Our Father

2K 80 1
                                    

Magmula ng insidenteng iyon, lalong naging withdrawn si Alexxe at tuluyan nang sumiksik sa sarili nyang mundo. Halos hindi na ito sumasabay sa pagkain kayat ang mag amang Kyle at Shin naman ay sa labas na lamang kumakain. Hindi ako sumasama sa pagkain nila sa labas dahil ayaw kong maramdaman ng panganay ko na hindi ako nakikisimpatya sa kanya sa pinagdadaanan nya.

Isang dapithapon, habang wala ang mag amang Shin at Kyle, naka upo sa silyang tumba tumba si Alexxe sa tabi ng bintana at nakatanaw sa hardin. Nakagawian na nya ito pag wala ang kapatid at ama. Maka ilang oras din sya sa ganung posisyon at kahit anong pakikipag usap ko sa kanya ay wala akong nakukuhang sagot.

Nang hapong iyon ay banayad kong sinusuklay ang mahaba at itim na itim na buhok ni Alexxe at humuhuni ako ng paborito nyang tugtugin, ang Fur Eloise nang bigla syang nanigas sa pagkakaupo at para bang nakikiramdam sa paligid.

"Anak bakit?"

"Mommy?"

"Yes sweetheart, Mommy's here."

Bigla itong humagulgol ng panangis.

"Anak bakit? Anong problema anak? Sabihin mo sa mommy...please Alexxe!"

"Nooo! Mommy ko! Ayokooo! Please umalis ka na dito! Wag ang mommy ko! Wag mo syang kukunin!"

Sabay turo sa may kurtina sa kabilang bintana katabi kung saan kami naroroon.

Agag umunat ang aking ulo sa pagkakayuko sa pagsuklay ng kanyang buhok. At doon ko nakita ang babaeng naka itim na mahabang damit, may belong itim na tumatakip sa mukha nito na nakakulubong sa mahaba at napakaitim nitong buhok. Ang nakapagpakilabot sa akin ng husto ay ang mapulang mapula nitong mga mata na nanlilisik na nakatingin sa anak ko. Nag unat ito ng dalawang braso at bumuka ang dalawang mga ugatang kamay na may mahahaba at itim na itim na mga kuko!

"Diyos ko! Sino ka? Demonyo!"

Iyak pa din ng iyak si Alexxe na tila ba napako na sa pagkaka upo sa tumba tumba at hindi makagalaw. Wala akong maisip kung papaano ko isasalba ang aking sarili pati narin ang anak ko! Naisip kong tumawag sa Diyos at sinimulan kong magdasal...

"Our Father, who art in heaven..."

Patuloy parin ang paglapit sa amin ng babaeng naka itim. Saglit akong sumulyap kay Alexxe na nooy mariin nang nakapikit ang mata habang nanginginig ito sa sobrang takot. Ipinagpatuloy ko ang pagdarasal...

"Hallowed be thy name, Thy kingdom come, Thy will be done..."

Ilang hakbang nalang ang layo ng babae sa amin. Nakaramdam ako ng matinding pag hangin sa paligid...at pumikit narin ako, sa isip ko'y sana itong lahat ay isang masamang panginip lang...

"On earth as it is in heaven!"

Biglang tumigil ang pag hangin ng malakas. Tumahimik ang paligid. Sa aking pagtungo ay sabay kong iminulat ng kaunti ang aking mga mata upang sulyapan ang anak kong nakapikit parin. Dahan dahan kong itinaas ang aking ulo. Katahimikan. Wala na akong nararamdamang presensya sa paligid. At doon dahan dahan kong iminulat ang aking mata...

"Pa Our Father Our Father ka pa!!! Hindi ka maililigtas ng dasal mooo!!!"

At tumambad sa harapan ng mukha ko na halos dikit na dikit na sa sarili kong mukha ang galit na galit na mukha ng babaeng itim, na nanlilisik ang mapulang mapulang mata na titig na titig sa mata ko!

At narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Alexxe!

"Huwaaaaaagggg!!!"

KALULUWANG LIGAW #WPHAA2020 #ManilaTimesAwardsWinner #wattys2018 #PHTimes2019 Where stories live. Discover now