Chapter Five

30 13 23
                                    

Don't forget to vote and comment. Enjoy reading.

"Woohh! Happy birthday Manager!" Sigaw ng mga kasama ko.

Birthday ni Manager kaya niyaya nya kami na magbar at sagot nya lahat kaya walang humindi kahit nga si Venice hindi pumasok. Maingay na tugtog ang sumasalubong sa aking tenga. Hindi man gusto ng tenga ko ingay dito pero magtitiis nalang ako dahil ayaw ko din namang masabihan na KJ noh, saka minsan lang din naman toh.

"Bakit ba ang tagal mo Red? Halikana sayaw na tayo." Hindi na ako nagreklamo dahil alam ko na wala din naman akong magagawa. Nagrason lang ako kanina na magC-CR lang ako pero sadyang hintay talaga ako ni Caren. Nagtagpo kaming lima sa gitna ng dance floor. Nagtinginan kami ni Venice na halatang napipilitan lang din gaya ko. Si Caren at Kath ay halata na ang tama ng alak ganun din sina Bert at Marlo. Inabot sa akin ni Venice ang isang ladies drink na hawak nya. Simula ng dumating kami dito ay nakatatlong bote na din ako.

"Yeah! Dance, dance,dance! Broken hearted ako dahil hindi na ako sinipot ni Kelly!" Sigaw ni Marlo habang naglulundag. Ewan ko dito sa kaibigan ko. Pero totoo halos isang buwan ng hindi nagpapakita si Kelly sa coffee shop mula nung initusan nya akong magdala ng pagkain sa CEO nyang pinsan. Asan na kaya sya?

Makapag enjoy na nga lang din.

Nilibot ko ang aking paningin. Asan ako? Bakit ako andito? Nasa isang lugar ako na puno ng mga naglalakihang puno. Tiningnan ko ang aking suot. Ganun pa din naman ang suot kong damit sa bar—teka diba nasa bar ako? Birthday ni manager kaya nagpainom sya. Tiningnan ko ang cellphone ko at nanginig ako nung makita ko kung anong oras na. 3:57? Asaan ako?

Tuloyan kung binuksan ang phone ko at sumalubong sa akin ang 13 missed calls and 23 messages galing kina Kath, Caren, Venice, Bert, at Marlo. Hinukay ko ang utak ko baka sakaling maalala ko ang nangyari pero wala.

Hindi ko alam pero agad akong napatakbo sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Wala akong naririnig kundi ang bawat pagtapak ko sa tuyong halaman at pag ihip ng hangin sa dahon ng mga puno.

Takbo, takbo, takbo Red! Hindi ako tumitigil pero biglang may pumasok sa utak ko. Ang babaeng maypulang mata, tumatakbo din sya sa gubat. Bakit? Panaginip na naman ba toh? Tumigil lang ako sa pagtakbo nang napansin kong may sementadong daan. Napahawak ako sa tuhod ko habang pinipilit na huminga ng maayos. May daan nga pero wala namang tao dito. Wala akong alam na ganitong lugar kaya pano ako napunta dito. Napatingin ako sa mahabang semento, asan ako pupunta? Sa kaliwa o sa kanan? Tumingala ako at nakita ko ang bilog na buwan. Full moon. Hindi ko mapigilang maluha. Ano ang gagawin ko? May cellphone nga ako, wala naman akong load. Napaiyak ako sa ginta ng daan habang umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

*peep peep!*

Laking pasasalamat ko ng nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Pag angat ng tingin ko ay napatakip ako sa mata ko dahil sa silaw. Napansin ko namang tumigil sya at lumabas sa pinto pero hindi ko parin tinangal ang pagkakatabon sa mata ko.

"Stand." Nanigas ako dahil lang sa isang salitang sinabi nya.

"I said stand." Napansin ko namang naka adjust na ang mata ko kaya tumayo na ako. Hinarap ko ang lalaking pinanggalingan ng boses. Parang may magnet ang mukha nya na hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya. Ang tangos ng ilong, mapupulang labi, napaka manly ng feature ng mukha nya.

Pinikit ko ang mata ko para mawaksi ang pag-iisip ko ng kahit ano. Napalunok muna ako bago ako ko sya kinausap.

"Ahm, sir tulong—" pinutol nya ang dapat na sasabibin ko.

"Follow me." Ha? Manghuhula ba sya. Napansin nya na hindi ako gumalaw kaya nilingon nya ako.

"Follow me." Pag-uulit nya kaya napasunod ako sa kanya. Binuksan nya ang pinto ng kotse nya.

"Get in." Napakurap ako sa harap nya. Tumulong nga bossy naman.

"I said get in. Do I need to repeat every time that I talk to you?" Walang sabi-sabi na pumasok na agad ako sa loob ng kotse nya. Sinirado nya naman ito at pumunta sa kabilang pinto. Woah, gentleman. Napasampal naman ako sa sarili kong mukha. Bakit ba ang layo ng iniisip ko? Umabot ako dito pero kung saan-saan lumilipad ang utak ko.

Walang imik na pinaandar nya ang kotse nya. Hindi na din ako nagsalita dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabibin ko. Napatingin ako sa tinatahak naming daan, madilim pa din at wala parin akong nakikitang mga bahay. Saang parte kaya ako ng mundo?

Para naman akong dinuduyan habang nakasakay ako sa kotse nya, may aircon kasi kaya ang sarap matulog. Pinalaki ko ang mga mata ko para maiwasang pumikit ang mata ko.

"You can sleep." Napatingin ako sa kanya. Masyado ba akong halata? Pero hindi ko sya sinagot at mas inayos ang pagkakasandal ko sa upuan nya at pinili na umidlip. Pwede naman siguro kahit saglit lang. Gigising pa ako mamayang alas 4:30 eh. Baka di na ako makabawi.

Bago ako pumikit ay tinignan ko sya. Napangiti ako sa kanya. Hindi ko pa sya kilala pero feel ko safe ako sa piling nya. Tiwala ako na wala syang gagawin na ikakapahamak ko.

Nagising ako na may tumatapik sa pisngi ko. Unti-unti kong naaninag ang mukha nya.

"We are here Red." Tumingin ako sa hinituan nya. Nasa harap ako ng boarding house. Kinusot-kusot ko ang aking mata kaya napansin kong may telang nalalag sa lap ko. Jacket? Jacket niya. Naka recline na din ang upuan na tinutulugan ko.

"You seemed cold kaya kinumutan na kita." Hindi sya tumingin sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Ang awkward kasi ano ba sasabibin ko.

"Don't bother think kung pano ko nalaman kong saan ka nakatira dahil mapapagod ka lang." Wala pa ring emosyon ang lumalabas sa mukha nya kaya nahihiya nalang akong ngumiti sa kanya.

"Salamat po Mr. Rosales. Salamat sa paghatid mo sa akin." Sabi ko at bumaba na sa sasakyan nya. Yes, sya ang tumulong sa akin.

Paano ko nalaman? Hindi ko din alam basta feel ko lang. Hindi din naman sya nag deny, so tama ako.

"Red." Napalingon ako sa kanya.

"Hendrix." Napakunot naman ang noo ko.

"Call me Hendrix." Bumaba sya sa sasakyan nya at lumapit sa akin. At ito namang si ako hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Say it. Say my name." Kumurap kurap ako sa harap nya. His orbs are directly looking mine. Tumabol ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Hendrix." I saw him forming his lips into smirk. Hindi parin mawala ang lakas ng beat ng puso ko. Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Good. Ngayon pumasok ka na." Wala sa sarili kong binuksan ang gate.

"Don't stress yourself too much. Next month you need to fight her." Yan ang huli nyang sinabi bago sya umalis.

Red As BLOODWhere stories live. Discover now