan ang buo kong kaluluwa ng matinding takot! Tumingin ako kay Kyle na malungkot na naka tingin lamang sa akin. Kay Aling Dorotea na malungkot ang mga mata at umiiling iling.

"Kaya ka sinusundan ng babaeng nakaitim ay dahil isa syang kaluluwang ligaw. Sila ang mga kaluluwang buktot na hindi nakatawid sa liwanag. Sila ang sumusundo sa mga tulad nilang kaluluwang ligaw din. Ikinalulungkot ko Joy."

"Hindi! Ayoko sumama sa kanya! Ayoko sa impyerno! Isama nyo na lamang ako ni Kyle parang awa nyo na Aling Dorotea! Habang hindi pa siya nakakagalaw. Tumawid na tayo!"

"Joy huli na. Kahit gustuhin kong isama ka namin ng iyong asawa sa pagtawid, hindi ka makaka galaw upang sumama sa amin. At hindi lamang nakakagalaw ang sundo mong kaluluwang ligaw dahil sa presensya namin ng asawa mo. Hindi sila maaaring manundo ng mga tatawid sa dilim habang may patawid naman sa liwanag. Pag wala na ang liwanag, makakagalaw na ulit iyan."

"Hindeee! Wag nyo akong iwan! Ayoko!!!"

"Oras na Kyle. Oras na ng iyong pagtawid. Akina ang iyong kamay. Magpaalam ka na sa iyong naging kabiyak. Ito na ang huli ninyong pagkikita. Mapa dito sa mundo ng tao o sa kabilang buhay, ito na ang huli ninyong pagkikita. Ikinalulungkot ko."

Kitang kita ko ang mga luhang umagos sa mata ni Kyle. Hanggang unti unti parang isang biglang pagsabog ng liwanag at unti unti ding napawi ang kinang ng liwanag na iyon at wala na sila Kyle at Aling Dorotea. Wala akong maramdaman. Wala.

KALULUWANG LIGAW #WPHAA2020 #ManilaTimesAwardsWinner #wattys2018 #PHTimes2019 Where stories live. Discover now