Chpater fifteen

8 1 0
                                    

Happy holiday guys! Here is my Christmas gift.

Hindi ko mapigilang mamangha habang navgtatampisaw sa tubig. Taga probinsya ako pero sa probinsya namin wala kasing falls. I spread my arms na para bang niyayakap ko ang hangin.

"Aren't you afraid of here?" tanong ni Hendrix habang nakaupo sa isang malaking bato, ayaw nya kasi maligo, ewan ko kung bakit.

"Hindi, ang ganda nga ng lugar na to para katakutan." Sagot ko sa kanya sa ganun paring posisyon.

"Si Kelly kasi find this place weird." napatawa nalang ako.

"Well siguro magkaiba kami ni Kelly ng taste."

"Speaking of her, malapit na daw sila kasama nya sina Venice at Maru and also your brother" agad naman akong napatingin sa kanya. Tumalon ako sa bato at nilapitan sya.

"Talaga?" ngumiti lang sya bilang tugon sa akin.

Matapos kasi ang nangyari kagabi ay sinabihan ni Hendrix sina Kelly na nakontrol ko sya kaya.

"Nga pala, bakit meron paring kureynte sa bahay mo? Malayo na naman ito sa city tapos wala akong nakikitang ibang bahay dito."

"Simple lang, solar energy and mechanical energy. Ang energy ng falls at ng sun ay kinonvert into electric energy." nangkit ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Hihihi, wala akong alam sa sinabi mo, dudugo ata ilong ko sayo."

Huminga sya ng malalim, "ganito kasi—"

"Oppss! Wag ka na magexplain mas lalo lang yan gugulo sa utak ko." napansin ko naman ang pagtawa nya.

"Wag mo akong tawanan!" pinalo ko sya sa braso ngunit ako lang ata ang nasaktan. Suki siguro to ng gym?

"Minsan lang ako naggym." kunot noo ko syang hinarap.

"Do you read my mind?"

"Hindi ko sinasadya, ang lakas kasi ng thoughts mo." malakas parin ang pagtawa nya.

"So, nababasa mo nga? Kaylan pa?" umakto naman syang nag-iisip.

"Hmm, matagal na." agad ko naman syang napalo ulit. Seryoso ba ang lalaking toh?

"I'm serious." Shit! Nabasa nya ulit.

"So you also cursed?" Pinaningkitan ko sya ng mata pero imbes na tumigil ay mas lalo pa syang tumawa.

"Lahat ba ng vampire kaya magread ng minds?" natigil naman sya sa pagtawa at humarap sa akin.

"Hindi." napansin ko naman na naging serious na sya.

"I can only read yours." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"So, sina Kelly at Venice nababasa din ba utak ko?"

"I don't think so, naalala ko kasi nung binabantayan ka palang namin nahihirapan sila na makuha ang sunod mong gagawin." nakatingin lang sya sa malayo.

"Alam ba nila na nababasa mo ang utak ko?" umiling sya bilang sagot.

Natahimik naman kami saglit.

"Hendrix, ano yung feeling na vampire ka?" saglit nya akong tiningnan.

"It is not worst but I can say it's not good too." malayo pa din ang tingin nya.


"Akala ko kapag vampire ka you can feel superior against human." he smiled bitterly, may nasabi ba akong mali?

"That's what almost every human thinks." Tiningnan nya ako.

Red As BLOODOnde as histórias ganham vida. Descobre agora