Chapter Sixteen

5 2 0
                                    



Nakikita ko ngayon ang sarili ko nakatayo sa isang lugar. Madilim at nararamdaman ko ang malamig ng hanging dumadampi sa aking balat.

Nasaan ako?

Teka?

Panaginip bato?

O

Nakokontrol nya ulit ang katawan ko.

Hindi ko man gustong humakbang ay tila may sariling buhay ang aking paa.

Tama! Kaylangan ko syang kalabanin.

Madilim ang lugar ngunit nakukuha ko pa din nakikita ng malinaw ang lahat.

Nakatayo ako sa isang ilog at nakikita ko ang repleksyon ko dito. Makikita din ang repleksyon ng buwan, malaki ito ngunit hindi full.

"Hindi ka mananalo." matigas kong pagbigkas ngunit hindi bumubuka ang aking bibig.

Napansin ko namang mas pumula ang mata ko at bahagyang ngumiti.

Hindi ako toh.

"Ang bango!" bigkas nito habang parang mas sinisinghot sa hangin.

Masama ang kutob ko dito.

Patuloy lang sya sa pag amoy-amoy sa hangin.

Concentrate. Dapat akong mag-focus.

Ako ang nagmamay-ari sa katawang toh kaya ako lang ang may karapatang gumamit dito. Naiintindihan mo?

"Red?" natigil ang konsentrasyon ko nang marinig ko ang boses ni kuya.

Tama! Nag-picnic pala kami dito kagabi.

Pinagmasdan ko sya habang nakangiti at unti-unting hinarap si kuya.

"Rr-red?" pansin sa boses ni kuya ang takot at pagkabigla.

"Ang bango mo." Hindi ako yun! Lang ya sya!

Wag kang lalapit.

Pero tila ba wala syang naririnig sa mga sinasabi ko. Si kuya naman ay unti-unti ding umaatras.

Wag kang lalapit.

Patuloy lamang sya sa paglalakad hanggang sa hawak na nya ang braso ni kuya.

"Red." Kuya.

Idinikit nya ang kanyang ilong sa dibdib nito.

"Rr-red ak-ako to." nangingig ang boses ni kuya. Alam ko kuya pero hindi ka nya kilala.

Naramdaman ko nalang na may lumabas ng pangil sa kanya.

Wag mo syang sasaktan!

Umikot muna sya kay kuya at para bang pinagsawaan ang amoy nito.

Akmang tatalon na sya upang kagatin si kuya ay sumigaw ako.

Ahhhhhhh! Wag mo sabi syang sasaktan.

Napahawak naman sya sa ulo nya.

Naririg nya ako?

Ahhhgggh, kuya!

"Kuya! Tumakas ka na"

"Red?" akmang lalapit sya pero nagawa ko pang nag stop sign.

Kaylangan ko syang matalo kundi ay mamamatay si kuya.

"Tumakbo ka na-argggh!" sigaw ko sa kanya ngunit tila naka glue ang paa nya sa lupa.

Red As BLOODWhere stories live. Discover now