Hit and Run

1.7K 77 0
                                    

Nanginginig ang buo kong katawan nang makabalik ako sa loob ng aming bahay. Hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari. Bakit maka ilang ulit ko binuksan ang aming gate at sa twing ihahakbang ko ang aking mga paa palabas nito ay paulit ulit akong bumabalik sa harap ng nakapinid na muling gate namin?

Sumilip ako sa labas mula sa likod ng kurtina. Nandun parin ang sweeper na nagpakilalang si Aling Dorotea. Parang walang anumang nasaksihang hiwaga at patuloy parin sa pagwawalis ng kalsada. Huminga muna ako ng malalim at dumiretso sa sofa at pabagsak na umupo. Tinapik tapik ko ang dalawang pisngi ko upang mapaniwala ang sarili ko na gising ako at hindi nananaginip. Habang kung ano anong tiyorya ang sumasagi sa isip ko, natawag ang aking atensyon ng periodico na nasa lamesita sa tabi ng sofang kinauupuan ko. Napatitig ako sa headline ng nasabing dyaryo na naka petsa halos dalawang buwan na ang nakakaraan. 55 Anyos na Mangwawalis, Sinalpok ng Rumaragasang Van, Naluray! At sa ilalim ng headline at may larawan ng biktima na namatay matapos araruhin ng matuling van na minamaneho ng lasing. Bagamat may kalabuan ang larawan, hindi ako pwedeng magkamali! Muli akong tumayo upang lumapit sa bintana at marahang hinawi ko ang kurtina. Hindi! Ang babaeng si Aling Dorotea na kausap ko kanina lamang at ngayoy patuloy sa pagwawalis sa tapat naming kalsada ay walang iba kundi...muli kong sinulyapan ang dyaryo. Siya ang babaeng nasa larawan ng headline! Ang niluray ng rumaragasang van dalawang buwan na ang nakalilipas! Dahan dahan kong ini angat ang paningin ko sa babaeng nagwawalis sa tapat ng bahay namin.

Nakatitig sa akin si Aling Dorotea habang nakangiti ng malawak na malawak at nakalabas ang maiitim nitong ngipin!

KALULUWANG LIGAW #WPHAA2020 #ManilaTimesAwardsWinner #wattys2018 #PHTimes2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon