Hindi Lahat ng Nararamdaman Pwede Mong Makita

1.9K 99 0
                                    

"We're home!" Ang masiglang tawag ni Kyle habang nag "click" ang lock ng main door sa sala sa likuran namin ni Alexxe. Paglingon ko sa kanila ay masayang pumasok sa bahay ang mag amang Shin at Kyle at patakbong lumapit si Shin sa amin na may dalang pasalubong na take out. Pagbalik ng ulo ko kung saan nandun ang babae ay wala na ito.

"Ate, we have your favorite food, Chinese take out. Di ba favorite nyo ito ni Mommy? Ate what's wrong? Daddy ate is not well! She's crying and shaking!"

Sabay lapit ni Kyle ngunit biglang tumayo si Alexxe sabay takbo sa itaas deretso sa kanyang kuwarto at nag lock ng pinto.

Nalilitong nagkatinginan na lang ang mag ama.

~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ •

"Ate, what's wrong? Are you okay?" Ito ang napaka inosenteng tanong ni Shin kay Alexxe, na sya namang lapit sa kapatid sabay yakap dito na tila ba nagsusumamo ng init ng yakap nito.

"Shin nalilito ako...bakit pag si...siya nararamdaman ko siya pero hindi ko makita. But the other one, yung nakakatakot siya pa yung nakikita ko. Bakit ganun? May koneksyon kaya?"

"Ate ako nga nararamdaman ko din lang si...siya. But the other one, I can feel, see and even talk to her! But I'm not afraid. Kasi mommy told us na pag afraid mag pray lang tayo di ba?"

"But yun na nga Shin, kanina, I heard her pray so I prayed with her. Pero hindi parin umalis yung pangalawa! She even mocked Mom while she was praying..."

At sa puntong yun, wala ng paliwanag na dumaloy sa munti at musmos na kaisipan ng magkapatid kung kayat naghari ang katahimikan sa silid nila.

•~•~•~•~•~

A/N:

I am halfway done na po. I hope you like this story. Again, very amateur palang po ako sa larangan ng pagsulat ng mga kathang isip na katatakutan kung kayat pagpasensyahan ninyo muna kung wala pang coherence at impact masyado ang mga istorya ko.

Sana kung naibigan ninyo, pleae VOTE nalang po. Nakakataba ng puso at nakaka inspire pang i-improve ko ang paglikha ko sa bawat VOTE ninyong mga mambabasa...

Will be updating soon. Please stay with me and my story. 😊

KALULUWANG LIGAW #WPHAA2020 #ManilaTimesAwardsWinner #wattys2018 #PHTimes2019 Where stories live. Discover now