Chapter 18

8.7K 251 0
                                    

NAGKAKAASIWAAN silang mag-asawa. Hindi alam ni Elma kung paano pakikiharapan ang mabait na Kiko. Sinamahan siya nito sa spa at sabay silang nagpa-Swedish massage sa special cottage para sa mga couple.

The ambiance was so very calming and at the same time, romantic. Nasa gitna ng isang Japanese garden na may whirlpool pa sa isang panig ang cottage. Maraming ganoong cottages sa likod ng spa para talaga sa mga couple. By schedule lang daw ang ganoong treatments. Well, for Kiko, it wasn't hard to get an appointment. Siyempre pa.

Nakapuwesto sila sa bamboo cots, may nakahaing fresh juice sa harap nila. Nagkakangitian lang sila habang minamasahe ng mga professional.

"I think I like you when we're not fighting," sabi ni Elma.

Natawa naman si Kiko. "I do, too."

"Siguro sinabi sa 'yo ni Fate na birthday ko ngayon, 'no?"

"No. I know it's your birthday."

"How come?"

"Because you're my wife."

May kung anong sundot at haplos iyon na idinulot sa loob ni Elma. Napakasimple ng pagkakasabi ni Kiko pero na-touch naman siya. Dahil asawa siya nito, oo nga naman. Samantalang siya, ni hindi gumawa ng paraan para may malaman tungkol dito. She wondered what else about her he knew.

"T-thank you, Kiko. How about you? When's your birthday?" Sinabi naman ni Kiko. "What do you want for your birthday?"

"Something you won't give me anyway."

Namula ang mukha ni Elma. Inabot niya ang juice at sinimsim. Nang lingunin uli niya ang asawa ay nakita niyang tahimik itong humahagikgik na parang isang bata. Nginitian na lang niya ito.

Nang matapos ang isang oras na masahe ay nagpunta na sila sa whirlpool. She was wearing a two-piece white bikini. Si Kiko naman ay swimming shorts ang suot. God, he looked yummy. At laking pasasalamat niya at mukhang dumidistansiya ito sa kanya. He really could be so charming if he wanted to. At kapag ganoon, hindi niya alam kung hanggang kailan niya ito kayang tiisin.

They were sitting in the hot tub opposite each other. Ramdam niya ang tensiyon sa pagitan nila. As a matter of fact, it was so thick she could taste its sweet strong taste. Pareho silang may iniinom na juice at nakatingin lang sa isa't isa.

For the first time ever, they talked. Really talked. At natuklasan ni Elma na napakaraming bagay naman pala ang lovable sa asawa. Hindi si Kiko ang lalaking napakaseryoso sa buhay. Sa katunayan, mahilig din naman pala itong magbiro. And his punch lines came easy that time. Dahil kahit siguro may tensiyon sa pagitan nila ay relaxed naman sila. Walang pressure, wika nga.

Elma was having so much fun. That day would definitely go down in history as one of her best birthdays ever.

Nang magyaya na si Kiko ay tumayo na rin siya. Ito pa ang nagbalabal sa kanya ng tuwalya. Naging gentleman din ito. At habang bumibiyahe sila pauwi ay nagtatawanan sila, nagkakasiyahan. Nag-uumapaw ang kaligayahan sa kanyang puso. Ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman niya. Basta alam niyang masayang-masaya siya. At nakadagdag sa kasiyahan niya ang kasiyahan ni Kiko na nakikita sa mga mata nitong nakangiti.

"Kiko?"

"Hmm?"

"I'm having so much fun."

"Me, too."

"Kahit kailan ba naisip mong puwede tayong magkaganito?"

"Never."

Sabay pa silang nagtawanan. "Thank you."

"What are you talking about? It's okay. You deserve this. This is nothing."

"Well, it means so much to me."

"Likewise." Sumeryoso ang mukha ni Kiko, saka siya hinalikan sa noo. "I have a confession to make."

"What is it?"

"I'm actually very excited to have dinner with my wife."

Bigla na lang nag-init ang mga mata ni Elma. Pakiramdam niya ay magmumukha siyang tanga kapag nakita ng asawa na naiyak siya sa sinabi nito kaya naman mabilis siyang tumalikod. "I'm very excited, too, Kiko. I'll see you later."

"And I'll be waiting for you."

Parang may pakpak ang mga paang umakyat na siya sa inookupang kuwarto.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreWhere stories live. Discover now