Chapter One

102 25 130
                                    

Dugo, dugo, dugo! Bangkay! Nagkalat ang mga bangkay!

Agad akong napabangon mula sa aking kama at iniabot ang tubig na nasa isang mineral water na nakapatong sa mesang katabi ng kama ko. Sanay na akong binabangongot kaya naghahanda talaga ako ng tubig sa tabi ko sakaling mangyari man ang katulad nito. Hinilot ko ang aking sintido.

Hanggang kaylan ba ako gagambalain mga panaginip ko? Simula nung masaksihan ko ang nangyari noong isang buwan, hindi na pinapatahimik ang tulog ko. Ayaw ko na mabuhay sa takot. Gusto ko na umaktong normal. Gusto kong mabuo ang isang araw na walang pangangamba.

Pangangamba na baka balikan nya ako?

Baka gawin nya lahat ng ginawa nya sa limang bangkay na nakita ko?

O baka andito lang sya at malaya akong natatanaw.

Napakamot ako sa aking buhok. Argghh! Hindi ko na alam kong anong gagawin ko.

Hindi na ako nakabalik ng tulog hanggang sa mag alarm ang aking cellphone. Alas 4:00 na ng umaga kaya kahit gusto ko pang bumalik sa tulog ay pinilit kong bumangon at naligo.

22 years old na ako at hindi ako nakapagtapos ng college,hangang 2nd year lang . Kaylangan ko kasing magtrabaho para matulongan si mama at si kuya Blue. Apat kaming magakakapatid, si Kuya Blue, ako, at ang mga nakakababata kong kapatid na sina Gray at Violet. Funny right? Mahilig kasi si mama at si papa sa colors kaya yan ang mga names namin. Pero wala na si papa halos 4 years na din syang wala. Hindi naman kami kayang palamunin ng sari-sari store ni mama, kaya naisipan kong lumuwas ng Manila.

"Good morning kuya!" Bati ko kay kuya Blue at kumaway sa akin. Pinasok ako dito ni kuya bilang part time job ko, tig dilig ng mga bulaklak, o kung minsan tig deliver din pag medyo malapit at kunti lang order. Alas 5 ng umaga hanggang alas 9 ang trabaho ko dito.

"Oh, kumusta naman ang trabaho mo?" Tanong sa akin ni kuya kaya nilingon ko sya saglit at binalik ang tingin sa ginagawa ko.

"Okay naman po. Tsaka may catering po kami mamayang gabi." Kahit na nakatalikod ako, alam kong nakakunot na ang kanyang noo. Alam ko na kung ano ang susunod nyang sa sabihin. Anong oras ka uuwi?

"Anong oras ka uuwi?" Napahagikhik nalang ako. Saulado ko na kasi si kuya.

"Bakit ka tumatawa." Nilingon ko sya at halos na magdugtong na ang dalawang kilay nya kaya hindi ko na talaga mapigilang matawa.

"Kuya, okay lang ako. Wag kang mag-alala siguro mga alas dose uwi na ako." Nakita kong umiling sya. Alam ko namang kahit ayaw nyang magpagabi ako eh wala na syang magagawa.

"Siguraduhin mo lang na maalagaan mo yang sarili mo Red ha. Hindi ka pwedeng magkasakit, kaylangan nating magtrabaho." Walang emosyon nyang tugon. Nagkibit balikat lang ako at hindi sya tinugon. Nag-aalala lang yan, ayaw lang ipahalata.

Si kuya ang manager ng flower farm na ito. Halos walong ektarya din ng iba't-ibang klase ng bulalak ang nandito. At araw-araw ko silang nilibot para diligan. Kinakayalangan kasi na bantayan ang tubig, hindi pwedeng kulang o subra dahil makakasira ito sa bulaklak. Pero simula nung nagtrabaho ako dito magdadalawang taon na ang nakaraan. Hindi ko pa nakikita ang may Ari nito kahit si kuya, hindi pa nakikita. Ang sabi nya, ang secretary lang daw nito ang kumakausap sa kanya.

Mayamaya at nag log out na. Naka alis na si kuya para magdeliver kaya hindi na ako nakapag paalam. Medyo malapit lang ang tinatrabahoan kong coffee shop, walking distance lang naman pero mas pinili ko na magbike. Regalo sa akin to ng may-ari ng flower farm noong nakaraang pasko. Lahat ng trabahador renigaluhan nya ng bike which is very useful sa tulad ko.

Nakarating ako sa locker ng coffee shop na pinagtratrabahohan ko at nagpalit agad ng uniform nila dito.

"Grabe ka Red ang bango mo." Sabi ni Kath na nakatingin sa salamin.

"Oo nga eh, araw-araw ka nalang ba ganyan? Nakaka ingit kana girl." Dagdag pa ni Venice habang umakbay sa akin at pasimple akong inaamoy.

"Mag aakala talaga ang lahat na ang mahal ng perfume mo." Inirapan ako ni Caren habang sinusuklay ang bubok nya.

"Ganun talaga basta masipag." Kinindatan ko sila at inaayos ang ang pagkakasintas ng sapatos ko.

"Masipag kaya ako!" Sabat ni Venice at tinapik ang braso ko kaya tinawan ko nalang sya. Lahat talaga nakakapansin sa mabango kong amoy. Pero sa totoo lang, kumakapit lang talaga sa akin ang amoy ng mga bulaklak sa flower farm. Mabuti na din toh, nakatipid ako sa perfume.

"Guys, be ready magbubukas na tayo." Sigaw ng manager namin kaya nagsitakbuhan na kami sa labas. Malaki din ang coffee shop na ito, 2 floors. Kaharap ito ng isang school at katabi ng isang malaking kumpanya kaya marami talagang bumubili dito.

Pagkabukas palang sunod-sunod na ang pumapasok lalo na ang estudyante. Alas 10 kasi kami nagbubukas at nagsasara ng alas 6 ng gabi.

"What's your order ma'am?" Nilapitan ko ang isa sa mga regular costumer namin. Humarap sya sa akin at ngumiti. Ang ganda nya talaga ang tulis, ang kinis ng kutis, at haba ng pilik mata.

"Ang bango mo." Hindi naman agad ako naka sagot sa kanya.

"Ahhh, nagtratabaho po kasi ako sa flower farm kanina ma'am kumapit lang ang amoy ng bulaklak sa akin." Medyo nahihiya pa akong sumagot sa kanya.

"Wag kang mahiya, as usual nalang." Masyado ba akong halata? Ngayon ko lang sya nakausap pero dahil nga regular sya dito alam ko kung ano ang order nya. Sinulat ko ang order nya at magpapa alam na sana ako nang napatigil ako sa sinabi nya.

"Don't call me ma'am. Kelly nalang." Hindi agad ako nakapagreact.

"Okay ka lang Red?" Natauhan naman ako.

"Po? Pano nyo nalaman ang pangalan ko?" Ngumiti lang sya at tinuro ang name tag ko. Ahh, Oo nga pala, napahiya tuloy ako.

"Naku, pasensya na po kayo ma— Kelly. Hindi kasi ako sanay na tawagin akong Red ng tulad mo. Ang ganda mo kasi." Napakapit ako sa dala kong papel nung tumawa sya ng malakas.

"Salamat dahil sinabihan mo akong maganda." Grabe ang ganda nya. Nagpaalam na ako at kinuha ang order nya.

Nung bumalik ako ay subra ang binayad nya. Tatalikod na sana ako para kumaha ng sukli, pero naunahan nya ako.

"Keep the change Red." Ilang beses naman akong napakurap sa kanya.

"Ang laki po nito." Tumayo na sya at umakbay sa akin.

"I have fun talking to you. Keep it." Ngumiti sya sa akin. Ang ngipin nya bes mas maputi pa yata sa T-shirt na binuhosan ng bleach ng limang beses.

"Salamat Kelly." Napatingin ako sa bill nya at sa kamay kong hawak ang pera nya. 275, tapos binigyan nya ako ng 1000? Hindi naman ito ang unang beses na magka tip ako pero ito at ang na yata ang pinakamalaki.

"Red." Napaangat naman ako ng tingin. Akala ko nakaalis na sya?

"Be careful. Labanan mo sya." At tumalikod na sya. Anong ibig nyang sabibin?

Red As BLOODHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin