Chapter 22

9K 240 2
                                    

"PUPUNTA ka na naman ngayon niyan kay Suzy?" Naghihimagsik ang kalooban ni Elma.

"Why do we even bother with talks like this? I mean, really, what's the use?" sabi ni Kiko.

May kung anong bumikig sa kanyang lalamunan pero pinilit niyang magsalita. "I thought we're doing a-all right?"

"But what for?"

"F-for us."

"No need."

"W-what do you mean?"

"Oh, shit, Elma." Walang galit sa boses ni Kiko, pero parang sobrang nadidismaya. Hindi naman niya maintindihan ang reaksiyon nito. "Bakit pa natin kailangang mag-exert ng effort para mapabuti itong pagsasama natin kung maghihiwalay rin naman tayo?"

Wala siyang naisagot dahil malinaw na malinaw ang ipinunto nito. Oo nga naman. Para saan pa ang effort? Daig pa niya ang namatayan sa puntong iyon. Parang may kung anong tumusok sa kanyang puso. Yumuko na lang siya.

Nang umalis si Kiko, alam na niya kung saan ito pupunta—kay Suzy.

WALANG mayaya nang gabing iyon si Elma. Gusto sana niyang gumimik kahit na saan sa Territorio. Hindi naman nagsabi si Kiko kung anong oras ito makakauwi. Naghintay siya kagabi pero magdamag itong hindi umuwi. Hanggang nang mga oras na iyon ay wala pa rin ang asawa, at wala man lang ipinadala ni isang text message.

Noong umpisa lang siya nag-alala. Ipinaalala na lang niya sa sarili na hindi na niya kailangan pang makaramdam ng ganoon. Baka sobra lang itong nag-enjoy sa kandungan ng iba.

Kaya naman hayun si Elma ngayon at naghahanap ng makakasama. Sa kasamaang-palad, hindi available ang lahat ng tawagan niya. May gagawin daw si Fate kasama si Burt. May celebration yatang kung ano ang dalawa. Sinubukan din niyang tawagan si Violet pero hindi niya ma-contact. Karamihan naman ng mga kaibigan niya ay wala sa mga bahay. Nalalayuan naman sa Territorio ang ibang nasa bahay. Wala rin naman siya sa mood para sa long drive.

Sa huli, nagpasya si Elma na siya na lang mag-isa ang gumimik. Tumawag siya sa Blue Base. Isang sikat na singer ang nasa piano bar. Wala siya sa mood magpaka-blue kaya tumawag siya sa Red Base. May set daw ang Original Sin nang gabing iyon. Doon siya magpupunta.

Pagkatapos mag-ayos ay umalis na siya.

Gaya ng dati, binati si Elma ng mga miyembro ng banda. Sa gitna ng set ay nakatuwaan pa siyang pakantahin sa stage. At dahil nakainom na rin, game na siya. May talent din naman siya sa singing. She sang her heart out.

"Twenty-twenty-twenty-four hours ago, I wanna be sedated!" She sang. In-encourage siya ni Rodrigo Ambrosia. He was nodding at her. So she did her best. She sang her heart out. She sang with so much angst in her. Sa pagkanta niya ibinuhos ang sama ng loob.

"Nothing to do and nowhere to go. I wanna be sedated!" patuloy niya. All of a sudden, she felt so doggone lonely. There was that pain slashing through her soul. She realized she was so in love with her husband. And he wasn't there. He was with somebody else. And there she was, alone in that place, seeking comfort from this band she didn't even really know.

"So get me to the airport and get me on a plane. Hurry, hurry, hurry before I go insane! I can't control my fingers, I can't control my brain oh, no, no, no, no, no!" halos hiyaw na niya.

Biglang tumalikod si Elma. The band kept singing. She hurried outside that place. She felt suffocated. Kahit malayo ay nilakad na lang niya ang Domicilio. She was crying. She wished for a moment Kiko would come and scoop her in his arms. She wished he could come and be with her and tell her everything was going to be all right.

But she knew she was only fooling herself. Kiko would never appear. He was with Suzy. And she was there alone.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreWhere stories live. Discover now