Sundo

1.7K 76 1
                                    

Isang malakas na sigaw ang tanging nagawa ko sabay talon pababa sa kama at nanikit ako sa dingding ng kwarto habang patagilid kong tinutungo ang pinto.

"NGAYON NA...! NGAYON NAAAA!" Ito ang namutawi sa tabingi at mapupulang bibig ng babaeng naka itim. Hindi ko alam kung tama ang pandinig ko.

"Aleeexxe! Shiiin! Tulong!" Makailang beses kong isinigaw ang pangalan ng mga anak ko ng ubod lakas ngunit walang sumasagot o sumasaklolo sa akin.

"HINDI KA NA NILA MAAARING MARINIG NILALANG! ITO NA ANG TAKDANG ORAS!"

Mamamatay na ba ako? Sino at ano ang kailangan sa akin ng babaeng naka itim na ito? At tila nababasa niya ang aking iniisip at kagyat humalakhak ito ng nakapangingilabot na halakhak habang tila lumulutang sa hangin na papalapit sa akin na naka unat ang kanang braso at tila inaabot ako ng maugat na kamay na may mahahaba at napakaitim na mga kuko!

"Diyos ko! Tulungan mo po ako!" Naramdaman ko ang door knob sa likuran ko. Ang kailangan ko nalang gawin ay pihitin ito para ako makalabas sa silid na ito!

At nang halos ilang pulgada na lang ang layo ng matatalim na kuko ng mala impaktang babaeng naka itim, biglang pumihit ang door knob at bumukas ang pinto at tumambad sa paningin ko si Kyle! At kasama si...Aling Dorotea!

"Kyle! Salamat at dumating ka! Bakit kasama mo siya?" Sabay turo ko kay Aling Dorotea. Sinulyapan oo ang babaeng naka luksa at tila ito na semento sa kinaroroonan nya at hindi gumagalaw ngunit nakatitig parin sa akin!

"Kyle, hon, nakikita mo ang babaeng naka itim? Ayun sya! Diyos ko ano bang nangyayari? Kyle! Magsalita ka!"

Patuloy lang na nakatingin sa akin ang aking asawa. Malungkot ang mukha nya. Aba'y sa tinagal tagal ng nilagi namin sa bahay na ito, parang ngayon lang ako naatim tingan ng asawa ko. Sa ganito pang sitwasyon na tila ba ako ay binabangungot lamang.

"Hindi pa nya alam Kyle." Sabay kami ni Kyle na napatingin kay Aling Dorotea nang magsalita ito. Umiiling iling lamang ito na tila naiiyak na naka tingin sa aming mag asawa.

"Kyle! For Pete's sake! Tell me what is happening! Bakit mo kasama si Aling Dorotea? Patay na siya! Nabangga siya at napatay sa isang hit and run two months ago! Maniwala ka! Hindi ako nababaliw!"

Punung puno ng awa ang mga mata ni Aling Dorotea na nakamasid sa aming mag asawa. Sa unang pagkakataon hinarap ko si Aling Dorotea.

"Ano bang kailangan mo sa pamilya ko? At bakit kami ginugulo ng kampon ng dilim na babaeng naka itim na iyon! Patay ka na di ba? Bakit ginugulo mo kami?"

Nakatingin lang si Aling Dorotea ng matagal sa akin bago ito sumagot.

"Oo patay na ako. Dalawang buwang mahigit na akong patay. At kaya mo ako nakikita ay sa kadahilanang patay ka narin!"

KALULUWANG LIGAW #WPHAA2020 #ManilaTimesAwardsWinner #wattys2018 #PHTimes2019 Where stories live. Discover now