Chapter Six

22 11 18
                                    



Don't stress yourself too much. Next month you need to fight her.


Next month you need to fight her.


Next month you need to fight her.


Ilang linggo na ang lumipas simula nung huli kaming nagkita ni Hendrix pero hindi parin maalis sa utak ko ang mga sinabi nya. Pinatay ko ang phone ko at isinandal ang ulo ko sa dingding. Nagbabasa ako ng wattpad pero wala akong gana. Napatingin ako sa buwan na parang ngumingiti sa akin pero hindi ko magawang ngumiti pabalik sa kanya.


Next month you need to fight her. 


Ano bang meron sa susunod na mga linggo? Ilang lingo na lang at bagong buwan ulit. At kung lalabanan ko sya? Di ba katangahan lang ang gagawin ko? Ni hindi ko nga sya kilala. Ni wala akong panama sa kaya nyang gawin? At bakit ako?


 Tumayo nalang ako at napag pasyahan kong matulog.


Limang bangkay ang nasa kanyang paanan. Nanginginig ako at hindi ako makagalaw. Unti-unti syang lumalapit. Nais kong sumigaw pero hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa kanya.


Anong gagawin nya sa akin?


"Hush."


Papatayin nya din ba ako?


At unti-unti syang lumalapit hanggang sa makilala ko ang suot nya. Hindi maaring magkamali.

"Hush Red."


Bakit nya suot ang uniform namin sa coffee shop?

Hindi!!


Agad akong napabangon dahil sa panaginip ko. Inabot ko ang tubig sa tabi ng kama ko. Patuloy ako sa paghikbi, ngayon ko lang narealize na umiiyak na pala ako. Mabuti nalang at napakalma ako ng hanging tumama sa pisnge k—


Hangin?


Napaangat ako ng tingin sa pinto malapit sa kama ko. Pinto papunta sa balcony. Napaawang ang bibig ko dahil nakabukas ito. Sa pagkakatanda ko ay naisarado ko naman ito kagabi. 


Dali-dali naman akong bumangon at isinara ito.


Napakurap ako. 


Natatandaan ko may humahaplos sa buhok ko at may bininigkas sya Hush at Hush Red ? Tama! Ibig sabihin may nakapasok dito sa kwarto ko? At kilala nya ako? Hindi kaya ang babaeng may pulang mata? Pero dapat pinatay nya na ako kung sya yun? Pero sa panaginip ko naka uniform sya ng coffee shop na pinagtratrabahu-an ko. Pano kong tama ang panaginip ko? Pano kung nasa mga katrabaho ko lang sya. Arrghh!


Hindi ko na malayan na nakatulog na ako sa subra kong pag-iisip kagabi. Napagdesisyonan ko na din na medyo dumistansya muna ako sa mga kasama ko sa trabaho. Wala naman sigurong mawawala.

Red As BLOODWhere stories live. Discover now