Chapter 9

8.6K 258 4
                                    

Matigas ang pasya ni Kiko na sa apartment na lang nito sila manatili habang nagsasama. Nandoon daw kasi ang maliit na opisina nito at komportable na ito roon. Ayaw na raw ng lalaki na maglipat-lipat pa ng mga gamit. Masyado raw itong abala para intindihin pa ang mga bagay na iyon.

Wala nang nagawa si Elma. Tutal, sarili pa rin nila ang apartment. Malaki rin naman iyon, tatlo ang kuwarto at mayroong kasambahay na naglilinis tuwing umaga.

Noong una, ang akala niya ay madaling pakisamahan si Kiko. Pero nagkamali yata siya. Halos hindi siya nito kinikibo, kaya naman ganoon din siya. Alam niya, nag-ugat ang parang pagkakaroon ng pader sa pagitan nila noong gabing iniwan siya nitong mag-isa sa kuwarto.

Bahala siya sa buhay niya, sa isip-isip ni Elma. Okay lang iyon sa kanya. Isa pa, wala rin naman siyang sasabihin sa asawa. They were strangers, that was the thing. At wala siyang nakikitang dahilan para suyuin ito. At bakit naman niya iyon gagawin samantalang wala naman siyang nagawang masama?

Naisip niyang baka ganoon lang talaga si Kiko—topakin.

Maganda naman ang apartment, kompleto sa gamit. Ang tanging dinala ni Elma ay ang mga damit. At dahil tatlo naman ang kuwarto, sa isang bakante na siya pumuwesto. That would be her room for two years. Sanay naman siya na palaging hindi permanente ang tinitirhan. Gala nga kasi siya.

Hindi niya inilagay ang lahat ng mga damit sa closet. Gagala pa siya sa susunod na linggo at pupunta sa Boracay. Sasabihin niya ang plano kay Kiko mamaya kahit pa nga usapan na nilang wala silang pakialaman.

Nang maiayos ang mga damit, lumabas na si Elma. Wala sa sala si Kiko. Nagpasya siyang magtelebabad. Isa iyon sa mga hobbies niya. Siya ang tipo ng taong hindi mabubuhay nang walang telepono.

Nang angatin ang telepono, nalaman niyang ginagamit iyon ni Kiko. Parang instinct na naitakip niya ang kamay sa mouthpiece. Dinig na dinig niya ang "pakikipaglandian" ng asawa! Nakaramdam siya ng matinding iritasyon pero pinag-igi niya ang pakikinig.

"I'm sorry about the last time you came to my place, honey." Husky ang boses ng babae sa kabilang linya. Kung boses ang pagbabatayan, masasabi niyang mala-Vivian Velez ang hitsura nito. "Marami kasi akong ginagawa. Sana naman pagbigyan mo ako ngayon. I need you now, darlin'."

Napanganga si Elma. Malinaw na ini-indecent proposal ng babaeng malandi ang kanyang asawa! Oo nga at wala silang pakialaman ni Kiko pero pakiramdam niya ay nababastos siya sa naririnig. Asawa niya si Kiko. Kahit sa papel lang iyon, dapat iyong igalang ng malanding babae, kung sino man ang bruha!

Pero ang magaling niyang asawa naman, parang ine-encourage pa ang babae dahil sa sagot nito. "I need you, too. I wanna strip off your clothes piece by piece."

"Oh, I'm getting wet just thinking about it."

Napaawang uli ang mga labi ni Elma. Aba, nagpo-phone sex pa yata ang dalawa! Sa pamamahay na iyon! Kahit nandoon siya! Pero nanatiling nakatapat sa kanyang tainga ang telepono.

"I'm getting hard just thinking about it."

"I wanna spread chocolate all over you and lick even the last drop. Come over now. I'm gonna get ready for you."

Hindi na nakatiis si Elma. Maingat na niyang ibinaba ang handset. Nang mapatingin siya sa kuwarto ni Kiko, kitang-kita niya nang biglang sumara ang pinto niyon. Tumaas ang isang kilay niya. Kanina pa ba nakikita ng asawa na nakikinig siya o nagkataon lang na sumara bigla ang pinto? Baka habang paikot-ikot si Kiko sa loob ng kuwarto ay napasandal ito roon o kung ano man.

Naghintay na lang siya sa sofa. Kunwari ay nagbabasa siya ng magazine nang lumabas si Kiko ng kuwarto.

"I'm going out," paalam nito.

"Saan ka pupunta?" ayaw na sana niyang itanong pero lumabas sa bibig niya.

"Someplace."

"Like where?" giit ni Elma, may bahid ng iritasyon. Masakit sa ego niya na wala pa silang isang linggong mag-asawa pero nangangaliwa na si Kiko. Siyempre, dapat okay lang iyon dahil hindi naman sila normal na mag-asawa, at wala rin naman siyang balak na ibigay rito ang mga pisikal na pangangailangan. Pero kahit na!

"An ex's condo. Satisfied, dear wife?"

Ang hudas, hindi man lang nag-deny! Lalo tuloy parang kinokombulsiyon ang ego niya. Napatayo pa siya. "Kapal mo!"

"Ako, makapal?" Itinuro pa nito ang sarili. "Bakit ka ba nagkakaganyan? 'Wag mong sabihing gusto mong mag-stay ako dito?"

Natigilan siya. "I-imoral ka," bulong niya.

Natawa nang malakas si Kiko. "I don't believe in cheesy shit like that, darlin', I'm sorry. I'm a man with needs. And since my wife cannot provide me with those, I figured I should get them from other women since I could." Nakangising nilapitan siya nito, saka ipinaikot ang bisig sa kanyang baywang.

Dahil nabigla, hindi nagawang mag-react kaagad ni Elma. Nag-init ang kanyang mukha. Lalong lumapad ang pagkakangisi ni Kiko.

"Unless of course you're willing to give me what I need."

"I w-won't." Napalunok siya. God, he was so close, his aftershave smelled so darn good and fresh. His breath smelled like mint.

"Are you sure?" Maririnig ang patuloy na panunukso sa boses nito.

"Y-yes." Elma's knees felt weak. Parang gusto niyang angkinin ni Kiko ang mga labi niya. May kiliting tumulay sa kanyang likod. Naalala pa niya kung gaano kasarap sa pandama ang mga labi nitong nahalikan na niya.

"Last chance." Lalo siya nitong hinapit.

She gasped when she felt his arousal near her tummy. Napaatras siya. "Sige, lumarga ka. Pero sa susunod, mas maganda kung magde-deny ka naman kahit kaunti."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "At bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Dahil 'yon ang gusto ko. Ayokong masyado kang open sa akin tungkol sa mga sexual activities mo."

"Whatever pleases you, my darling wife." Nagdikit ang mga labi ni Kiko. Iyon lang at lumabas na ito, pabalabag pang isinara ang pinto.

Ngitngit na ngitngit naman si Elma.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreWhere stories live. Discover now