Chapter Fourteen

5 3 0
                                    


Matagal akong nawala, pero bumalik naman. Love ko kayo kaya babalik at babalik ako.

Nasaan ako? Wala akong makita! Bakit ang dilim? Sinubukan kong gumalaw ngunit parang may pumipigil sa kamay ko. Binigyan ko ng pwersa ang paggalaw ng mga kamay ko pero mas lalo lang akong nasaktan.

"Argggghhh!!" sigaw ko dahil sa sakit.

Nagpumiglas ako kaya napagtanto kong hindi lang ang mga kamay ko ang nakagapos, kundi pati ang aking mga paa. Pinakiramdaman ko ang paligid.

Tahimik ang paligid, walang kahit na anong tunog. Naramdaman ko din ang lamig ng sahig na humahalik sa akin paa. Wala akong maaninag na kahit ano.

Nagsimula na akong umiyak sa takot. "Tu-tu-tulong tulo-longan nyo a-ako!" sigaw ko ngunit tila walang nakakarinig.

"Tulong!" ngayon ay mas malakas na ang sigaw ko.

"Hahahaha! Hahaha!" imbis na magpasalamat ay mas lalo akong kinilabutan sa aking narinig.

"Si-sino ka?" nanginginig ang aking boses.

"Hahahaha! Ahahahaha!" wala akong ibang narinig kundi ang kanyang halakhak.


Gusto kong yakapin ang sarili ko. Gusto kong tumakbo pero wala akong magawa. Sino ba ang hinayupak na naggapos sa akin dito?


Unti-unti akong nakarinig ng mga yapak na papunta sa akin. Hanggang sa nakita ko sya. Sya ang babaeng may pulang mata! Nanlilisik at parang handa na akong kainin.

Sa takot ko ay napaatras ako ngunit bigo ako dahil sumalampak lamang ako sa semento. Wala na akong magawa.

Unti-unti syang lumapit sa akin kaya pilit ako na nagpupumiglas.

"Waggggg!!"sigaw ko pero parang wala itong narinig.

Ilang dangkal nalang ang kayo nya sa akin nang tumigil sya. Napapikit ako sa takot dahil akala ko sasaktan nya ako pero wala akong naramdamang kahit anong sakit.

Minulat ko ang aking mata pero agad ding isinara nang makita kong nasa harap ko pa din sya.

Bakit sya andito? Bakit sya nakatingin sa akin. Bakit ang muk—

Ang kanyang mukha! Bakit ko sya kamukha?


Dinilat ko ang aking mata at sumalubong ang kanyang nanlilisik na mapupulang mata. Nakalabas ang kanyang pangil na handa na akong lapain anumang oras. Magulo ang kanyang buhok. Bumaba ang tingin ko sa kanyang suot. Pamilyar sa akin ang kanyang suot, ito ang dala sa akin ni kuya noong isang araw. Bakit nya ito suot.

Bumalik ang tingin ko sa mukha nya na ngayon ay may pilyong ngiti. Takot man ay nilabanan ko ang mga titig nya.


Tama, ako sya! Kaya syang kontrolin! Mas malakas ako!


Nagfocus ako sa pagtitig sa kanya nang bigla syang tumawa. "Hahahhaah, ahahaha!"

"Hindi mo ako kaya!" sambit nya. Hindi ko alam kong boses ko ba talaga ang naririnig ko pero hindi ko maiwasang tumayo ang aking mga balabibo sa lamig.

"Mali ka. Kaya kitang matalo kasi nasa teritoryo kita." ang kaning takot na takot ngayon ay nabubayan ako ng tapang.

"Teritoryong hindi mo kayang pagharian."

Red As BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon