Bulong at Hinga

1.7K 71 0
                                    

Maghapong hindi ako lumabas ng kwarto. Hanggang mag gabi nanatili lamang ako sa silid naming mag asawa. Ang asawa kong si Kyle ay hindi uuwi ngayong gabi. Narinig ko kanina ang usapan ng magkapatid na Alexxe at Shin. May emergency conference daw sa Baguio ng dalawang araw. Wala na akong maramdamang hinanakit o pag aalala man lang. Ang masakit pa sa akin, ultimo sa mga anak ko wala akong maramdamang kalinga ngayong araw. Ni hindi ko man lang inalam kung nakakain na sila ng hapunan o nagawa na ba nila ang mga assignment nila sa eskuwela. Hindi maalis sa isip ko ang mga namalas ko kanina tungkol kay Aling Dorotea.

Maghahatinggabi na hindi parin ako dalawin ng antok. Ewan ko ba pinipikit ko na ang aking mga mata pero hindi ako makatulog. Ano ba itong nangyaya...

Naputol ang tinatakbo ng isip ko nang may maramdaman akong malalim na paghinga sa loob ng silid. Iminulat ko bigla ang aking mata para alamin kung umuwi si Kyle. Baka hindi natuloy ang conference nila sa Baguio...ngunit walang tao sa silid kundi ako lamang. Pero damang dama ko parin ang malamig at malalim na tila paghinga sa loob ng silid. Baka naman dala ng stress ko sa mga pangyayari maghapon kaya kung ano ano naririnig at nadarama ko. Muli, pumiktt ako upang magbaka sakaling makatulog.

Napabalikwas ako ng bangon! May naramdaman akong malamig na malamig na hininga sa aking pisngi habang ako'y nakapikit! At sa pagkakataong ito hindi ako pwedeng magkamali dahil ang hiningang naramdaman ko ay kasabay ng pagbulong ng pangalan ko!

Sa aking pagbalikwas, kasabay nito ang pagmulat ng aking mga mata. At ganun na lamang ang pagkagimbal ko na katabi ng aking mukha na halos dumikit na sa pisngi ko ang mga labi ng babaeng nagluluksa na nakangisi ng mala demonyong ngiti at matalim ba nakatitig sa akin ang napaka pulang mga mata!

KALULUWANG LIGAW #WPHAA2020 #ManilaTimesAwardsWinner #wattys2018 #PHTimes2019 Where stories live. Discover now