Naglalaho

1.9K 77 2
                                    

Magmula ng insidente sa sala ng dapithapong iyon, madalas kong makitang nagbubulungan sila Alexxe at Shin. Pero pag naramdaman nila akong papalapit, agad silang tumatahimik at kanya kanyang alis sa kinaroroonan. Nung una ay ok lang sa akin. Pero nayamot na rin ako ng lumaon dahil pakiramdam ko balewala ang pagka ina ko kung hindi rin lang nila ako pagsasabihan ng mga saloobin nila.

Maski ang asawa kong si Kyle, the same thing. Halos patayin ang sarili sa trabaho at pagdating ng bahay hindi na kumakain. Basta pagkalinis ng katawan higa na agad sa kama at tatalikuran ako at maya mayang konti maririnig ko na ang mahinang hilik nya.

Tinigilan ko na ang pagluluto dahil wala na sa mag aama ko ang kumakain sa bahay. Aba kelangan yata isa sa mga araw na darating kausapin ko ng masinsinan ang mag aaama ko sa nagiging sitwasyon ng pamilya namin at parang wala ng bond ang bawat isa. Kanya kanya na kami at mistulang tau tauhan na lamang ako.

Una kong kinompronta ang asawa ko. Halos magpuyos ang kalooban ko dahil parang walang nagsasalitang asawa sa tabi nya. Tuloy tuloy sya sa pagbibihis at pag alis na para bang walang nakikita o narinig na nagsasalita.

Nang mga bata naman ang subukan kong kausapin, sabay silang biglang nanigas at dahan dahan tinalikuran ako at lumayo.

"Aba't Alexxe! Shin! I am still talking to you both! Since when kayo natuto bumastos sa akin! Hoy!"

At tuloy sa paglayo kung nasaan ako nakatayo at nagse sermon. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa amin. Dapat nga at magkaisa kami sa aming pinagdaraanan at maging open at transparent ang bawat isa. Pero heto at nagkakanya kanya. I feel like I am a failure as a mother.

Hindi ko narin sila pinagkikikibo mula ng pakitaan nila ako ng pagbabalewala. Pati pagkain nila, kanya kanya silang luto, kanya kanyang laba ng damit at maski mga gamit sa bahay, kanya kanyang ayos. Halos wala na ako ginagawa kundi ang mahiga maghapon.

Naisipan ko tuloy na mag mall upang libangin ang aking sarili.

KALULUWANG LIGAW #WPHAA2020 #ManilaTimesAwardsWinner #wattys2018 #PHTimes2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon