Si Alexxe

2K 80 0
                                    

Alalang alala kaming mag asawa sa anak naming si Alexxe. Mabilis ang pagtakbo namin sa silid nila ni Shin nang bumasag sa katahimikan ng gabi ang balot ng takot na sigaw ng aming mga anak. Walang salitang patakbo naming sinugod ang kinaroroonan nila, puno ng takot para sa kaligtasan ng mga bata.

Dinatnan naming iyak ng iyak si Shin habang niyuyugyog ang ate niyang nakahandusay sa sahig at maputlang maputla at walang malay.

"Oh my God! Anak ko! Anong nangyari?"

"Alexxe! Sweetheart wake up!"  Bulalas ng asawa ko.

Pautal utal namang nagsalita si Shin na hindi parin magkandatuto sa panginginig dahil sa takot.

"Daddy, she was here! Nakita siya ni Ate Alexxe! Nakita namin pareho! She tried to harm ate! Galit na galit sya kay ate!"

"Hon! Itong si Shin ever since the Barbie incident I told her to stop with the imaginary playmates. Although palagi ko parin siya naririnig na nagsasalita mag isa, talking to someone. I ignored it and akala ko in time pag magkasama na sila ni Alexxe matulog sa isang room all that would stop. Shin, tell me what really happened? Bakit hindi magising ang Ate mo?"  May pagka desperada ko ng hiyaw sa bunso ko.

"Totoo po Dad. Nandito sa room namin yung babaeng nakita ko sa window sa attic. Yung kumuha at sumunog sa mga Barbie dolls ko. Siya po ang gumawa niyan kay Ate. Maniwala po kayo!"

"Shin stop this nonsense! Tayo lang ang nakatira sa bahay na ito! Wala ng iba! Pag hindi ka tumigil sa pagsisinungaling mo, baka mapalo kita!"  Ang pasigaw na sinabi ng asawa ko sa bunso naming iyak parin ng iyak ba nakayakap sa wala paring malay na si Alexxe. Mabilis at paulit ulit itong umiiling habang pinapagalitan ni Kyle.

"Maniwala po kayo sa akin I am not lying po! Nagalit sya kay ate kasi sabi ni Ate nung sinabi ko sa kanya na nandito sya sa room na she does not exist. At nagalit ang woman in black, mourning clothes. Kaya nagpakita sya kay ate."

Nakatingin lang ang asawa ko kay Shin.

"At sabi po ng babae na gagantihan daw po niya si Ate!"

At doon para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang takot na naramdaman ko para sa kaligtasan ng panganay ko at ng pamilya ko.

KALULUWANG LIGAW #WPHAA2020 #ManilaTimesAwardsWinner #wattys2018 #PHTimes2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon