Chapter 19

8.7K 234 2
                                    

JUST when Elma thought the night couldn't get better did Kiko gave her his gift. Nasa isang velvet case iyon na may tatak na Tiffany and Co. sa ibabaw. Alam na niyang alahas iyon pero excited pa rin siyang makita kung ano iyon.

"W-what's this?" tanong niya.

"Just open it." Kiko was beaming, too. Parang excited ding makita na niya kung ano ang laman niyon.

"You really needn't bother, Kiko!"

"Just open it!"

Nakangiting binuksan na nga ni Elma ang velvet case. Inaasahan na niyang mamahalin iyon pero nanlaki pa rin ang mga mata niya nang makitang isang set ng alahas ang nandoon. Makabago ang design, may birthstone niya. It was worth millions in peso.

Ang totoo, kahit wala nang ganoon ay masaya na siya. Okay na ang espesyal na araw na iyon. Kahit kailan, hindi siya naging emosyonal. Nagiging emosyonal lang siya lately. At naiyak na nga siya. Mukha namang nag-alala ang kanyang asawa.

"Are you all right?" tanong agad ni Kiko nang makalapit na sa kanya. "Hindi mo ba nagustuhan? I can give you something else—"

Natigil ang pagpapaliwanag ni Kiko nang hilahin niya ang necktie nito at halikan sa mga labi. Wala na siyang pakialam kahit nasa loob sila ng restaurant at marami ring tao. Kaninang-kanina pa niya ito gustong halikan.

Mukhang nabigla ang asawa. Ilang sandaling hindi ito nakatugon pero agad din namang nakabawi. Hindi nagtagal, nasa baba na niya ang daliri nito, parang umaalalay. Nagbibigay ang halik ni Kiko, hindi umaangkin. Nang maghiwalay ang mga labi nila, wala siyang gustong gawin kundi halikan uli ang mga labi nito.

Ngumiti si Kiko. "You kissed me," wala sa loob na sabi nito.

"Y-yes, I did."

"Ehem," sabi nito, tumayo at itinaas pa ang kuwelyo, astang nagyayabang na bumalik na sa upuan. Napahagikgik naman siya. "Waiter! Give the missus another glass of wine, will you?"

"Stop!" Natawa na si Elma nang malakas.

Ngiting-ngiti lang ito. Kinikilig naman siya. Daig pa nila ang hindi pa mag-asawa at ngayon lang nag-date. Parang hindi sila nagkasama sa ilalim ng iisang bubong sa loob ng ilang buwan.

Hanggang sa inabot na sila nang hanggang madaling-araw sa restaurant. Light and easy lang ang mood nila. Sila na ang huling parokyano sa lugar. And after Kiko signed the check, they went home.

Sa bahay, isinuot ni Kiko sa kanya ang lahat ng alahas. "Lovely," sabi nito.

Nag-blush si Elma. "Kiko, masaya ako. Salamat."

Ngumiti lang ito at inihatid na siya sa kanyang kuwarto. "This night has to end, sadly. Well, good night, wife. I'll see you tomorrow. Happy birthday."

"Thank you."

Hinalikan siya ni Kiko sa pisngi at nagpunta na sa kuwarto nito. Pagpasok niya sa kuwarto ay napasandal pa siya sa likod ng pinto. Parang bitin na bitin ang gabi niya. Gusto pa niyang makasama nang mas matagal ang asawa. She sighed. Too late for that now. Kapag kinatok niya ito, baka naman sa iba pa sila mauwi.

Inilabas ni Elma ang kanyang cell phone. Ang daming messages sa kanya. Nagpasya siyang tawagan ang best friend sa landline. Nang angatin niya ang receiver, natuklasan niyang may gumagamit ng telepono. Katulad noong una, tinakpan agad niya ang mouthpiece.

"Honey, how about you go to my place?"

Nakilala ni Elma ang boses ni Suzy. Paano niya makakalimutan ang parang palaging nang-aakit na boses nito? Nag-init agad ang kanyang ulo. Hindi niya matanggap. After the wonderful night she and Kiko shared, nandoon na naman sa eksena ang babae.

"I can't," sagot ni Kiko.

Nabuhayan ng loob si Elma. Pero nabuwisit siya nang tuluyan sa sinabi ni Suzy. "I've got a can of whipped cream, honey, and it's waiting to be licked off of your cock."

Tumikhim si Kiko. "I... c-can't."

"I miss you. I wanna ride you, baby."

Hindi na nakatiis si Elma sa puntong iyon. Marahan niyang ibinaba ang telepono. Lumabas siya ng kuwarto at dumeretso sa kusina. Natagpuan naman niya ang hinahanap—lata ng whipped cream. Sumugod siya sa kuwarto ng asawa, pabalabag na binuksan ang pinto. Hawak pa rin nito ang telepono. Inagaw niya iyon.

"Then I'm gonna play with your—"

"Play with my husband's what, you sleazy whore?" singhal niya sa telepono.

"E-Elma?" Mukha namang nabigla ang babae sa kabilang linya.

"Don't you ever go near my husband again or I swear I'm gonna rip your guts out and feed it to the dogs!" Ibinagsak niya ang telepono at hinarap si Kiko.

"E-Elma!"

"After that wonderful night, you came calling her? How could you?"

"She said it was an emergency. I thought it w-was."

Funny, but she didn't hate him. As a matter of fact, she was thankful he didn't say "yes" to that bitch Suzy. Isa pa, ano ba ang masama kung pagbigyan na niya si Kiko? Maganda naman ang naging gabi nila. Kung palagi silang magbibigayan, sa tingin naman niya ay magkakasundo sila. Ngumiti siya.

"You're forgiven." Itinaas ni Elma ang lata ng whipped cream. "This is for a wonderful evening, husband."

Halos malaglag ang mga panga ni Kiko. "E-Elma..."

"Naisip ko lang, ayoko naman talagang sumasama ka pa sa Suzy na 'yon kaya ibibigay ko na sa 'yo ang gusto mo."

"E-Elma..." sabi uli nito, natutuliro na.

"O, bakit parang ayaw mo? Narinig ko ang usapan n'yo. Kung ano ang ginagawa sa 'yo ng babaeng 'yon, gagawin ko rin para hindi ka na maghanap ng iba. Tuturuan mo ako kasi hindi ako marunong. Pero mabilis naman akong matuto."

"E-Elma, my God!"

"What?"

"A-are you sure?"

"Yes." Nilapitan na niya si Kiko.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreWhere stories live. Discover now