Chapter Nine

21 9 0
                                    

Summer time! Sa mga maggra-graduate ngayon, congrats sa inyo!

Pauwi na ako matapos manglibre ni Kuya Blue, birthday nya kasi. Napadaan ako sa pizza house na pinagtratrabahohan ni Venice kaya napagpasyahan kong bisitahin sya. Pero wala daw sya dahil masama ang pakiramdam nito. Kinabahan naman ako kasi mag-isa lang sya sa bahay nya. Sinubukan ko syang tawagan pero hindi sya sumasagot. Medyo maaga pa naman kaya pinuntahan ko sya sa kanila.

Pagdating ko sa bahay ni Venice ay walang ilaw. Aalis na sana ako pero narinig ko ang isang nabasag na bagay na sinundan pa ng mga paglagabog. Kinabahan naman ako kaya inakyat ko na ang bakod nya.

Maingat ang bawat hakbang ko. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay nya alam kong hindi sya nag-iisa, hindi ko alam kong pano ko nagawa to pero tatlong presensya ang nararamdaman ang isa ay kay Venice. Hinanap ko ang pinanggalingan ng mga lagabog at napagtanto kong sa kwarto nya iyon. Sinubukan kong sumilip sa binta pero nakasarado ito at wala akong makita. Kinabahan ako kaya umikot ako sa back door. Luckily, bukas ito kaya pumasok na ako.

"Kamahalan, hindi namin gustong saktan ka pero kinakaylangan nyo pong bumalik sa tahanan ninyo." Narinig kong boses ng isang lalaki. Pero sinong kamahalan?

"Nandito ang tahanan ko." Kilala ko ang boses nya pero ngayon ko lang narinig ang ganong tono ng papananalita nya. Si Venice.

"Kamahalan, bumalik na kayo." Ngayon ibang lalaki naman ang nagsalita.

"Sinabing hindi ako babalik dahil andito ang tahanan ko!" Sigaw ni Venice kasabay ng pagkabasag ng kung ano man. Alam kong nakalabas na sila sa kwarto ni Venice kaya sumilip ako mula dito sa kusina. Hawak ni Venice ang isang lalaki sa leeg at ang higit na nakakapangilabot ay ang mga pangil nilang nakalabas at ang mga mata nilang pula. Hindi maaari.

"Kaya kitang patayin ngayon na mismo! Pero hindi ko gagawin yun. Palalayain ko kayo kapilit ng inpormasyong dapat walang makaalam na nandito at nahanap nyo ako. Oras na malaman ko na may nakarating na balita sa kanila, pamilya nyo ang kapalit. Hindi ako nagbibiro. Naiintindihan nyo?" Nanginginig ang tuhod ko sa nakita ko. Nakita ko nalang tumango ang dalawa. Hanggang sa pinakawalan na ni Venice ang lalaki.

"Magaling." Mabilis na umalis ang dalawa na parang bula. Nakita ko nalang na napaupo si Venice sa sahig at umiiyak. Wala na syang pangil at hindi na pula ang mata nya. Nakasabonot sya sa kanyang buhok na para bang gulong-gulo na sya.

"Tama ang desisyon mo Venice. Hindi ka magpapakasal sa kahit sinong lalaki." Kung wala lang sana akong nakita kanina ay masasabing baliw si Venice na kinakausap ang sarili nya.

"Tapos si Red. Si Red." Pano ako nasali dito?

"Kaylangan ka ni Red. Kaylangan ka nya. Hindi mo sya pwedeng iwan. Hindi ko sya pwedeng iwan. Sasamahan ko sya sa laban nya. Tama! Tama ang desisyon ko." Naiiyak nyang pinahid ang luha nya at tumayo. Nakita ko namang naapakan nya ang isang salamin. Nakita kong nasugatan sya pero agad din namang naghilom.

Hindi ko alam dapat ngayon tumatakbo na ako dahil nakita ko na sya. Ang babaeng pulang mata. Pero unti-unti akong lumabas sa pinagtataguan ko.

"Ven-nice." Medyo garagal ang boses ko, ngayon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. Humarap sya sa akin at biglang-bigla.

"My gosh Red! Why are here? Pano kung nakita nila?" Wala syang paki sa naapakan nyang bubog para lang makalapit sa akin na agad nya naman akong niyakap. Matangkad sya 5'8 ang height nya habang 5'6 lang ako kaya feeling ko safe ako sa kanya.

"Hindi ko hahayaang saktan ka nila." Umiiyak sya base sa boses nya. Nakita ko syang pula ang mata pero bakit hindi ko magawang matakot sa kanya. Bagkos ay niyakap ko sya pabalik. Mas matanda sya sa akin ng dalawang taon pero hindi ko sya tinatawag na ate pero ngayon parang nagkaroon ako ng instant na ate.

"Venice bakit?" Humarap sya sakin habang nakakapit sa balikat ko. May mga luha parin sa mga mata nya.

"Hindi ko alam kong pano ko sasabibin sayo toh." Hinila nya ako papunta sa kwarto nya.

Binuksan nya ang ilaw kaya nakita ko ang mga basag at nagkalat na gamit. Pero pinaupo nya ako ako sa malambot nyang kama. Lumuhod sya para magkapantay kami. Napatitig ako sa mata nya. Hindi ito pula pero hindi brown, blue, blue ang mata nya.

"Ito ang original kong eye color while my hair is originally blonde." Tipid syang ngumiti sa akin.

"Ganito, ang nakita mo kanina ay—" hindi na tapos ni Venice ang sasabihin nya dahil tumunog ang cellphone nya. Sinagot nya ito at niloud speak.

"Venice. F*ck! Kasama mo ba si Red. Wala ka namang sinabing may catering sila ngayon ah! Anong oras na wala pa sya rito sa kwarto nya. F*ck! Asan na ba ang babeng yun? Venice sagutin mo ako." Sunod-suod na tugon ng kabilang linya. Halata sa paghinga nya na talagang kinakabahan sya.

"Hendrix." Ako na ang sumagot nakita ko namang nagtaka si Venice kung pano ko nalaman kung sino ang nasa kabilang linya, sadyang kilala ko lang ang boses nya.

"Hello Red? Asan ka? Kasama mo ba si Venice? Okay ka lang ba?" Sunod-sunod nyang tanong. Hindi ako sanay na ganyan sya pero nakakatuwa na nag-aalala sya sa akin.

"It's my first time seeing you this nervous my dear cousin." Narinig ko ang boses ni Kelly sa kabilang linya. Kaya nasisigurado kong magkasama sila.

"Here my house." Tipid na tugon ni Venice at pinatay ang phone.

"Venice, ikaw ba sya? Ang babaeng nakikita ko sa panaginip ko?" Umiling si Venice kaya nagtataka ako.

"Hindi ako sya." Hinimas-himas nya ang buhok ko.

"Pero hindi sya masama." Nagsimula na naman syang umiyak pero naguguluhan talaga ako sa sinasabi nya.

"Anong hindi masama? Halos sampong tao na ang napatay nya. Malay ko ba kung may iba pa syang pinatay na hindi ko napapanaginipan"

"Wala na, ang lahat ng napanaginipan mo, yun lang din ang pinatay nya." Mahinahon nyang tugon ngunit wala parin akong maintindihan. Bakit nya ba pinagtatanggol ang babaeng yun?

"Red! Red! Red!" Napabalikwas ako ng bangon nung narinig ko ang boses ni Kuya.

"Tinext ko sya na nandito ka. Karapatan nya ding malaman." Naguguluhan ako pero bago pa ako makasagot ay tumayo na si Venice.

Sinundan ko nalang sya ng tingin habang pinagbubuksan si kuya.

"Kuya." Pagtawag ko sa kanya nung nakapasok na sya. Medyo nagtaka pa sya sa mga nakakalat na gamit pero binalewala nya lang ito at nilapitan ako. Pinunasan nya ang pisnge ko at niyakap.

"Okay ka lang? May masakit ba sayo?" Masuri nyang chineck ang katawan ko pero umiling lang ako. Medyo nakampante naman sya at niyakap akong muli.

"Oh my gosh Venice what happened?" Nagkahiwalay kami ni kuya nang marinig namin ang boses ni Kelly. Nasalikod nya si Hendrix na may pagtatakang mukha din. Umangat ang tingin nya at nagtama ang mata namin. Sa isang iglap nasa bisig nya na ako. Kung matangkad si Venice mas matangkad si Hendrix hanggang panga nya nga lang ako.

"Anong nangyari? May nanakit ba sayo? Sh*t! Pinakaba mo ako." Nakayap parin sya sa akin kaya niyakap ko nalang ako pabalik.

"Okay lang ako." I feel safe in his arms.

"Red? Anong uring tao sila?"Nagkahiwalay na kami ni Hendrix. Ano nga ba sila. Maski ako hindi ko din alam eh.

Napatingin ako kay Kelly, Venice at Hendrix. Pula ang mga mata nila.

Ano nga ba sila? Tao ba sila?

Red As BLOODWhere stories live. Discover now